Marian Rivera at Dingdong Dantes, naghahanda na para sa face-to-face classes ng mga anak
Ano nga bang paghahanda ang ginagawa nina Marian Rivera at Dingdong Dantes para sa face-to-face classes nina Zia at Sixto?
Kabilang ang celebrity parents na sina Kapuso Primetime Couple Marian Rivera at Dingdong Dantes sa mga magulang na naghahanda na para sa face-to-face classes ng kanilang mga anak.
Sa kaunaunahang mandate ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte, nais niyang magbalik sa full capacity ang face-to-face classes sa pribado at pampublikong mga paaralan pagdating ng Nobyembre ngayong taon.
Buti na lang, bakunado na laban sa COVID-19 ang panganay nina Marian at Dingdong na si Zia. Unang beses namang mararanasan ng anak nilang si Sixto ang pumasok as eskuwelahan.
“Nakakatakot pa rin naman talaga kahit papano so magdo-dobleng ingat lang talaga. Sundin na lang natin ‘yung mga protocols sa school para maiwasan din ‘yung mga ganoon. For example, kung inuubo o may sipon yúng anak mo, huwag mo nang papasukin sa school,” pahayag ni Marian.

Samantala, ipinasilip ng mag-asawa ang magandang set ng kanilang weekend sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
Sa Flor’s Garden sa Antipolo sila nagshu-shoot ng kanilang show kaya para na rin silang nagbabakasyon habang nagta-trabaho.
“Sabi ko nga kay ‘Dong ‘pag may taping, palagi kaming looking forward na mag-taping. Excited kaming makita ‘yung lahat, especially ‘yung cast,” bahagi ni Marian.
May favorite bonding experience din daw sila sa set.
“‘Pag lunch, kanya kanyang toka ng pagkain kaya walang diet-diet. Si Tito Johnny [Revilla] nga nagluluto pa dito ng pasta, siya mismo, ‘yung recipe niya, diyan sa backyard,” kuwento naman ni Dingdong.
“Si Mama Au (Shamaine Buencamino), din nagdala siya ng kanyang laing,” dagdag ni Marian.
“Kanya kanya. So weekly ‘yan, may toka kung sino ang magdadala ng pagkain,” ani Dingdong.
Napahanga naman ni Dingdong si Marian dahil sa improvement niya sa larangan ng comedy.
“Dati parang nangangapa pa pero ngayon ‘pag sa set parang siya pa ‘yung parang [enthusiastic]. Siya pa ‘yung ganoon, makikita mo. Wow, so parang mas natututo na ‘ko sa kanya,” papuri ni Marian sa asawa.
Para kay Dingdong, ang kanilang direktor daw ang nasa likod ng improvement na nakikita sa kanya.
“Eh siyempre, Direk Sweet ba naman ‘di ba? Direk John Lapus, talagang ang galing talaga, binibigyan kami ng tamang motivation,” lahad niya.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
News
Christopher de Leon, nagbukas ng tungkol sa hiwalayan nila ni Andy Andolong—ang dahilan ng kanilang paglayo ay mas shocking kaysa sa inaasahan mo! Alamin ang mga lihim na matagal na nilang itinagong, at ang buong katotohanan ay tiyak magugulat ka!
Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagsasama na rin sa loob ng mahigit 40…
FOUND: Kathryn Bernardo and Alden Richards MV Leaked on Vacation Together…
In a surprising twist that has sent social media into a frenzy, rumors about a secret vacation between two of the Philippines’ biggest stars, Kathryn Bernardo and Alden Richards, have surfaced. A video, reportedly an unofficial behind-the-scenes clip of the…
Kim Chiu was shocked when Paulo Avelino revealed: “He doesn’t want me to work with other actors!”
Kim Chiu Shocked By Paulo Avclino’s Revelation: “He Doesn’t Want Me To Work With Other Actors!” In a surprising turn of events, popular actress Kim Chiu recently expressed her shock at co-star Paulo Avelino’s revelation. In an interview,…
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino!
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino! Sa isang nakakakilig na interview, Kim Chiu finalmente inamin kung paano siya niligawan ng aktor na si Paulo Avelino, at ang mga detalye ng kanilang love story ay tiyak na magbibigay ng kilig…
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS!
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS! In a recent behind-the-scenes moment that has fans buzzing, Rico Blanco, the renowned Filipino musician and songwriter, was caught off guard by the playful antics of rising stars…
MARIAN AT DINGDONG, NAIYAK SA FIRST CONCERT NI ZIA DANTES! BOSS NA PARANG ANGEL, PUMATOK SA PUBLIGO!
In an emotional and unforgettable moment, Marian Rivera and Dingdong Dantes were seen in tears during the debut concert of their daughter, Zia Dantes. The proud parents were overwhelmed with emotions as they watched Zia, only a young child, take…
End of content
No more pages to load