Kim Chiu hopes “someone will give me his unconditional love”
Kim Chiu careful when asked about breakup with Xian Lim.


On the topic of love life, Kim Chiu was asked: “Have you ever felt unconditional love from anybody?”
Inamin ni Kim Chiu na never pa siyang nakaramdam ng unconditional love sa mga taong minahal niya noon.
Mismong kay Kim galing na dalawa lamang ang kanyang naging karelasyon: ang una ay five years at ang pangalawa ay 11 years.
Hindi man tinukoy ni Kim kung sino sila, hindi lingid sa showbiz na ang dalawang aktor na nakarelasyon niya ay sina Gerald Anderson at Xian Lim.
Pinag-usapan ang buhay-pag-ibig ni Kim sa interview sa YouTube channel ni Dra. Vicki Belo nitong March 16, 2024.
Inusisa ang kasalukuyang estado ng puso ni Kim.
“It’s a little empty pero okay naman. It’s ano naman… part of life and part of growing up,” sagot ng Kapamilya actress.

KIM ON HER PAST RELATIONSHIPS
Sa interview, pinag-usapan ang ugali ni Kim na sobrang maasikaso at mapagmalasakit sa mga taong minamahal — pamilya man o karelasyon.
Pakiramdam daw ba ni Kim ay kamahal-mahal siya?
“Of course. Kaya ang haba ng pasensiya ko and I give my 100 percent para in the end, wala akong pagsisisi. Wala akong regrets, just lessons learned.”
Tinanong si Kim kung hindi ba niya natatanong sa sarili kung bakit hindi nasusuklian ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iba.
“Baka one day. Not today, not tomorrow, not yesterday,” may halong birong sagot ni Kim.
“I don’t know when. Growing up, nasanay talaga ako na I always give love.”
Ipinaliwanag ni Kim na hangad niyang darating ang panahong may lalaking lubos na magmamahal sa kanya.
“Yun lang ang gusto ko. I want to give love para someday someone will give me his unconditional love,” ani Kim.
Sa usaping puso pa rin, sinundot ng tanong si Kim kung nakaramdam na siya ng “unconditional love from anyone.”
“Not yet,” mabilis niyang tugon.
“From my ate…” pahabol niya.
Pinansin din ni Dra. Vicki ang long-term relationships ni Kim.
Pabirong tugon ni Kim, iiksian na lang niya ang kanyang mga relasyon para mas makarami.
KIM CHIU ASKED ABOUT XIAN LIM
Late last year, ibinunyag nina Kim at Xian ang pagtatapos ng kanilang 11-year relationship via Instagram posts.
Bago ito, maugong ang usap-usapang nagkahiwalay na ang dalawa.
Just recently, may mga usap-usapang karelasyon na umano ni Xian ang isang film producer, si Iris Lee.
Maingat si Kim nang matanong ukol dito.
Sagot niya kay Vicki: “Di ko alam… Wala akong idea.”
Sinubukan ding usisain si Kim sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Xian subalit mailap ang aktres.
Sagot niya sa tanong kung ano rason ng breakup nila, “Wala naman. Baka magalit siya.
“Ano lang talaga, common understanding, mutual decision to end things, and to move on with our lives.”
Sabi pa niya ukol sa paghihiwalay nila, “It’s very personal. Medyo mahirap siya.
“You just to accept siguro na may mga bagay na wala ka nang control, and you cannot push yourself sa isang bagay na not in the same wavelength.”
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load