Amy joins Tawag ng Tanghalan on It’s Showtime in 2019, when she personally met Vice.

Amy Nobleza thanks Vice Ganda as she graduates magna cum laude

Former child actress Amy Nobleza graduates from college, five years after Vice Ganda pledged to help her finish college.
PHOTO/S: Amy Nobleza on Instagram/Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Nagpasalamat ang dating child star na si Amy Nobleza sa Kapamilya TV host-comedian na si Vice Ganda dahil sa pagtulong nito sa kanyang makapagtapos ng kolehiyo.

Nagtapos si Amy na magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Lyceum of the Philippines University-Manila.

Amy Nobleza thanks Vice Ganda as she graduates magna cum laude

Photo/s: Amy Nobleza on Instagram

Sa gitna ng kanyang tagumpay, hindi nakalimutang pasalamatan ni Amy ang mga taong naging sandalan at tumulong sa kanyang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng Instagram noong Biyernes, September 20, 2024, ibinahagi ni Amy ang kanyang gradution pictures.

Kalakip nito ang mensahe ng pasasalamat niya sa Diyos, kanyang pamilya, mga kaibigan, guro, at fans na kasa-kasama raw niya sa ilan taon niyang pagpupursigi sa kolehiyo.

Mababasa sa kanyang caption (published as is): “Magna Cum Laude [medal emoji] Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management
Lyceum of the Philippines University Manila- Class of 2024

“I did it! Thank you, Lord! Everything became possible because of the support and trust of the people around me.

“I thank my family for their love and unwavering support; my classmates for our unforgettable moments, late nights, and countless coffees.

“Team Amy and my friends who support me in my endeavors; my professors for their guidance and the wisdom they shared with us.”

Bukod sa kanyang pamilya at mga kaibigan, taus-puso ring nagpasalamat si Amy kay Vice Ganda, na tumulong sa kanyang makapagpatuloy sa pag-aaral at maabot ang kanyang mga pangarap.

Ayon kay Amy, utang niya ang lahat sa It’s Showtime host kaya naman habambuhay niya itong ipagpapasalamat.

Saad niya, “And especially to the person who helped me finish and achieve this, meme [Vice Ganda]. I’ll forever be grateful to you.

“This is just the beginning. Cheers to the future!”

AMY JOINS TAWAG NG TANGHALAN

Taong 2019 nang magkrus ang landas nina Amy at Vice.

Sumali si Amy sa “Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions” edition, ang singing competition ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime.

Matapos kumanta ni Amy ay in-interview siya ni Vice, kasama ang co-host nitong si Amy Perez.

Amy Nobleza thanks Vice Ganda as she graduates magna cum laude

(L-R) Vice Ganda, Amy Nobleza, and Amy Perez. 
Photo/s: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Dito nila nalaman ang pagiging masigasig ni Amy sa pag-aaral dahil sa mga nakukuha nitong awards simula pa noong siya’y nasa elementarya hanggang senior high.

Pagmamalaki ng dalaga, consistent honor student siya sa kabila ng pagiging working student.

Tanong noon ni Vice kay Amy, “Nakapag-ipon ka na ba ng pang-college mo?”

Sagot ni Amy, “Hmmm, sakto lang po.”

Ayon kay Vice, nanghihinayang siya sa mga kagaya ni Amy na masigasig pero hindi nakakapagtapos ng kolehiyo dahil kulang sa pangmatrikula.

Aniya, “Kasi, di ba, ang daming mahuhusay na bata pero hindi na nila kayang ituloy sa college.”

Dito na nag-offer si Vice na kung saka-sakaling hindi na kayang makapagpatuloy ng kolehiyo ni Amy dahil sa problemang pinansyal ay tutulungan niya ito.

Saad ni Vice, “Kapag hindi mo kaya, ako magpapaaral sa yo. Sayang kasi, e, kung honor student tapos hindi makakatuloy [sa college], sayang.

“Malay mo, ito ang susunod na senate president.

“So, mag-usap tayo, tutulungan kita to make sure matutuloy ang pag-aaral mo.”

Dagdag pa ni Vice, “Nakakahanga kasi yung mga artista na bata pa lang, tapos hindi umalis sa eskuwelahan, tapos honor student pa.

“Tapusin mo pag-aaral mo para sa aking hindi nakapagtapos ng pag-aaral.”

Naging emosyunal ang tagpong iyon nang niyakap ni Amy si Vice, at pareho silang umiyak.

Amy Nobleza thanks Vice Ganda as she graduates magna cum laude

Photo/s: Screengrab @ABS-CBN Entertainment YouTube

Sa murang edad na anim, pinasok ni Amy ang mundo ng showbiz nang sumali siya sa Pinoy Dream Academy: Little Dreamers Season 1 noong 2008, kunsaan dito ay itinanghal siya bilang second place.

Bukod sa pagkanta, pinasok din ni Amy ang mundo ng acting nang mapasama siya sa ilang teleserye sa ABS-CBN primetime gaya ng Kokey at Ako (2010), Mutya (2011), FPJ’s Ang Probinsyano (2015), at ang Past, Present, Perfect? (2019).