True ba, pagbabalik ni Kris Aquino sa TV hindi muna matutuloy?

Kris Aquino, Joshua at Bimby
MARAMI ang nagtatanong kung ano na ang mga latest ganap ngayon sa buhay ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Pagkatapos kasi niyang ibalita last year na magbabalik na siya sa telebisyon at gagawa uli ng show sa ABS-CBN ay wala nang narinig uli mula sa kanya ang madlang pipol.
Kahit nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon ay hindi nagparamdam ang TV host-actress sa social media kaya naman hindi maiaalis na ma-miss uli siya ng kanyang mga loyal supporters.
Ayon sa isang source na nakausap namin, mukhang imposible pa raw na masimulan ni Kris ang nakatakda sana niyang gawing show sa Kapamilya Network dahil sa estado ngayon ng kanyang kalusugan.
Samantala, nag-share naman uli sa Facebook ang confidante ng aktres na si Kuya Dindo Balares tungkol sa kalagayan ng nanay nina Joshua at Bimby.
Kalakip nito ang throwback photo ni Kris na kuha raw niya noong 2019.
“Natatambakan ako ng inbox messages ng loyal followers na nakaka-miss kay Kris Aquino at ng kahit na konting updates tungkol sa kanya,” simulang pagbabahagi ng dating tabloid entertainment editor.
Pagpapatuloy ni Kuya Dindo, “Marami pa rin kaming mga pinag-uusapan, pero aalamin ko muna kung ano ang puwedeng i-share sa publiko.
“May laging bilin si Krisy, ayaw niyang nakakadagdag pa ng mga alalahanin sa ibang tao. Kaya kung makakabigat din lang sa iba ang ipo-post ko, huwag na.
“Ito rin kung minsan ang sitwasyon ko, kasi pati sa akin itinatago niya kung minsan ang worries, struggles, at sufferings niya.
“‘Kuya Dindo I didn’t want you to be sad,’ kaya ‘di agad niya sinasabi.
“Kung minsan gusto kong biruin, na, by nature sad person naman talaga ako, inborn lungkut-lungkutan ang peg, gano’n. Nagagamot ang sadness ko kung may maitsitsismis ako, hahaha!
“Biruin ko na nga, para kung mag-react, may maitsismis na uli ako!
“Kuha ko sa kanya (ang litrato) noong 2019. Nadatnan kong umiinom ng milk (may konting kape), at malalim ang iniisip,” ang buong post ni Kuya Dindo.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load