Anak ni Atong Ang BUMULAGA: Nagkuwento Tungkol kay Gretchen Barrettoโ€”MGA KABALBALAN na DAPAT MONG MALAMAN! ๐Ÿ˜ฑโœจ

Tiktaktoe - REVEALED: Atong Ang's Daughter Elaine Yu... | Facebook

Sa premiere night ngย Two Love Youย ay maraming nagulat na dumating siย Gretchen Barrettoย na may kasamang tisay na tsinitang babae at pagkatapos bumati at nagpa-picture sa producer ng pelikula na siย Ogie Diazย ay umalis din kaagad.

Anak ni ATONG ANG na si ELAINE YU nagkuwento tungkol sa kanila ni GRETCHEN BARRETTO
Hinatid pala niya sa event ang anak niย Atong Angย na siย Elaine Yu,ย na kasama sa pelikula at ginampanan niya ang karakter bilang bestfriend niย Yen Santos.

Si Elaine pala โ€˜yung naririnig namin noon pa na anak ni Atong na gustung-gustong mag-artista kaysa mag-negosyo tulad ng daddy niya. Siya rin ang nababanggit sa amin ng common friend namin na daddyโ€™s girl pero itinanggi ito ng baguhang aktres, nagkataon lang na parati silang nagkikita at nagkakasama ng ama.

 

Bagong edisyon ng PBB, collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars!

 

Nabanggit ni Elaine na family friend nila sina Gretchen at partner nitong siย Tony Boy Cojuangcoย kaya close sila.

โ€œSuper supportive sa akin (Gretchen), close talaga siya sa family namin, sa mga anak ko rin.

โ€œKa-business kasi namin sila (kasama si Tony Boy), so we regularly see each other sa mga party, masarap siya (Greta) magluto, pinapadalhan kami parati (pagkain),โ€ kuwento ni Elaine kung bakit sila close ng kontrobersyal na personalidad.

At dahil sa gusot ng Barretto sisters na sina Gretchen,ย Marjorieย atย Claudineย ay hindi ba apektado si Elaine at hindi ba siya nag-isip na may relasyon ang tatay niya sa una.

โ€œSabi nga nila, itโ€™s not my battle (sabay tawa), kaya itโ€™s not my battle. Hindi naman ako apektado kasi iba naman โ€˜yung balita sa totoo (nangyayari). Ang importante, intact kaming family, โ€˜yung circle namin maayos,โ€ nakangiting kuwento ng anak ni Atong Ang.

May bashers din daw siya, โ€œactually, dumagdag ng 200 ang followers saย Instagramย ko simula nuโ€™ng Barretto (feud), so magandang effect โ€˜yun sa akin. Mga nang bash, okay lang naman hindi ko sinasagot kasi hindi naman ako involved at hindi naman makakatulong din sa akin.โ€

Samantala, nabanggit dati ni Ogie na manager ni Elaine na may kapupuntahan ang karera ng niya dahil marunong umarte at sumusunod.

At nabanggit din naman ni Elaine na nag-workshop siya kay Ogie atย Ina Feleo. Bata pa siya ay gustung-gusto na niyang mag-artista at sa katunayan ay pumasa na siya sa audition saย Ang TVย noon at kasabayan niya sinaย Camille Pratsย atย Angelica Panganiban.

โ€œNatanggap na ako ni direkย Bobotย (Mortiz) kaso tatanggalin naman ako sa Chinese school (kung saan siya nag-aaral), so hindi ako pinayagan ng parents ko. Tapos nag-Amerika na kami noong 15-23 years old ako.

โ€œDoon nga nag-aartista pa rin ako sa LA (Los Angeles), sa Vegas (Las Vegas), modelling kasi may agent naman ako roโ€™n. E, umuwi na ako (Pilipinas) tapos ikinasal na akoโ€™t nagkaanak. Kaya nakabalik lang ako (showbiz) last year lang kaya kay tito Ogie kami lumapit para tulungan kami at mag-manage sa akin,โ€ kuwento ni Elaine.

Hirit namin na may career na pala siya sa Amerika bakit bumalik pa siya rito sa โ€˜Pinas at hindi siya nanghinayang dahil โ€˜yung ibang sikat na artista rito ay gustung-gustong mapunta naman doon.

โ€œMas masaya pa rin sa Pilipinas, iba pa rin dito kasi lahat parang iisang pamilya, sa Amerika kanya-kanya malalayo so, mas okay pa rin dito,โ€ paliwanag ng alaga ni Ogie.

Sa edad na 34 ay hindi halata kay Elaine dahil pumasa siyang 16 years old na anak niย Aga Muhlachย saย NUUK.

At dahil tuluy na tuloy na ang pag-aartista niya ay gusto niyang maka-trabaho sinaย Piolo Pascual,ย John Lloyd Cruzย atย Coco Martin.

โ€œPangarap lang naman โ€˜yun, pero ako kasi kapag may magagaling akong nakasama, imbes na ma-pressure ako, mas natututo akong lumebel. Kaya gusto ko sana mga ganuโ€™n (tipo ng artista) na natsa-challenge ako,โ€ pahayag ni Elaine.

At hindi niya pinangarap maging bida, โ€œfeeling ko mas gusto ko drama, though nag-comedy na ako at nag-enjoy naman, pero mas gusto ko ang drama lalo na kapag kontrabida. Kasi hindi naman bagay sa akin ang kinakawawa, kaya ako na lang ang kontrabida.โ€

Paano kung kunin siyang kontrabida niย Julia Barretto, (Natawa si Elaine), โ€œokay lang, siya โ€˜yung mabait, ako โ€˜yung kontrabida!โ€

Napansin si Elaine dahil anak siya ni Atong Ang na kunektado sa Barretto sisters.

โ€œOo nakatulong kasi hindi naman ako mapapansin kung hindi dahil sa kanila pero โ€˜yung work ko pa rin sana ang mangibabaw hindi naman dapat โ€˜yung popularity lang, dapat โ€˜yung trabaho,โ€katwiran ng aktres.

Pinasalamatan din niya si Gretchen, โ€œthank you tita G to find time to come here and for supporting our movie and promote it.โ€

-Reggee Bonoan

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News