SHOCK: Nora Aunor shares in tears that she wants a happy reunion with her children and grandchildren but that is a luxury.
Nora Aunor on spending Christmas with her children and grandchildren: “First time in years!”
(From L-R) Kenneth Randy, Ms. Glenda Kennedy, Nora Aunor, Ian de Leon and Matet de Leon. (inset) John Rendez, Nora Aunor and Ian de Leon. “Sa States, dati, masaya rin kami, pero sandali lang, kasi malayo sa pamilya,” says Nora Aunor on how she spent Christmas away from home with special friend John Rendez and some close pals.
Hindi man gano’n kagarbo, masaya ang Superstar na si Nora Aunor dahil kasama niyang sumalubong at nagdiwang ng Pasko ang kanyang mga anak at apo.
“Si Guy ang pinakamasayang tao kagabi!” pag-inform ni Glenda Kennedy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong hapon ng Disyembre 25.
Guy ang siya ring tawag kay Nora.
Si Glenda ang naging pinakamatalik na kaibigan ni Ate Guy mula sa San Francisco, USA. Nag-celebrate ito ng bisperas ng Pasko at noche buena saEastwood condo unit ng singer-actress.
“Am so happy for her and I’m so proud of her children and grand kids!
“They are all very nice and very respectful! What a beautiful family they have!” kuwento pa ni Glenda.
Natutuwang pagkuwento pa ni Glenda, tinatawag siya ni Ate Guy na “Manay” Glenda, o Manay Gee, na parang Super Gee, ang 1973 action trilogy ni Nora.
“I had goose bumps as I watched Ate Guy and her kids share the happy occasion—laughing and loving each other!”
Ilang linggo bago mag-Christmas, hinihintay-hintay na ni Nora ang magiging pagdiriwang na ito, na kasama ang buong pamilya.
NATUPAD ANG WISH. At natupad nga ang kaniyang inaasam.
“Masaya ako dahil first time ko uli na dito magki-Christmas, kasama ang family ko,” sabi ni Ate Guy nang makausap ng PEP sa araw na siya mismo ang nagde-decorate ng kanyang unit.
Dalawang beses bago mag-Pasko, nakausap uli ng PEP si Ate Guy.
Una, nang ma-interview siya ni Boy Abunda para sa Cinema One’s Most Fascinating, Interesting and Exciting (F.I.E.) People interview-feature, kung saan nanguna si Ms. Aunor sa pilian.
Sinimulang isahimpapawid ang interview-feature, sa Cinema One channel ng Skycable, noong Disyembre 23.
Sunod, noong Disyembre 15, nang nag-guest si Ate Guy sa show ni German Moreno, sa Channel 7, na Walang Tulugan With The Master Showman.
Nakatakdang ipalabas ang naturang episode sa New Year’s eve, at dito ay nakasama uli ni Nora ang dating leading man na si Cocoy Laurel.
Nagkatambal sila sa mga pelikulang Lollipops & Roses(1971), Impossible Dream (1972), at Lollipops & Roses… At Burong Talangka (1975).
MATAPOS NG WALONG TAON. Madalas ay ang tungkol sa napipintong pagdiriwang ng Pasko, kasama ang kanyang mga anak at mga apo, ang bukambibig ni Ate Guy.
“First time, in years!” sabi pa ni Nora.
Dati raw, lumilipas lang ang Pasko nila sa States na masayang-malungkot dahil nami-miss niya ang kanyang mga anak.
“Sa States dati, masaya rin kami, pero sandali lang, kasi malayo sa pamilya,” banggit pa ni Ate Guy, na ang mga kasamang nagdiriwang ng Pasko sa States ay sina John Rendez at ilang malalapit na kaibigan.
“Ay, ang Christmas tree namin doon, mas mataas… at puting-puti!” pagkukuwento pa ni Ate Guy.
NORA, MGA ANAK AT MGA APO. Dito, pangkaraniwang Christmas tree man na katamtaman ang taas, mga six feet, ang nasa condo ni Nora, hindi naman naging pangkaraniwan ang kaligayahan niya dahil kumpleto ang itinuturing niyang pamilya.
“Naku, walang kasing saya!” patuloy na kuwento pa ni Manay Glenda.
“Nandoon lahat ng mga anak niya. Kasama ni Lotlot [de Leon] ang kanyang apat na anak na sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine.
“Kasama naman ni Matet [de Leon-Estrada] and kanyang asawang si Mickey at dalawa nilang anak na sina Mishka at Mikka.
