Judy Ann Santos confirmed that she is now pregnant. How many weeks pregnant is Juday?

Twitter

By Rommel Gonzales

Alam ng lahat na isang mabuting ina si Judy Ann Santos sa kanyang mga anak na sina Yohan (na inaanak namin sa binyag), ang unico hijo na si Lucho at ang bunsong si Luna.

As in super sa pagka-hands on si Judy Anne sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kanyang tatlong anak.

Siya ang kasama ni Yohan noong dumalo ito for the very first time sa debut ng isang kaibigan, present rin siya lagi (at si Ryan Agoncillo) sa mga sports event ni Lucho, at sa unang pagpasok ni Luna sa face-to-face class mula nang magkapandemya, si Judy Ann ang naghatid sa kanyang bunso at nagbantay sa gate ng eskuwelahan kasama ang iba pang mga magulang at marami pang ibang mga ganap ng isang ina.

At kanina naman, nakakaaliw ang work-of-art ni Juday, ang baon ni Luna na Bento box na naglalaman ng mga pagkain ni Luna para sa kanyang lunch break sa school.

Makulay at sa litrato pa lamang sa Instagram story ni Juday ay mukhang napakasarap ng laman nitong cheesy Korean rice and vegetables, organic pretzel sticks, Elderberry jewel shots at Yogis for dessert.

And yes, sinisigurado ni Juday na masustansiya ang lahat ng pagkain ng kanyang buong pamilya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News