Janine proud GF ni Jericho: Sobrang mapagmahal, super maalaga
Janine Gutierrez at Jericho Rosales
VERY open na si Janine Gutierrez sa relasyon nila ni Jericho Rosales na nagsimula raw talaga sa teleserye nilang âLavender Fields.â
Mas fresh, mas maganda at mas nagliliwanag ang awra ni Janine nang muli namin siyang makaharap sa finale mediacon ng âLavender Fieldsâ kung saan first time nga silang nagkatrabaho ni Jericho.
Habang iniinterbyu ng BANDERA at ng ilang piling members ng media si Janine ay ramdam na ramdam namin ang kanyang pagiging proud girlfriend ni Echo.
âHappy kasi parang ever since takot akong magsalita (tungkol sa kanilang relationship). Pero ngayon parang magaan lang lahat, masaya rin na mag-share ng pictures and everything and share ng happiness,â aniya pa.
Nagpasalamat din siya sa premyadong aktor dahil sa pagiging supportive nito habang ginagawa nila ang âLavender Fieldsâ kasama sina Jodi Sta. Maria, Edu Manzano, Albert Martinez, Maricel Soriano at marami pang iba.
Kuwento ni Janine, nag-start lang daw ang lahat sa kagustuhan nila ni Echo na maging natural at makatotohanan ang pagganap nila bilang mag-asawa sa serye.
âUnexpected naman ang nangyari sa aming dalawa eh, parang nuâng una gusto lang naman naming maging convincing kami na dating mag-asawa sa palabas na talagang pinag-uusapan namin ang mga eksena kung paano pagagandahin so masaya na parang okay siya as a person at katrabaho,â chika ng premyadong aktres.
âDito lang naman kami naging close. Hindi kami magkakilala before. So nakilala ko siya better as the show progressed.
âPero masaya siya katrabaho kasi you feel safe saka alam mo on the same page kayo na gusto niyo gawin lahat para mapaganda âyung eksena. Parang hindi ka mahihiya,â aniya pa.
Ano naman ang mga nadiskubre niya sa pagkatao ni Echo? âMarami. I knew naman na magaling talagang umarte, alam natin lahat âyon.
âPero nalaman ko na kahit Jericho Rosales na siya, sobrang game pa rin siya mag-workshop, mag-aral. Maging geeky sa pag-iisip ng gagawin sa eksena at sa script,â aniya pa.
Super naa-appreciate rin daw niya ang effort ni Jericho na maging bongga ang bawat eksena nila, âKasi he takes the time before the scene starts na pag-usapan na âo eto ang gagawin ko rito.â At least aligned talaga kayo, then we talk to direct about it, sobrang collaborative.â
Tinanong naman ng BANDERA ang dalaga kung anu-anong mga qualities ang nagustuhan niya kay Echo.
âSiguro sobrang mapagmahal siya ng tao sa set, super maalaga siya, palagi niyang iniisip âyung crew, ganyan âyung ibang cast, mga katrabaho, si Tito Edu (Manano) laging niyang tsine-check kung okay sa standby area, sa lahat nuâng makasalubong siya, parang ang liwanag lang niya sa lahat, sobrang bait,â lahad ni Janine.