Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung totoo ang lumabas na isyu sa kanila ni ‘P’
Sa isang panayam sa Men’s Room sa One PH, tinalakay ni Gerald Anderson ang lumabas na bali-balita ukol sa kanya at kay ‘P’. Tinukoy ng host ang isyu ngunit hindi binanggit ang pangalan ni ‘P’. Nang ibinulong na sa kanya kung sino ang tinutukoy, agad namang sinagot ni Gerald na tsismis lamang ito at walang katotohanan ang anumang pag-uugnay sa kanya kay ‘P’.

Source: Youtube
Ayon kay Gerald, wala siyang alam tungkol sa mga kumakalat na balita at mariin niyang pinabulaanan ang mga ito. Pabiro pang sinabi ni Gerald na ito raw ang pinakamahirap na interview na kanyang naranasan sa buong showbiz career niya. Sa kabila ng mga tanong ukol sa isyu, ipinakita ni Gerald ang pagiging kalmado at mature sa kanyang mga sagot. Tiniyak niyang ang mga balitang kumakalat ay walang basehan at hindi siya apektado ng mga tsismis.
Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.
Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load