– Matapang na hinarap ng Facebook account na may pangalang Sophia delas Alas si Chloe matapos ang pasaring nito laban kay Ai-Ai delas Alas
– Hinamon nito si Chloe na isapubliko ang social media post na umano’y patama sa kanyang ina
-Matatandaang nagpaalala si Ai-Ai kay Chloe na igalang ang ina ni Carlos dahil hindi pa sila kasal
– Sinabi ni Ai-Ai na dapat makisama si Chloe sa nanay ng nobyo upang maging maayos ang kanilang relasyon
Hindi man sumagot si Ai-Ai delas Alas sa mga patutsada ni Chloe, agad namang rumesbak ang isang Facebook account na may pangalang Sophia Delas Alas na kilala bilang nag-iisang anak na babae ni Ai-ai. Kilala si Sophia sa pagiging matapang at hindi papayag na maagrabyado ang ina, lalo na’t ito’y patungkol sa personal na isyu.
Source: Facebook
Tila nag-ugat ang tensyon nang magbahagi ng tila pasaring si Chloe sa social media, na pinaniniwalaan ni Sophia na patama laban kay Ai-Ai. Matapang na hinamonng naturang user si Chloe na gawing publiko ang naturang post kung totoong may lakas ng loob ito. Sa isang mensaheng ipinadala ni Sophia, sinabi niya, “I-public mo naman yung post mo regarding my mom kung matapang ka talaga. Haha.”
Hindi pa dito natapos ang kanyang mga pahayag. Diniretso pa ni Sophia si Chloe, na sinasabing: “Girlfriend ka LANG naman talaga so why do you find that offensive?” Dagdag pa niya, “Lol, wag lang kita makita sa Manila baka ako naman ang magdala sayo ng karma, girl.”
Chloe San Jose, sumagot matapos hamunin ng anak ni Ai-ai Delas AlasSource: Facebook
Matatandaang kamakailan, nagbigay ng payo si Ai-Ai kay Chloe patungkol sa relasyon nito sa ina ni Carlos. Ani Ai-Ai, “Kasi nanay yan, e. Kung wala yung nanay niya, wala kang darling ngayon. Kaya, girl, huwag mo siyang aawayin.” Binigyang-diin pa ng Comedy Queen na bilang girlfriend pa lang ni Carlos, hindi dapat makialam si Chloe sa mga isyung may kinalaman sa nanay ng kanyang nobyo. “Tsaka hindi ka pa asawa, girl. Girlfriend ka pa lang. Kapag asawa ka na, puwede na. Pero kapag girlfriend pa lang, huwag mo munang awayin.”
Si Ai-Ai delas Alas o Martina Eileen Hernandez delas Alas-Sibayan sa totoong buhay ay isang performer, comedienne at isa din siyang film actress. Sumikat ang kaniyang pelikulang Tanging Ina, na naging blockbuster hit. Ikinasal si Ai-Ai kay Gerald sa Christ the King Parish sa Greenmeadows, Quezon City noong December 12, 2017.
Nanalo si Aiai Delas Alas bilang Best Lead Actress sa Urduja Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang Litrato na idinirek ni Louie Ignacio. Sa kanyang Instagram post, taos-pusong nagpasalamat ang komedyante sa parangal na natanggap, at ibinahagi ang kanyang kagalakan sa mga sumuporta sa kanya.
Ibinunyag ng Comedy Queen na si Ai-Ai Delas Alas ang masakit na katotohanang hiniwalayan siya ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan sa pamamagitan lamang ng text message. Sa kabila nito, tiniyak ni Ai-Ai na hindi niya babawiin ang green card petition para kay Gerald, na magbibigay rito ng legal na status sa Amerika.
News
WATCH: Masaya ang pakiramdam ni Kris Aquino dahil sa pagbisita ni Kim Chiu, ang usapan tungkol sa mga nakaraang conflicts… (TR)
Kris Aquino, gumaan ang pakiramdam dahil sa pagdalaw ni Kim Chiu; maayos na rin daw muli ang relasyon nila ni Mark Leviste PHOTOS: @krisaquino on Instagram & @markleviste on Facebook Sa latest Instagram post ni Kris Aquino isiniwalat n’yang maayos…
Liza Soberano and Enrique Gil’s Daughter Turns One: Heartwarming Surprises and Magical Moments You Can’t Miss! (TR)
Liza Soberano and Enrique Gil have always kept their personal lives relatively private, but recently, a heartwarming moment captured their fans’ hearts: the first birthday celebration of their daughter. The couple, who have been in a relationship for several years,…
CARLOS YULO “CALOY” NATAUHAN NG MAPANOOD ANG VIDEO NG KAPATID NA SI ELDREW YULO (TR)
Isang makabagbag-damdaming mensahe ang inihayag ng batang gymnast na si Eldrew Yulo para sa kanyang nakatatandang kapatid na si Carlos “Caloy” Yulo, na kilala sa kanyang mga tagumpay sa larangan ng gymnastics. Sa isang video na kumalat kamakailan, ibinahagi ni…
Billy Crawford CLARIFIED THE NEWS OF HIS PASSING HAS EXPLODED IN ANGER! (TR)
Isang nakakagulat na balita ang kumalat kamakailan patungkol sa diumano’y pagpanaw ng sikat na aktor at TV host na si Billy Crawford. Ayon sa mga ulat, kumalat ang maling impormasyon sa social media na nagsasabing pumanaw na si Billy. Dahil…
SHOCK: Inihayag ni LJ Reyes na nakipag-ugnayan sa kanya si Paulo Avelino matapos makarinig ng mensahe mula sa… (TR)
LJ Reyes says Paulo Avelino reached out to her 29 Oct – While Paolo Contis has yet to try and make amends with her, LJ Reyes recently revealed that her ex, Paulo Avelino, however, did. As reported on Cosmo, the actress,…
HOT VIDEO; Kim Chiu seductively dances to ‘Despacito’, gets called by Justin Bieber on Instagram Live Video, making fans excited… (TR)
Kim Chiu Dances the ‘Despacito,’ Gets Noticed by Justin Bieber on Instagram Live Video Kim Chiu and Kakai Bautista danced the “Despacito” and uploaded the video on Instagram Story. And then while watching Justin Bieber’s live Instagram video, Kim posted…
End of content
No more pages to load