It’s Showtime hosts, particularly Vice Ganda (center), call out searchee Axel Cruz (left) for what they thought was a move on searcher Christine (right) by Axel, who looked like he tried to kiss Christine without her consent on the EXpecially For You segment on May 31, 2024.
#1 KHRYZZTINE BAYLON, PEP STAFF WRITER
A ONCE-OVER
Hanggang ngayon ay sentro pa rin ng usapan online ang kontrobersiyal na insidente sa “EXpecially For You” noong Mayo 31, 2024 sa It’s Showtime.
Ito’y matapos i-call out ng hosts ng Kapamilya noontime show, partikular na si Vice Ganda, si searchee Axel Cruz nang magbeso ito kay searcher Christine.
Noong June 1, naglabas ng pahayag si Axel. Hindi raw niya hinalikan si Christine, kundi nakipag-appear lang at nakipagdikit-balikat. Humingi siya ng tawad kung meron mang nasaktan, at kung na-misinterpret man ang kanyang ginawa.
May mga kumampi kay Axel, pero na-bash din siya dahil sa hindi pagpapaalam ng halik.
Sinegundahan ni Christine ang pahayag ni Axel sa isang TikTok video, kunsaan sinabi nitong hindi niya naramdamang hahalikan siya ng binata.
Dahil dito, June 2, nag-tweet si Vice ng intensiyong mag-apologize kay Axel dahil sa mali niyang akala.
PHOTO/S: COURTESY: IT’S SHOWTIME ON FACEBOOK. AXEL CRUZ AND CHRISTINE
Pero June 4, sa live episode ng It’s Showtime, binawi ni Vice ang tweet na siya’y mag-a-apologize.
“Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did. Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right.”
Ayon pa kay Vice, kinolout nila si Axel base sa nakita nila as hosts, sa nakita ng karamihan ng audience, at sa naging reaksiyon ni Christine sa ikinilos ni Axel.
Nagkaroon daw ng usapin sa kung tama o mali ang kanilang ginawa at kung nag-discriminate sila kay Axel, base sa sinasabi ng netizens na kinolout si Axel dahil sa kanyang hitsura.
Nag-usap-usap daw ang hosts, unit head, producers, at psychologists ng It’s Showtime tungkol sa isyung ito. Nakausap din daw nilang muli sina Christine at Axel.
Isiniwalat ni Vice na sa muling pakikipag-usap ng It’s Showtime staff at ng psychologist kay Christine noong June 3, sinabi ng huli na totoong na-off siya sa kilos ni Axel. May dahilan daw si Christine kung bakit sinabi nito sa TikTok video na hindi siya na-off, pero hindi na raw nila ito ibabahagi.
NETIZENS’ OPINIONS
Mula rito, naghalu-halo na ang mga naglabasang opinyon sa kung sino ang may mali at kung sino ang dapat sisihin sa insidente.
Sa akin, kung pag-iisipang mabuti, tila wala namang tama o mali pagdating sa pagbibigay ng netizens ng opinyon. Kung babasahin isa-isa ang mga komento sa social media, hindi maitatangging karamihan pa sa mga ito ay may punto.
Kagaya na lamang ng isang argumento na hindi dapat napahiya si Axel on national TV kung mahinahon at maayos sana siyang sinita ni Vice habang sila’y umeere.
Bago rin sana nila pinaratangang “magnanakaw” ng halik si Axel ay kinumpirma muna nila kung ito ba talaga ang pakay nito at kung na-offend ba si Cristine sa inasal ng binata.
Dahil din sa usaping “pagpapahiya” kay Axel, ilang kilalang personalidad ang lumutang at nagpahiwatig ng karanasan nila kay Vice.
Katulad na lamang nina Nikko Natividad at Vivamax actor na si Nico Locco.
NIKKO NATIVIDAD PAST EXPERIENCE
June 6 nang maglabas ng saloobin si Nikko sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagpu-post sa Facebook na agad din naman niyang binura.