“Pati nga si Ramoncito [Ramon Christopher Gutierrez, Lolot’s ex-husband] nandoon din.
“Pero, past midnight siya dumating at hindi na inabutan sina Lotlot,” patuloy na kuwento ni Glenda.
Si John Rendez ay nandoon din. Pero, katulad ng nasabi ni John sa huling interbyu nito sa PEP, dumidistansiya siya kapag naroon ang mga anak ni Nora bilang pagrespeto.
Bukod tanging si Kiko—Kenneth Isaac, isa pang adopted son ni Nora—ang wala sa pagdiriwang.
Si Kiko ang madalas nakakasama naman sa pagdalaw ni Nora kay Buboy.
Si Buboy ay si Eddie Villamayor, kapatid ni Nora na nasa rehab/retreat house sa isang out-of-town na lugar.
“Ian arrived without Jen. Pupuntahan daw niya si Jen after the party,” sabi ni Glenda.
Si Ian ay si Kristoffer, ang tanging biological child ni Nora sa ex-husband nitong si Christopher de Leon. Ang Jen na binabanggit ay si Jennifer Orcine, ang non-showbiz girlfriend ni Ian.
Pagpapatuloy ni Glenda, “Walang niluto si Guy, um-order lang siya ng food from Italianni’s. Nagdala ako ng dessert na chocolate cake and food for the gods.
“At sina Matet naman, nagdala ng ice cream cake from Dairy Queen!”
MAS SIMPLENG KRISMAS. Hindi gaya noon na may santambak na giveaways, pa-party at pa-raffle si Nora para sa showbiz press, wala ngayong ganoong pabongga ang superstar.
“She felt it wasn’t the right time,” sabi rin ni Boy Palma, Nora’s personal manager na dumating din sa condo ni Nora.
Sa gitna ng mga kahirapan at kalamidad sa ating bansa, iniwasan ni Ate Guy ang pagsu-show off, bagama’t hindi rin siya nakalimot sa kanyang munting aguinaldo para sa mga kaibigan sa showbiz.
At kahit paano ay hindi naman pinalampas ni Ate Guy ang pagtulong pinansiyal, gaya sa relief-operations ng TV5 Foundation, na hindi na niya ipinamamalita.
THROAT OPERATION. Ang paghahanda para sa pag-alis papuntang US sa Enero 5, para sa pagpapa-opera ng kanyang throat at pagsasaayos ng kaniyang vocal chords ang prayoridad ng superstar sa kasalukuyan.
Ang mahalaga rin, nakasama ni Nora ang mga anak, na ayon kay Glenda ay makikita mong lumaking mababait.
“Sabi niya [Nora], ‘Kasi lumaki sila sa pangaral ko. Hindi ko pinalalampas ‘pag may nagagawa silang hindi tama.
“Tinatawag ko silang lahat sa isang ‘meeting’, pati na ‘yong walang kasalanan, at doon ko ipinapaliwanag ang tama at maling gawain!’
“‘Yon lang. Kitang-kita naman at mararamdaman mo yung joy and excitement niya, kahit hindi siya magsalita,” obserbasyon din ni Glenda.
May kaliitan man ang living room ng condo unit, sabi rin ni Glenda, “Kasya naman kaming lahat, kasi may mga dinala silang stackable chairs.
“Walang nag-stay sa bedroom ni Guy, kaya lalo kaming masaya, kasi sama-sama at sabay-sabay na nagtatawanan!
“Para lang mga kapatid at kabarkada ni Guy yung mga anak niya dahil panay ang harutan nila!
“Sumakit tiyan namin sa paghalakhak, lalo na’t ayaw siyang tigilan ni Ian sa pagkiliti sa kanya.
“Para patigilin si Ian, sumisigaw si Guy ng malakas at aarte ng para siyang si Incredible Hulk. ‘Tapos, gagayahin din siya ni Ian.
“Napakasarap panoorin yung ganoong mga eksena nila!
“Yun daw ang miss na miss ni Guy na mga bonding moments nila noong hindi pa siya bumabalik dito!
“I felt so privileged naman for having witnessed a very special and endearing moment of my best friend, with her loving children and grandchildren!
“I’ve never seen my friend that happy before!
“I had tears in my eyes watching them, kasi I was also feeling very happy for Guy and for all of them!
“Salamat sa Diyos at natupad yung gusto ni Guy mangyari ngayong Pasko niya dito sa Pilipinas!” masayang sambit pa ni Glenda.