Ngayon ang unang Lunes, Oktubre 14, 2024, na hindi na papasok at maririnig bilang DJ ng 90.7 Love Radio si Adrian Policena aka Chris Tsuper.
Nagbitiw na siya sa tungkulin para sa kanyang mga paghahanda sa pagkandidatong konsehal ng Lucban, Quezon, sa eleksyon na gaganapin sa Mayo 12, 2025.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chris, inusisa namin kung ano ang gagawin niya sa unang Lunes na wala na siya sa radio network na kanyang pinaglingkuran sa loob ng dalawampung taon.
Saad niya: “Ang unang gagawin ko, matutulog nang mahaba dahil miss ko na ito.
“Kapag recharged na ako, I should take time to thank those I have worked with in the last two decades.
“Pupuntahan ko sila or at least reach out to them with a message of appreciation.
“Afterwards, I will finalize the game plan moving towards public service na.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
TWENTY YEARS WITH LOVE RADIO
Tiniyak ni Chris na mangungulila siya sa dating trabaho dahil sa mga masasayang alaala.
“Sobra kong mami-miss ang masaya na kultura ng radyo, lalo na ang mga kasama ko sa Love Radio.
“Mami-miss ko yung kulitan namin ni Nicole Hyala on air, ang makulay na kuwento ng ‘Mahiwagang Burnay’ [program segment] namin na naghahatid ng maraming mga makabuluhang aral.
“Higit sa lahat, ang masaya at araw-araw na tawanan na parang hindi ako nagtatrabaho dahil nagpapasaya lang ako ng mga tao.
“Sa ngayon, I’ll take each day at a time, but the goal is to win in the upcoming electoral race to continue my mission of serving the Lucbanin.”
Nicole Hyala and Chris Tsuper
Photo/s: Love Radio Manila
Ano ang mga hindi malilimutan at nakakahiya niyang karanasan bilang radio DJ?
Lahad ni Chris Tsuper: “Sobrang makulay ang naging buhay ko bilang isang DJ.
“Noong una, pinangarap ko lang na maging radio announcer pero blessed ako ni Lord nang sobra-sobra.
“Ang aspiration ko lang was to simply become a DJ, but God blessed me with countless opportunities I have never imagined—mga TV commercial, TV show, billboards, tatlong albums, libro, podcasts, events hosting, at marami pang iba na kasama ang reyna ng FM radio sa katauhan ni partner Nicole Hyala.”
Read: ’24 Oras’ pays tribute to Mike Enriquez’s 54-year broadcasting career
ON ENTERING POLITICS
Gaano katagal niya pinag-isipang kumandidato at gaano kabigat para sa kanya ang desisyong iyon?
Chris Tsuper files certificate of candidacy for councilor in Lucban, Quezon.
Photo/s: Facebook
Ayon kay Chris, “Nagsimula lahat ito sa pagsama ko sa outreach programs and self-initiated advocacies, like random feeding para sa stray dogs and cats, until ma-notice ng former mayor ng Lucban [Oli Dator] ang mga ginagawa kong pagtulong, hindi lamang sa mga hayop kundi pati sa mga tao.
“The slate asked me bakit hindi ko bigyan ng chance na gawin na full-blown ang pagtulong. Hence, they asked me to run for an elective position.
“It all started there, I think around June this year ang initial discussion but I just shrugged off the offer because I don’t really see myself working in the political arena, plus radio talaga ang first love ko.
“But then, the solid discussion transpired until I made the decision to file my CoC.”
Bukod sa ipinagdasal niya, may sign ba siyang hiningi sa Panginoong Diyos?
“I spent sleepless nights in the process contemplating whether to accept or reject the opportunity.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“I asked the Lord, sabi ko sa Kanya, ‘Lord, kung mapapahamak lang po ako sa gagawin ko at sa tingin Ninyo po ay makakagawa lang ako ng hindi maganda para sa kapwa ko kung tatahakin ko ang bagong landas na ito [public service], ngayon pa lang patigilin Ninyo na po ako.’
“But then, I always find myself joining the outreach programs. Umuuwi ako sa bahay nang pagod pero masaya.
“So, sinabi ko uli kay Lord, ‘Ikaw, Lord, ah… anong ibig sabihin nito?’
“In other words, ramdam ko na pinu-push Niya talaga ako to pursue it,” pahayag ng veteran radio DJ.
Tutol ang pamilya ni Chris Tsuper sa desisyon nitong kumandidatong konsehal sa kanilang bayan.
Pagbabahagi niya sa PEP.ph: “Ang una kong sinabihan, ang family ko.
“Initially, nagdalawang-isip sila dahil meron naman na raw akong maayos na trabaho sa Love Radio at tumutulong na talaga ako kahit wala sa public service.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“So, no need na raw to run for public office.
“But later on, pumayag na rin sila dahil kilala naman daw nila ako na tumutulong talaga at masaya ako na ginagawa yon.
“But more importantly, mas happy ang family ko dahil alam nilang babalik na ako sa bayan ng Lucban where I can spend more time with them, especially my parents, to reconnect and make up for the time I was away and catch up on the moments we missed.”
CHRIS TSUPER’S LEGACY
Sa pansamantalang pagtalikod sa mundo ng radyo para sa bagong yugto ng kanyang buhay, ano ang maituturing niyang legacy at pinakamalaking kontribusyon sa industriya?
Sagot ni Chris Tsuper: “Sa tingin ko, ang isang malaking contribution ko kasama si Nicole ay yung sa pamamagitan ng programa namin, nakapag-save kami ng mga buhay na nawalan na ng pag-asa dahil sa aming mga tawa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Advocate kasi ang Tambalan ng pag-share ng positive messages and uplifting stories.
“Yung akala namin na simple at masaya lang na kuwentuhan, nakapag-prevent na pala kami ng mga taong gusto nang wakasan ang kanilang buhay.
“Ganun pala kapag nakabuo ka ng strong bond with the listeners, yung kuwentuhan at tawanan namin ni Nicole made our listeners feel that they are not alone.
“Naging source of joy and relief yung radio program namin.”
Para sa huling katanungan, tinanong ng PEP.ph si Chris Tsuper kung sino ang tunay na Adrian Policena — na isinalarawan ni Nicole na tunay na “nonchalant” — at ano ang malaking pagkakaiba nila?
Natatawang sinabi ni Chris Tsuper, “Magugulat ka!
“Si Chris Tsuper ay kabaligtaran ni Adrian Policena sa tunay na buhay.
“Maingay at makulit si Chris Tsuper sa radyo samantalang si Adrian Policena ay simple lang, mahiyain…
“Introvert kasi ako, observant, at tahimik na tumutulong sa maraming tao.”