
Jhong Hilario: “Ang nagawa sa akin ng Streetboys na nalaman ko lang ngayon, yung purpose ko sa buhay, yung purpose ko sa mundo na makapagpasaya ng mga tao.”
PHOTO/S: @jhonghilario on Instagram
Lubos at taus-puso ang pasasalamat ni Jhong Hilario sa award-winning director na si Chito Roño dahil ito ang naging instrumento kaya natupad ang mga pangarap niya sa buhay.
Si Chito ang mentor at manager ng The Streetboys.
Siya ang nagtiwala sa kakayahan ni Jhong, kahit hindi ito masyadong marunong sumayaw noon.

Streetboys with Direk Chito Rono
Photo/s: Jhong Hilario Instagram
“Ang nagawa sa akin ng Streetboys na nalaman ko lang ngayon, yung purpose ko sa buhay, yung purpose ko sa mundo na makapagpasaya ng mga tao,” saad ni Jhong sa Cabinet Files.
“Thankful ako kay Direk Chito na ginamit ng Panginoon para ma-discover ako. Kasi noong nagsimula ako sa Streetboys, zero ako pagdating sa sayaw.
“Marunong lang ako mag-tumbling, nag-tumbling lang ako, nagustuhan ni Direk Chito. Yung dance, pinag-aralan ko na lang.
“Pagdating sa acting, with the help of Direk Chito, natuto akong umarte.”

Photo/s: It’s Showtime Facebook
JHONG HILARIO’S FORAY INTO ACTING
Second choice lang si Jhong para sa karakter ni Luis sa 1997 movie na Sa Pusod ng Dagat dahil ang kapwa niya Streetboys member na si Spencer Reyes ang gusto ng direktor at National Artist na si Marilou Diaz-Abaya.
Si Chito ang nagkuwento na siya ang nagrekomenda kay Jhong kay Marilou para gampanan ang papel ni Luis sa pelikulang pinagbidahan ni Jomari Yllana.

Pagbabalik-tanaw ni Chito, “Sa Istokwa [1996] pa lang, nagustuhan ko na si Jhong bilang aktor.
“In fact, sa sumunod na pelikula, ini-recommend ko kay Marilou Diaz-Abaya si Jhong, Sa Pusod ng Dagat.
“Gusto niya [Marilou], si Spencer Reyes, sabi ko, ‘I-try mo si Jhong.’ Dapat kay Spencer yon, ibinigay ko si Jhong.”
Pinatotohanan ito ni Jhong.
Kuwento ng It’s Showtime co-host, “Si Spencer kasi may braces, ayaw niyang ipatanggal dahil bago pa lang kaya tinanggihan niya. Humingi ng isang artista kay Direk Chito, ako yung ipinadala.”
Pagkatapos ng Sa Pusod ng Dagat ay naging isa sa mga paboritong aktor ni Marilou si Jhong kaya binigyan siya ng mga importanteng papel sa Jose Rizal, Muro-Ami, at Bagong Buwan.
JHONG THANKS VHONG FOR IT’S SHOWTIME GIG
Pinasalamatan naman ni Jhong ang kamiyembro niya sa Streetboys na si Vhong Navarro dahil ito ang nagsilbing instrumento kaya naging co-host siya ng noontime show na It’s Showtime.
“Pagdating naman sa hosting, with the help of Vhong, dahil dati judge lang ako.
“Kinuha ako ni Vhong, sabi niya, ‘Baka puwede kang mag-judge sa Showtime?’
“Pumunta ako, hindi ko akalain na magiging host pala ako ng Showtime pagdating ng panahon,” kuwento ni Jhong.
Dagdag niya, “And then, yung pagiging public servant [Makati City councilor] ko naman, sa sampung magkakapatid, ako pala yung papalit sa tatay kong konsehal ng Makati City.
“Na-realize ko na ngayon ang purpose ng Panginoon para sa akin, mag-entertain, magpasaya ng mga tao, at tumulong. So, sobrang pasasalamat ko dahil isa ako sa mga napili.”
JHONG HILARIO ON DAUGHTER SARINA
Natutuwa naman si Jhong dahil isa ring entertainer ang kanyang anak na si Sarina na kinagigiliwan nang husto ng publiko.

Jhong Hilario with wife Maia Leviste and daughter Sarina
Photo/s: Screengrab from Facebook | Jhong Hilario
“Nagkaroon pa ng bonus, pati pala yung anak ko, magiging entertainer din pala.
“Si Sarina, walang idea tungkol sa Streetboys, pero nakikita niya na kasama ko sila na nagsasayaw. E, yung bata naman, mahilig talaga sa music so na-appreciate niya.
“Pinapaliwanagan ko siya na ‘this is my dance group before,’ so masaya siya. Sobrang saya ni Sarina kapag nakikita niya na sumasayaw kami.
“Kilalang-kilala ni Sarina ang Streetboys dahil palagi kaming nagkakaroon ng reunion dinner sa bahay ni Direk. Sumasama yung mga bata,” kuwento ni Jhong.
Itatanghal ang reunion dance concert ng Streetboys, SB90 The Streetboys Reunion, sa New Frontier Theater, Araneta City, Cu
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load