Erwan Heussaff responds to netizen who noticed he was not wearing his wedding ring; denies speculations about his marriage to wife Anne Curtis.
PHOTO/S: Erwan Heussaff on Instagram
Pinabulaanan ni Erwan Heussaff ang kumakalat na espekulasyong hiwalay na umano sila ng asawang si Anne Curtis.
Nagsimula ito sa isang blind item tungkol sa dalawang showbiz personalities na hiwalay na raw.
Paglalarawan sa nasabing blind item, mag-asawa ang dalawa.
Bagamat hindi raw artista ang lalaki, kilalang-kilala ito sa showbiz dahil sa kanyang misis na sikat namang artista.
Marami sa netizens ang humulang sina Erwan at Anne ang tinutukoy sa blind item.
NETIZENS ASSUME ANNE AND ERWAN’S RELATIONSHIP ON THE ROCKS
Mas nagliyab ang hinala ng netizens nang lumipad kamakailan sa ibang bansa si Anne, kasama ang anak na si Dahlia, ngunit wala si Erwan.
Noong August 31, 2024, nag-post si Anne sa Instagram ng mga kuha nilang larawan sa Australia, kasama si Dahlia, kapatid na si Jasmine Curtis-Smith, at inang si Carmen.
View this post on Instagram
https://www.instagram.com/p/C_UWhACSZKF/?utm_source=ig_web_copy_link
A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)
Wala rin si Erwan sa ipinost na photo collage ni Anne sa kanyang July at August dump sa Instagram.
View this post on Instagram
https://www.instagram.com/p/C_XnB4BSiDB/?utm_source=ig_web_copy_link
A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)
Dahil sa madalas na hindi pagsama ni Erwan sa mga biyahe ni Anne at Instagram posts ng Kapamilya star, binigyang kulay ito ng ilang netizens.
Hinimay-himay na nila ang iba pang detalyeng “pruweba” raw na hiwalay na ang dalawa.
Isa rito ang hindi na pagsuot ni Erwan ng kanyang wedding ring sa latest Instagram post nito.
Noong September 2, nag-post si Erwan ng video niya habang nagluluto ng chicken cordon bleu.
View this post on Instagram
https://www.instagram.com/reel/C_aMltvJZdI/?utm_source=ig_web_copy_link
A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)
Isang netizen ang nakapansing walang suot na singsing ang Filipino-French content creator/businessman, kung kaya’t napakomento ito.
Saad ng netizen (published as is), “He is no longer wearing the wedding ring [crying emojis].”
Napansin ni Erwan ang komento ng netizen, at agad nag-reply para itanggi ang kumakalat na balitang hiwalay na sila ni Anne.
Ani Erwan, “[L]ol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook.”
Depensa naman ng netizen, hindi siya masisisi ni Erwan dahil sanay itong makita ang mister ni Anne na laging suot-suot ang kanyang wedding ring.
Aniya, “@erwan sorry po, nasanay lang siguro ako na all vids mo you always wear it.”
Hindi na sumagot si Erwan.
Photo/s: Screengrab @Erwan Heussaff on Instagram
JASMINE CURTIS-SMITH DENIES BREAKUP RUMORS around ANNE AND ERWAN
Samantala, bago pa man magsalita si Erwan tungkol sa maling espekulasyon sa relasyon nila ni Anne ay nauna na itong pinabulaanan ng kapatid ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.
Sa caption, sinabi ni Jasmine na bagamat wala siya sa lugar para magsalita ay nais niyang matuldukan na ang maling haka-haka sa relasyon ng kanyang nakatatandang kapatid.
Diin ng Asawa Ng Asawa Ko star, “fake news” ang napapabalitang breakup nina Anne at Erwan.
Mababasa sa kanyang caption (published as is): “Hi everyone and happy weekend. Ayoko na sana i-address to dahil alam ko naman my sister’s and my supporters are wiser, but wag tayo magpadala sa fake news here on FB or TikTok.
“We are peacefully bonding and enjoying each other’s company in Australia at the moment. love love love!”
Photo/s: Screengrab @Jasmine Curtis-Smith. The curtis-smith family: jasmine, mother carmen, granddaughter dahlia, and anne.
Ikinasal sina Anne at Erwan sa New Zealand noong 2017, makalipas ang anim na taon nilang pagiging magkasintahan.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Anne tungkol sa isyu.
News
SHOCKING: Erwan Heussaff Responds Fiercely to ‘Anne Curtis’s Husband’ Label (TR)
Erwan Heussaff angrily responds to being called ‘asawa ni Anne Curtis’ In a recent incident, Erwan Heussaff, one of the prominent faces in the Philippine food and media industry, reacted strongly to being called “asawa ni Anne Curtis”….
SHOCKED: LJ Reyes reveals that Paolo Contis hasn’t made any efforts in reach out to her; Nangako si Paulo Avelino ng suporta para kay Aki (TR)
LJ Reyes revealed that her long-time partner Paolo Contis still hasn’t reached out to her, following their recent breakup. In September 2021, Reyes confirmed her separation from Contis during her interview with Boy Abunda’s YouTube show The Boy Abunda Talk Channel. She…
SHOCKING MOMENT: Kim Chiu Confronts Vice Ganda LIVE in FRONT of MADLANG PIPOL! (TR)
In an episode of the popular show “It’s Showtime”, an unexpected and funny moment happened between Kim Chiu and Vice Ganda, making not only the audience but also Kim Chiu a little “blush”. While Kim was enthusiastically chatting and expressing…
SHOCKING REVELATION: ANNE CURTIS CONFIRMS PREGNANCY WITH ANOTHER MAN! ERWAN HEUSSAFF STRUGGLES TO ACCEPT THIS NEWS! (TR)
Isang kontrobersyal at nakakagulat na balita ang lumabas kamakailan na ikinagulat ng marami—sinapubliko na umano ni Anne Curtis ang kanyang pagbubuntis, ngunit ang mas kapansin-pansin ay hindi si Erwan Heussaff, ang kanyang asawa, ang ama ng bata. Ayon sa mga…
Emotional Revelation: Kim Breaks Down in Tears After Receiving a Three-Word Text from Paulo. Could This Be Her Heartfelt Confession?? (TR)
Pag-congrats ni Paulo kay Kim, pinusuan malala Kinakiligan ng KimPau fans at supporters ang pagbati ni Paulo Avelino sa kaniyang katambal na si Kim Chiu, matapos tanggapin ang “Oustanding Asian Star Award” sa 2024 Seould International Drama Awards na ginanap…
WATCH: Sa emosyonal na sandali, isiniwalat ni Vice Ganda si Ion Perez na minsang nagbitiw sa ‘Showtime’ (TR)
WATCH: In emotional moment, Vice Ganda reveals Ion Perez once resigned from ‘Showtime’ Real-life couple Ion Perez and Vice Ganda share a tearful moment on ‘It’s Showtime’ on Friday. ABS-CBN “It’s Showtime” breakout star Ion Perez once resigned from the…
End of content
No more pages to load