Laman ng post ni Nikko ang pagkaawa niya sa sinapit nina Axel at Christine na naba-bash.
Nasundan pa ito ng isang makahulugang post, kunsaan ibinahagi ni Nikko ang kanyang karanasan bilang isa rin umano sa mga napahiya at nabiktima ng power tripping sa telebisyon.
Walang binanggit na pangalan si Nikko, pero mahihinuhang patama ito kay Vice.
Nikko Natividad (left) and Vice Ganda (right)
Kilalang malapit noon sa isa’t isa ang dalawa dahil si Nikko ay dating miyembro ng all-male group na Hashtags sa It’s Showtime, kunsaan main host si Vice.
Mabilis na nagtrending ang buradong post ni Nikko. Maraming netizens ang nagsabing nakikisawsaw lang siya sa isyu nina Vice, Axel, at Christine.
June 8, muling nagpost si Nikko para klaruhin sa publiko na wala siyang pakay manghimasok nang sabihin niya sa unang post na biktima siya ng pagpapahiya at power tripping.
Sa gitna ng pambabatikos, idiniin ni Nikko na hindi siya nagsisising lumantad at sabihin kung anu-ano ang pinagdaanan niya nang nasa poder pa lang siya ng It’s Showtime.
NICO LOCCO “BULLYING” STATEMENT
Bukod kay Nikko, makahulugan din ang naging pahaging ni Nico Locco kay Vice, kunsaan idiniin niya ang pambu-bully umano ng It’s Showtime host.
Maaaring ang iba ay hindi raw ito makita, ngunit sa mata ng mga nakaranas na ng bullying ay madali itong maramdaman at mapansin.
Nico Locco (left) and Vice Ganda (right)
Bahagi ng post ni Nico para kay Vice: “Bullying has and always will be a very important topic for me, kasi I have people na importante sa akin that were bullied and I saw how it affected them negatively.
“Alam natin lahat na this should have already been talked about noon pa. Marami kang binully in forms of ‘biro’ then expecting ‘eme’ or ‘charot’ to balance it out.
“You aren’t in a comedy bar where everyone is expected to let jokes slide. Diba dapat it’s a family friendly noon time show para sa mga viewers to watch and enjoy.
“Nung sinulat ko yung nakaraan na post, hindi lang yun para sa mga tao na you bullied. Naisip mo din ba on how it could influence the younger generations? You condition them to think na normal lang yung bullying kasi you did it and nobody called you out for it.”
Dahil sa curiosity sa pinanggagalingan ni Nico, muli kong binalikan ang minsang pagtatagpo nila ni Vice sa It’s Showtime. Kako, baka may biro si Vice noon na hindi nagustuhan ni Nico.
Nag-guest kasi si Nico sa “EXpecially For You” segment noong May 7 kasama ang ex-girlfriend na si Christine Bermas.
At dito ay may parteng tila naasar si Nico sa pagsabat ni Vice nang magbigay ng mensahe si Nico sa dating nobyang si Christine.
Ani Nico kay Christine, “Salamat, because hindi ko na-feel yon, akala ko I don’t deserve that kind of love from somebody, siguro kasi yung past ko na babaero ako dati, hindi ako good person dati.”
Singit si Vice, “Lalakero na siya ngayon. Charot.”
Balik ni Nico kay Vice, “Seryoso ‘to, nasa emotion na ako, please Vice, ha.”
Dahil sa pahayag nina Nikko at Nico, isa lang ang aking napagtanto: hindi natin maaaring sisihin kung bakit ngayon lamang lumantad ang mga nasaktan ni Vice sa mga biro niya.
May iba kasing nagsasabi na sumasabay lang sa clout o ingay sina Nikko at Nico kaya ngayon sila nagsasalita.
Ngunit isipin natin na maaari ring ngayon lang sila naglakas-loob lumantad, dahil bilang biktima ay mahirap sa parte nila ang bigla na lang maglahad ng masamang karanasan nila, di ba?
