Nora Aunor, dinala kay Boss Toyo ang damit niya nung manalo siya sa Tawag ng Tanghalan (an)

Hindi maitago nina Boss Toyo at ng kanyang partner ang kasiyahan nang makita ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor

Dinala niya ang bestidang suot niya noong nanalo siya sa Tawag ng Tanghalan na naging simula ng kanyang pagsikat bilang mang-aawit

Ayon kay Boss Toyo, kung siya ang tatanungin aabot ng limang milyong piso ang halaga ng bestidang ito ngunit ayon kay Ate Guy ay ilalagay din ito sa isang museum

Pinaunlakan naman ni Nora ang hiling ni Boss Toyo na pirmahan niya ang memorabilia na naroroon na sa kanila

Hindi maitago nina Boss Toyo at ng kanyang partner ang kanilang tuwa nang bisitahin sila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Sa kanyang pagbisita, dala ni Nora ang bestidang suot niya noong manalo siya sa “Tawag ng Tanghalan” — isang piraso ng kasaysayan na nagsimula ng kanyang matagumpay na karera bilang mang-aawit at artista.

Nora Aunor, dinala kay Boss Toyo ang damit niya nung manalo siya sa Tawag ng TanghalanNora Aunor, dinala kay Boss Toyo ang damit niya nung manalo siya sa Tawag ng Tanghalan
Source: Youtube

Ayon kay Boss Toyo, ang memorabilia na ito ay may napakalaking halaga; sa kanyang pagtataya, maaaring umabot ito ng limang milyong piso. Subalit ayon kay Ate Guy, plano niyang ipa-museum ang nasabing bestida bilang bahagi ng kanyang legacy.

Pinaunlakan naman ni Nora ang hiling ni Boss Toyo na lagdaan ang memorabilia na magiging bahagi ng kanyang koleksyon. Sa kanyang pagkakataong makausap si Boss Toyo, hiniling ni Nora ang kanyang tulong para sa mga kababayan niyang taga-Bicol na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine.

Samantala, inanunsyo ng Pinoy Pawnstars sa YouTube ang nalalapit na pagbubukas ng isang museo na maglalaman ng mga bagay na may kinalaman sa ilang kilalang personalidad tulad nina Francis Magalona, Niño Muhlach, April Boy Regino, Chito Miranda, Jiro Manio, at Daniel Padilla.

Nagpakita ng suporta si Boss Toyo sa pamilya Yulo sa pamamagitan ng pagbili ng P5,000 halaga ng mga produkto sa live selling ni Angelica Yulo. Ibinahagi ni Mark Andrew Yulo ang komento ni Boss Toyo at pinasalamatan siya sa kanyang suporta. Naging viral sa social media ang live selling ni Angelica at umani ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizen. Bukod sa pag-live selling ng mga damit, nagtitinda din si Angelica ng mga pagkain na sila mismo ang nagluluto.

Nagbiro si Boss Toyo tungkol sa pagtakbo sa politika at sinabing magfa-file siya ng vacation leave papuntang Hong Kong. Nilinaw niyang hindi sapat ang pagiging sikat o matalino upang maging isang epektibong lider. Sinabi niyang hindi circus o comedy bar ang pamumuno at seryoso ito. Ipinahayag ni Boss Toyo ang plano niyang pagbutihin pa ang sarili bago pag-isipan ang posibleng pagtakbo sa hinaharap.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News