Binatikos ni Rendon Labador si Diwata dahil sa kanyang pag-post ng pagkain ng tuyo para sa kampanya
Isa si Rendon sa mga kilalang tumututol sa pagtakbo ni Diwata bilang 4th nominee ng Vendors Partylist sa 2025 elections
Sinabi ni Rendon na hindi sapat ang mga simpleng paandar para makuha ang boto ng publiko
Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang mga komento ni Rendon tungkol kay Diwata
Binabatikos ni Rendon Labador ang kapwa content creator na si Diwata, o Deo Balbuena sa tunay na buhay, dahil sa bago nitong hakbang sa social media. Sa darating na 2025 midterm elections, tatakbo si Diwata bilang ika-apat na nominee ng Vendors Partylist, ngunit marami ang hindi sumasang-ayon sa kanyang pagtakbo, kabilang na si Rendon.

Rendon Labador, nagkomento sa picture ni Diwata na may kagat na tuyoSource: Facebook
Kamakailan, isang post ang nag-viral sa Facebook kung saan makikitang kumakain ng tuyo si Diwata, kalakip ang caption na “DIWATA, HINDI MAARTE DAHIL KUMAKAIN NG TUYO.” Agad namang ni-repost ito ni Rendon sa kanyang sariling Facebook page at muling binanatan si Diwata. Ani Rendon, “Diwata, akala mo ba mananalo ka sa pag kagat-kagat lang ng tuyo? Saan kaya napulot ni Diwata campaign manager niya.”
Dinagdag pa ni Rendon na dapat mas matalino ang maging campaign manager ni Diwata upang mapabuti ang kanyang kampanya.
Samantala, umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post ni Rendon. May mga nagsabing si Rendon na lamang ang gawing campaign manager ni Diwata para umano’y masiguro ang kanyang pagkapanalo. May ilang nagkomento rin tungkol sa hirap ng pagpasok sa politika, habang ang iba naman ay nagbigay puna sa estilo ni Diwata na tila gumagamit ng simbolo ng kahirapan para makakuha ng simpatiya mula sa publiko.
Habang papalapit ang eleksyon, inaasahang magpapatuloy ang mainit na diskusyon sa pagitan ng mga sumusuporta at kumokontra kay Diwata sa kanyang layunin bilang kinatawan ng Vendors Partylist.
Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.
Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.
Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video.
News
Christopher de Leon, nagbukas ng tungkol sa hiwalayan nila ni Andy Andolong—ang dahilan ng kanilang paglayo ay mas shocking kaysa sa inaasahan mo! Alamin ang mga lihim na matagal na nilang itinagong, at ang buong katotohanan ay tiyak magugulat ka!
Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagsasama na rin sa loob ng mahigit 40…
FOUND: Kathryn Bernardo and Alden Richards MV Leaked on Vacation Together…
In a surprising twist that has sent social media into a frenzy, rumors about a secret vacation between two of the Philippines’ biggest stars, Kathryn Bernardo and Alden Richards, have surfaced. A video, reportedly an unofficial behind-the-scenes clip of the…
Kim Chiu was shocked when Paulo Avelino revealed: “He doesn’t want me to work with other actors!”
Kim Chiu Shocked By Paulo Avclino’s Revelation: “He Doesn’t Want Me To Work With Other Actors!” In a surprising turn of events, popular actress Kim Chiu recently expressed her shock at co-star Paulo Avelino’s revelation. In an interview,…
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino!
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino! Sa isang nakakakilig na interview, Kim Chiu finalmente inamin kung paano siya niligawan ng aktor na si Paulo Avelino, at ang mga detalye ng kanilang love story ay tiyak na magbibigay ng kilig…
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS!
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS! In a recent behind-the-scenes moment that has fans buzzing, Rico Blanco, the renowned Filipino musician and songwriter, was caught off guard by the playful antics of rising stars…
MARIAN AT DINGDONG, NAIYAK SA FIRST CONCERT NI ZIA DANTES! BOSS NA PARANG ANGEL, PUMATOK SA PUBLIGO!
In an emotional and unforgettable moment, Marian Rivera and Dingdong Dantes were seen in tears during the debut concert of their daughter, Zia Dantes. The proud parents were overwhelmed with emotions as they watched Zia, only a young child, take…
End of content
No more pages to load