Coco Martin, inamin na ang kanyang first kiss ay si Allan Paule
PHOTO : Coco Martin and Allan Paule
Inamin ni Coco Martin na ang aktor na si Allan Paule ang kanyang ‘first kiss’ on screen dahil sa pelikula nila na ‘Masahista’.
Sa isang panayam, naitanong kay Coco kung sino ang kanyang first kiss, nagulat naman ang lahat dahil hindi babae at ito ay ang aktor na si Allan Paule.
Natatawang sagot ni Coco : “Si Allan Paule.”
Coco Martin sa Toni Talks
Viral naman ang latest interview ni Coco sa show ng aktres-singer na si Toni Gonzaga na ‘Toni Talks’, dito ibinahagi ni Coco ang mga hirap na kanyang pinagdaanan sa pagpasok niya sa showbiz.
Ani Coco : “Kung tutuusin..ako yung pinaka..medyo mahirap na pinag-daanan..kasi biruin mo first movie ko..Gay film..[Masahista].
“Magpapakita ka ng pwet, diko makalimutan brief ko nun Bench pa nga yun eh.” dagdag ni Coco.
Inamin rin ni Coco na noong nagsi-simula pa lamang siya bilang Indie film actor ay P2,000 lamang na talent fee ang natanggap niya para sa buong pelikula na siya ang bida.
Coco Martin, sinumpa ang ABS-CBN
Inamin rin ni Coco na ilang beses siyang nakatanggap ng rejections mula sa kapamilya network.
Hindi niya makakalimutan na marami ang proyekto na ino-offer sa kanya ngunit pagdating umano sa casting ay muli siyang tinatawagan dahil hindi umano fit sa kanya ang naturang role.
Ang mga rejections na ito ay mula umano sa image ni Coco bilang ‘Bold Star’, dahil sa pelikula niya na ‘Masahista’ kaya maraming proyekto ang hindi niya nakukuha.
Dito na inamin ni Coco na nagawa niyang isumpa ang ABS-CBN.
Ani Coco : “Kasi first project ko gay film, sexy tapos kasi putok ako sa indie (movies) no’n kasi tatlo o apat ang ginagawa ko na puro (pang) festival no’n. Sabi niya, ‘puwede kay Coco Martin gagawin naming love triangle ni Shaina (Magdayao) saka ni Rayver (Cruz).
“Sabi ko, ‘opo-opo (binanggit ang talent fee) okay na po ‘yan, basta makapasok lang kami kasi nga (katwiran) namin kapag nasa TV ka bread and butter talaga ‘yan ‘yung totoong hanapbuhay. Kaya nu’ng may TV (serye) na nag-inquire sa akin, sobra akong natuwa!
“Tapos after two or three days sabi ni Tita Angge (SLN), ‘sorry kasi si Coco pala boldstar pala, eh.’ Siyempre nakaramdam ako ng rejection at okay lang ‘yun. Isip ko ganu’n pala ‘yun, e, ang tingin ko kasi hindi boldstar kasi laki ako sa lola ko, eh, napaka-conservative nu’ng tao at saka tingin sa akin matandang binata kasi nga ang sungit ko.
“Doon na talaga ako nasaktan, galit na galit ako talaga, sabi ko bakit ganu’n, e, sila naman ang kumukuha sa akin? Tapos pag binalikan ka nila parang napaka-baba mong tao? Boldstar raw ako?
“Samantalang nu’ng ginagawa ko ang mga trabaho ko hindi ko tinitingnan na boldstar ako, ang tinitingnan ko pelikula (trabaho) at kailangan kong maghubad, eh. Parte ‘to ng pag-arte ko, eh. ‘Yun ang eksena anong gagawin ko?
“Sinumpa ko talaga ang ABS CBN honestly (sabay taas ng dalawang kamay). Sinumpa ko talaga!
“Kasi ang sakit, eh. Ang baba ng tingin sa’yo tapos ikaw ang taas ng respeto mo sa trabaho mo? Tapos ang tingin sa ‘yo ganu’n?” dagdag ni Coco.
Check This Out
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load