Maaari ring sinabayan nila ang isyu nina Axel at Christine para ipahatid na si Axel ay hindi nag-iisa, at wala na dapat pang sumunod na makaranas ng pamamahiya.
#2 JO-ANN Q. MAGLIPON, PEP EDITOR-IN-CHIEF
VICE AND AXEL
Minsan, palagay ko, hindi na conscious si Vice sa kung gaano siya kaangat ngayon sa showbiz. Occasionally siguro, sumasagi sa isip niya, pero sa pang-araw araw ay mukhang malayo na ito sa kanyang mga iniintindi.
Basta’t ang inaasahan sa kanya sa trabaho ay maging alerto, halos hyper, mabilis sumundot ng biro, hindi patatalo sa comeback, at agad nakakapick-up sa kapalpakan na agad napi-flip na katatawanan.
Sa gitna ng lahat ng ito, inaasahan ding parati niyang hawak ang madlang pipol, ika nga sa It’s Showtime. Sa dinami-rami ng mahuhusay na hosts dito, Vice remains the main guy. Siya ang premier entertainer. Easy-peasy lang sa kanya ang pagbulalas ng kung anumang lumipad-dumapo sa napakalikot niyang utak.
And, he delivers.
Kaya naman tuloy-tuloy ang pag-angat ni Vice. Yumaman pa siya nang husto, malinaw na umangat ang aesthetic ng kanyang home, lumalim pa ang suporta ng Kapamilya network at ng producers sa labas ng network, at walang dudang dumarami ang mga hangers-on habang dumarami rin ang bashers.
Sabi nga, kundi hitik ang puno sa bunga, hindi ito babatuhin.
Kaya ayan, mas madulas pa ngayon ang comments ni Vice—spontaneous, parang reflex na lang, unthinking reaction, muscle memory ng barbs na hinuhugot niya on the spot.
Mangyari pa, mas madalas kesa hindi, tumatama siya. Tama ang instincts niya. Tumatabo ang mga patutsada—ang galing ng bagsak, ang galing ng timing. He makes us laugh, aminin natin. Alam nating matalino ang taong ito.
Kaya nga pagdating sa comedy, at sa hosting na rin, siya ang No. 1 sa bansa. Ito ang panahon ni Vice Ganda.
Ngunit dala na rin nito, napalayo na nang husto si Vice sa mga bagitong gaya ni Axel. Marami na siyang hindi natitisod sa pinagdaraanan ng mga bagong salta sa TV, na sekretong nanginginig at nangangatog, dahil baka may masabing kabobohan, o mawalan ng isasagot dahil nag-blackout, o basta hindi makakilos nang natural dahil nakaka-intimidate ang camera.
Malayong-malayo na si Vice sa ganyang timidity. Today, the world is his stage.
Kaya kung makiharap si Vice sa isang bagito—maging contestant, searchee, o nahatak mula sa audience—sige lang siya, yung naturaleza lang niyang breezy, funny, parang kaharap lang ang isang bagong kakilalang nakikipagtagisan ng dunong.
Tingin ko wala sa isip ni Vice na hiyain ito, o barahin, o lamangan, o durugin. Kaya ng powers niya—nakikipagtagisan siya araw-araw, hindi ba?—pero gusto lang talaga niyang magpatawa. Iyon naman ang trabaho niya. At sa galing nga niya, habang may ka-exchange na bagito, kaya pa niyang mag-play to the gallery.
Easy-peasy nga. Kayang-kaya niyang hulihin ang kiliti at kilig ng manonood sa studio at sa mga bahay-bahay. Bilang host, kaya niya panatilihing mataas ang energy ng show. Mas maraming hiyawan, mas mabuti. Mas maraming engagement, mas panalo. Mas maraming pinagtatawanan, mas okay.
Iyan naman ang rules ng trade. Problema nga lang ay, kadalasan, kung may natatawa, may pinagtatawanan. At mas malamang uli sa hindi, ito yung nakasalang na bagito sa harap ni Vice.
