Vice Ganda takes a swipe with Kuya Kim Atienza over Karylle issue (ht)

Television host Vice Ganda hit former It’s Showtime host Kuya Kim Atienza for riding over the controversy between Vice and Karylle.

Vice trended over her supposed ‘disrespectful’ treatment of Karylle when the singer was trying to joke about Vhong Navarro.

Vice Ganda takes a swipe with Kuya Kim Atienza over Karylle issue - The Filipino Times

Vice acknowledged his mistake and said that he will make it up with Karylle.

But what irked Vice was Kim riding on the controversy.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring usap-usapan sa Twitter ang diumano’y pambabara ni Vice Ganda sa co-host niyang si Karylle sa segment na videoke session sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Nitong Huwebes, February 2, 2023, umalma ang mga tagasuporta ni Karylle sa anila’y “disrespect” at “unfair treatment” na natatanggap nito mula sa mga co-host niya sa programa, partikular na si Vice.

Read: Netizens call out Vice Ganda for “disrespecting” Karylle on It’s Showtime

Ang pinanggalingan nito ay ang kumalat na video clip tungkol sa sagutan nina Vice at Karylle sa It’s Showtime kahapon.

Bago sumalang ang grupo ni Vice sa kanilang videoke song, sumingit muna si Karylle.

Sinabihan niya si Vice ukol sa nakaraang episode kung saan ang parte dapat ng co-host nilang si Vhong Navarro ay ibinigay raw ni Vice sa ibang host.

Saad ni Karylle, “Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya.”

Tanong ni Vice, “Anong problema natin, Karylle?”

Sagot ni Karylle, “Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya.”

Sabi ni Vice kay Vhong, “O, e, di sana kinanta mo.”

Sumbong pa ni Karylle, “Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya.”

Saad ni Vice sa kanya, “O, okay na yan, Karylle.”

Sabay tawa ng iba pa nilang co-hosts na sina Vhong, Jhong Hilario, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Julueta, Ion Perez, Ryan Bang, MC, at Lassy.

Dahil dito, maraming netizens, partikular na ang fans ni Karylle, ang hindi natuwa at tila nabastusan sa ginawa ni Vice.

Agad namang nag-tweet si Vice matapos siyang i-call out, at inamin na siya nga ay nagkamali.

Tweet ni Vice nitong Huwebes ng gabi, February 2, 2022: “Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again.

“Bawi po ako. Bawi right away.”

KUYA KIM LIKES COMMENTS AGAINST VICE

Maliban sa mga tagasuporta ni Karylle, ilang celebrities din ang nagbigay reaksiyon at nakisimpatya sa panig ng singer/TV host/actress.

Bianca Umali kasal na nga ba kay Ruru Madrid? | PEP Interviews

Kabilang na rito ang dating co-host ng It’s Showtime na si Kim Atienza at dating GirlTrends member na si Dawn Chang.

Tweet ni Kim: “@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”

Tweet naman ni Dawn: Love you ate @anakarylle You are indeed a very nice person. Probably the nicest person I know in Showbiz. I will always cheer for you. [heart emoji]”
Read more about
Ngunit hindi pa rito nagtapos ang isyu, dahil kahit tinanggap na ni Vice ang kanyang pagkakamali, patuloy pa rin ang pagsulpot ng mga negatibong tweets at komento tungkol sa tunay raw nitong ugali.

Kapansin-pansin din ang pag-like ni Kuya Kim sa mga batikos ng netizens kay Vice.

Anila, mukhang may laman at may pasaring si Kuya Kim sa dati niyang co-host.

Isa na rito ang pag-like ng TiktoClock host sa tweet ng isang netizen na tinawag na “laitera” at “feeling main diva star” si Vice na siya raw dahilan kung bakit umalis sa programa si Kuya Kim, maging sina Billy Crawford, Eruption, at dating It’s Showtime director na si Bobet Vidanes.

Buong tweet ng netizen (published as is), “Di na natiis nila Direk Bobet, Kuya Kim, Billy Crawford, Eruption ang pagiging main star diva at laitera ni VG [Vice Ganda] sa noontime show na yan. Gumawa pa ng sariling gc na di sila kasama para pag-usapan ang mga umalis sa show at laitin niya sila.”

May isa pang tweet na inakusahang “bully” si Vice na ni-like din ni Kuya Kim.

Mababasa sa tweet: “Yes I agree that VG is a bully. He consistently bullies K just because of her weirdness/uniqueness. She also did the same to KK. Karyll is a beautiful and talented woman and I hope she finds a network or outlet that will showcase that.”

Isa rin ang nagsabi na dahil sa mga bagong host ay hindi na napapansin pa ang iba, partikular na ang mga nauna nang host. Ni-like din ito ni Kuya Kim.

Saad sa tweet: “May favoritism kasi haha dami ng host ng showtime yung mga matagal ng host di man lang mabigyan ng spotlight buti na lang umalis na si kuya kim.”

Isa pang tweet ang ni-like ni Kuya Kim na nagsabing dahil sa pagbawas ng exposure ni Karylle sa programa ay hininto na niya ang panonood niya sa noontime show.

Sabi sa tweet, “I honestly stopped watching showtime simula ng mapansin ko na parang hindi na nabibigyan ng enough exposure si Karylle.”

VICE GANDA TAKES A SWIPE AT KUYA KIM

Sa episode ng It’s Showtime ngayong Biyernes, February 3, 2023, pinasaringan ni Vice si Kuya Kim dahil sa pagla-like nito sa mga negatibong komento tungkol sa kanya.

Sa opening segment ng show ay nagbiruan ang mga host na maraming manonood sa kanila ngayong araw dahil “trending” sina Vice at Karylle.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa palitan nila ng mga salita, malinaw na walang isyu mismo sa dalawa.

Biro pa ni Vice kay Karylle: “Sikat na sikat tayo ngayon, yes! Trending tayo sa Twitter, girl!

“Mamaya magbi-video kami ni Karylle, magsasabunutan kami.”

Kasunod nito ay nagpasaring na si Vice kay Kuya Kim.

Aniya, “Gusto nila yon…. Yun ang bet nila, yung magkaaway tayo kunyari.

“Tapos maraming magla-like-like para involved sila.

“Yes, trending din siya. Nakuha niya yung gusto niya.

“Ikaw talaga Kuya.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News