Una nang inihayag ng Eat Bulaga na hindi sila bothered at chill lamang umano sila sa paglipat ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa main channel ng GMA Network kung saan dati silang umiere noong under pa ng TAPE Incorporated ang kanilang noontime show na Eat Bulaga.

Pinabulaanan din ng isang insider ng TV5 ang kumakalat na isyu sa umano’y pagpapatawag ng emergency meeting ng Eat Bulaga dahil dalawang buwan nang negative ang earnings ng kanilang show.

Hindi rin umano nagpapanic ngayon ang production ng Eat Bulaga sa tapatan nila ng It’s Showtime sa katunayan ay taped episode ng Eat Bulaga ang inilabas nila nitong lunes at martes.

Dagdag pa nito, hindi na nangamngamba ang TVJ sa mataas na ratings ng It’s Showtime dahil may mga audience rin naman sila at may napatunayan na ang kanilang show bilang longest running TV show.

Hindi rin umano posible na maging negatibo ang earnings ng Eat Bulaga dahil puno naman ang kanilang commercial loads.

Masaya pa rin naman umano ang Eat Bulaga sa mga nakukuha nilang ratings ngayon dahil noong nasa TV5 pa ang It’s Showtime ay nasa 2% lang naman ang kanilang ratings.

Bukod pa rito, iginiit pa nila na talagang tataas ang ratings ng It’s Showtime dahil umiere ang kanilang show sa limang channel habang ang Eat Bulaga ay umiere lamang sa dalawang channel.

Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ng Eat Bulaga ang hindi nagustuhan ang panibagong segment ng Eat Bulaga na That’s My Boyfriend na ni-launch nito lamang myerkules.

Kaagad na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing panibagong segment ng show dahil marami ang naboboringan rito at hindi naman umano nakakaaliw na panoorin.

Ayon pa sa ilang mga fans, mas maganda umano na ibalik na lamang nila ang kanilang segment na That’s My Boy at Little Miss Philippines.

Gayunpaman, marami ang nagsasabi na tila ito na ang ipapantapat ng Eat Bulaga sa pinag-uusapang Expecially For You segment ng It’s Showtime.