Hindi pa rin sana ito isyu. Sumalang ang bagito, kaya inaasahang handa siya sa style ng hosts at sa humor ng show. Pero maiisip mo rin—di ba may thin line sa pakikipagtawanan at pinagtatawanan? Sa laughing with and laughing at? At di ba nasa hosts ang pagbaybay sa thin line na yan? Di ba na kay Vice ang malaking TF dahil siya ang marunong magdala?
May dagdag pang isyung nakaambang. Mas malamang uli sa hindi, hindi magkapantay ang Host at ang Bagito. Malayo. Kung equal sila, hayaan na natin silang magtagisan ng wit at smarts sa harap ng buong Pilipinas. Patas naman pala ang pasiklaban.
Pero paaano magiging kapantay ni Bagito si Vice?
PhD na kumbaga si Vice. Henyo. Hindi mauubusan ng baong sagot at tanong. Itapon mo siya sa kahit saang entablado, titindig iyan. At pumusta pa tayo, sa huli siya ang panalo!
Samantala, si Bagito, suwerte na kung hindi mabulol sa unang bagsak pa lang ng salita. Dapat ngang palakpakan agad kung may kahit isang comeback ito sa ibabato ni Vice dahil baka yun na ang highlight ng kanyang TV appearance.
Pero dahil ipinagtatapat sila, gaya rito sa “EXpecially For You,” pag nagkaroon tuloy ng kusot, dale na si Vice. Tinatawag na bully. Sa dami pa naman ng woke ngayon, magtataka ka nga na may napaghuhugutan pa ang comedians. (But that’s another story for another day.) Di ko sinasabing tama si Vice rito sa nangyari, tingin ko nga he has to behave with more empathy to get it right.
But, I don’t see Vice Ganda deliberately intending to bully. He’s too smart not to know that aggression and one-upmanship just naturally alienate the audience. He’s too savvy not to see that a celebrity going all superior with a mere mortal is a bummer, that bullying is counterintuitive to being an adored entertainer, that playing it like regular folk is quite charming.
So, where did things go wrong? Now and in times past?
Maybe, Vice has to pause a bit and remember what it was like to be ordinary. Noong dinadaan-daanan lang siya ng mga biggies. Noong hindi niya alam kung tama ang kanyang itsura at suot. Noong kelangang tapangan niya ang sarili dahil he was a nobody.
Tapos, tumawid siya sa ngayon. Kung kelan isang biro lang niya, hagalpakan na silang lahat. Kung kelan ang boses niya ang namamayagpag. Kung kelan iba na ang bagsak ng anumang sabihin niya. Mabigat na. Powerful na.
Kaya eto tayo kay Axel. Sabihin nang instinctive at well-meaning ang pagsita ni Vice. Pero ang epekto kay Axel ay kaiba. Habang easy day’s work lang ang nangyari kay Vice, buong kahihiyan at katauhan na ng isang nobody ang nasalang.
Mangyari pa, si Vice ang magparaya. Speak with more care? more kindness? more empathy? Sige, I’m sure someone out there is smirking. Iniisip, paaano magpapatawa kung panay niceness and sweetness ang gagawin?
For me, in this trade Vice has ascended to heights that are the stuff of genius. If anyone can, he is the one to figure this out.
NICO LOCCO AND NIKKO NATIVIDAD
Pagpunta naman kina Nico at Nikko, may mga komento na kung totoong nasaktan sila ni Vice e di dapat noon pa sila nagsalita. Para raw tinayming nilang isabay sa ibang mainit na isyu. Suma tutal daw, hindi sila sinsero.
Hindi ko kilala ang dalawa. Pero ang alam ko sa mga taong may trauma, o may kinikimkim na hiya at galit, marami ang hindi agad makapagsalita. May nararamdamang panlulumo. Uuliratin sa sarili ang nangyari sa kanila. Sila ba ang nagkamali? Sila ba ang nag-provoke? Nawalan ng kumpiyansa sa sarili. Maaaring mag-isa nilang bubunuin ang nararamdaman, maaaring magsabi sa malalapit sa kanila.
