Xian Gaza sa SM viral video: “Ang hirap maging mahirap kasi unfair sayo ang mundo”
Nagpahayag si Xian Gaza ng saloobin tungkol sa viral video ng batang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa SM
Binatikos niya ang sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga bata at nagdudulot ng kawalan ng oportunidad sa mahihirap
Hinimok niya ang mga magulang na huwag mag-anak nang hindi handang tustusan ang mga ito upang maiwasan ang siklo ng kahirapan
Nagpakita siya ng simpatya sa security guard at nanalangin para sa kanyang pag-ahon mula sa kahirapan
Nagbigay ng opinyon si Xian Gaza sa isang viral video sa Facebook kung saan makikita ang isang batang nakasuot pa ng uniporme habang nagtitinda ng Sampaguita na pinaalis ng isang security guard sa isang SM establishment.

Source: Facebook
Sa kanyang post, mariing ipinahayag ni Gaza ang kanyang pagkadismaya sa sistema ng lipunan at sa hirap ng buhay na dinaranas ng mga bata sa lansangan. Ani niya, “Ang hirap maging mahirap kasi unfair sayo ang mundo. Yan ang masakit na realidad.”
Inilahad din niya ang realidad na kinakaharap ng mga bata na sa murang edad ay kinakailangang maghanapbuhay para masuportahan ang kanilang pag-aaral. “Naghahanapbuhay ka sa murang edad para may pantustos ka sa pag-aaral mo tapos sisirain lang yung paninda mo. Saan ka kukuha ngayon ng kapital para bukas?” tanong niya.

Source: Facebook
Pinuna rin ni Gaza ang ugat ng problema, kabilang na ang pagpapamilya ng mga magulang nang hindi handang tustusan ang kanilang mga anak. Dagdag pa niya, “Kaya sana eh huwag po tayong mag-anak ng mag-anak if we are not financially capable. Huwag nating ipamana sa mga anak natin yung sumpa ng kahirapan thinking na sila ang mag-aahon sa atin.”
Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng saloobin para sa security guard na nakuhanan sa video. Aniya, “Para naman kay Manong Guard, kung makarating man sayo ito, Manong… I pray na sana ay makaahon ka na rin sa miserableng buhay. Ramdam ko na pagod na pagod ka na rin. Kaya mo nga yan nagawa eh. Repleksyon yan ng buhay na mayroon ka. God bless you both.”
Umani ng ibaāt ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post ni Gaza. Marami ang pumuri sa kanyang mensahe habang ang ilan naman ay binigyang-diin ang pangangailangan ng mas maayos na sistema upang tugunan ang ganitong sitwasyon.
Ang viral video na ito ay muling nagpaalala sa publiko tungkol sa matinding kahirapan at ang epekto nito sa mga bata na maagang namumulat sa hirap ng buhay.
Samantala, naglabas na ng pahayag ang SM Megamall kaugnay sa isyu.
Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na “pambansang scammer” matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.
Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab HarakeĀ na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya.
Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica YapĀ na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON š±š„°
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basherās vulgar remark: āDidnāt pass the vibe checkā
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine LustreĀ didnāt waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter ādidnāt pass the vibe check.ā Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled withĀ empowered womenĀ ā individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo,Ā humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng ibaāt ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load