Umaabot nang maraming araw, minsan maraming buwan, minsan pa’y taon, bago sila makapagsalita.
Palawakin natin ito saglit.
Yung “Me Too Movement” na nagpabagsak kay Harvey Weinstein, ang daming big names involved—A-listers na sina Angelina Jolie, Lady Gaga, Jennifer Lawrence, Gwyneth Paltrow—pero maraming years ang dumaan bago sila nakapagsalita. Nagkalakas-loob lamang sila nang may magsimulang umalma. (May mga lalaki ring nag-“Me too,” mas kilala nga lang ang mga babae.)
Sabihin mang maliit na trauma ang mapahiya sa telebisyon—kumpara sa sexual advances ni Weinstein—ganoon din ang epekto noon. Hindi matatawaran ang self-ridicule, self-pity, self-implosion ng isang natraumatize. Kaya wag hanapan ng ‘Dapat nagsalita agad, bakit naki-ride on lang ngayon, paaano paniniwalaan yan?’
Palawakin pa nang konti ang ating mundo.
#3 BERNIE V. FRANCO, PEP DEPUTY EDITOR
Hindi kataka-takang maraming invested sa issue nina Vice Ganda at “EXpecially For You” searchee Axel Cruz.
Relatable ang segment na ito ng It’s Showtime dahil ordinary people ang karaniwang guests dito. Viewers see themselves sitting on those hot seats. Kaya mayroon silang sentimyento nang pumutok ang isyu.
Kumbaga, it could have easily been them in that seat.
On my end, parehong may punto at fault ang magkabilang panig nina Vice at Axel.
Tama si Vice: dapat lang sitahin kung ang paghawak at pagdikit ng isang tao ay dahilan para maging uncomfortable ang isa pa. Dapat irespeto ang personal space ng bawat isa; kelangan may permiso.
Habang si Axel: inaming sobra siyang napahiya at gustong maiyak sa ginawang pagsita, bagama’t wala raw siyang intensiyong halikan ang searcher.
Pero naawa ako kay Axel. Naisip ko, paano kung ako ang pinagsalitaan nang ganoon ni Vice sa national TV?
Yung lumabas lang sa isang popular TV show already takes courage for someone who does not do it on a daily basis. And then mapahiya ka pa?
Yun ang difference ng sitwasyon ni Vice at ni Axel.
Vice, an A-lister showbiz personality, does this on a daily basis. Minamani na lang ang humarap sa publiko. It’s second nature to her.
But this is not the case with Axel. It is the exact opposite.
Sa ating kultura, importante ang paraan ng pakikitungo dahil sensitibo ang mga Pilipino. Besides, in general, importante ang magandang paraan ng pagpuna ng mali ng isang tao, especially kung ang pumupuna ay isang malaking personalidad.
More so, if he/she is someone idolized by the young and old, someone who has a huge influence, and someone whose opinion makes a huge impact on others.
In most cases, when you resolve an issue, hindi lang isa ang nag-a-adjust. It should go both ways.
#4 FK BRAVO, PEP LIFESTYLE WRITER
For a feminist like myself, it’s imperative to acknowledge the importance of consent in all interactions.
In defense of personal space, I feel as though I digress from my core if I say that I completely disagree with Vice Ganda reprimanding Axel for such interaction. After all, consent is a welcome change in a society overrun by outdated habits that trivialize boundaries.
That said, this doesn’t quite excuse what happened next.
Vice Ganda’s retraction of his apology raised eyebrows. If not for calling out the action, an apology was still needed for putting someone like Axel—a non-celebrity who appears on national TV for the first time—under the microscope of public scrutiny and even the law.
While “puwede kang mademanda sa ginagawa mo” is technically applicable when addressing matters of harassment, it remains a heavy and traumatizing thing to cast around so casually, especially towards a person with no power in comparison to the accusers.
It got me thinking— if Axel was a head honcho in the entertainment industry, would Vice still have said that?
GOTCHA CULTURE
What’s blinding in the aftermath of the incident are the reactions from online communities that have intensified mob mentality, professing moral high ground at the expense of the dignity of others.
The rush to vilify individuals, without first considering the nuances around a situation, reflects people’s thirst for brownie points from the woke community.
These bashers, even when they’re politically correct, they’re being very self-righteous.
Putting themselves on a pedestal as though we were not all cut from the same cloth and as though we all had no need for validation.
Claiming moral ascendency when they see someone slip up at the slightest.
We see this as well in the way some public figures and influencers criticize Vice.
Her status as a prominent TV personality has attracted detractors who eagerly seize opportunities to pounce on her. This is indicative of the gotcha culture used against famous people, a culture where the mass eagerly attacks a celeb for missteps that they’ve been wanting to catch them on in the first place.
Arguably, Vice did have hits and misses in the whole ordeal. But, seeing how people are taking her down left and right for things that are no longer in line with the original topic, is proof of the hostile nature of gotcha culture.
In Nico Locco’s case, I can’t help but feel like he took this as a payback moment for himself, for the time he appeared on EXpecially For You, when he took the brunt of Vice’s jokes.
ATTENTION ECONOMY
As the Vice Ganda-Axel-Christine saga continues to dominate headlines and social media feeds for weeks, less attention is being paid to more significant matters that demand our action.
Personally, I feel like this issue has run its course.
Them (Vice, Axel, and Christine) fueling this further through cryptic posts and statements only drag this out to an extent of pointless, irrelevant clamor.
When public discourse is monopolized by incidents like this, we lose valuable time and energy engaging in commentaries that agree with our stand and rebutting those that don’t.
News
Meghan Markle facing ‘sad’ reality as major blunder makes her a ‘laughing stock’ /dn
Meghan Markle facing ‘sad’ reality as major blunder makes her a ‘laughing stock’ EXCLUSIVE: A royal expert in the US says it is “very sad” how Meghan and Harry left the Royal Family to pursue their own projects. Meghan faces…
Catherine Takes The Throne As A New Queen, Camilla Loses Her Title In Royal Reshuffle! /dn
Catherine Takes The Throne As A New Queen, Camilla Loses Her Title In Royal Reshuffle! As the British royal family enters a period of profound change, the spotlight is firmly on Princess Catherine, who is poised to take on a…
Hot news: Kathryn Bernardo’s mother released a mysterious message that surprised Kathryn’s fans (VIDEO) /dn
Naglabas ng misteryosong mensahe ang ina ni Kathryn Bernardo na ikinagulat ng mga fans ni Kathryn (VIDEO) Min Bernardo Binasag Ang Isyung Buntis Si Kathryn Bernardo Kaagad na sinagot ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang…
hot: Primetime Queen Marian Rivera had the hottest dance with male dancers, making viewers blush… /dn
Primetime Queen Marian Rivera had the hottest dance with male dancers, making viewers blush She is the Primetime Queen, but she is also the sexiest dancing diva. This Saturday, Marian Rivera will show you how it’s done in the biggest…
SHOCKING: Maine Mendoza Accused of Being “Suplada”! Sylvia Sanchez Breaks Silence on the Rumors – What’s Really Going On? /dn
Maine Mendoza “Suplada”? Sylvia Sanchez Reacts To Rumor??? Sylvia Sanchez revealed something about Maine Mendoza Seasoned actress Sylvia Sanchez reacted to the rumor that her daughter-in-law Phenomenal Star Maine Mendoza is “suplada” or “snobby.” Maine is the wife of actor-politician…
BREAKING: Vice Ganda EXPLODES in Outrage Against GMA Network for Yanking “It’s Showtime” from GMA 7! What’s Behind This Shocking Move? /dn
BREAKING: Vice Ganda EXPLODES in Outrage Against GMA Network for Yanking “It’s Showtime” from GMA 7! What’s Behind This Shocking Move? In a surprising turn of events, popular comedian and television host Vice Ganda has publicly addressed the recent decision…
End of content
No more pages to load