Kim Chiu at Jackie Gonzaga, naging emosyonal sa ‘EXpecially For You’

It's Showtime: Kim Chiu at Ate Girl Jackie, naiyak sa EXpecially For You!

Biglang na-hot seat si Kim Chiu sa tanong ni Jackie Gonzaga sa ‘EXpecially For You.’ Basahin dito:

Maraming naantig ang puso dahil sa ipinakitang emosyon at ibinahaging sagot ng mga It’s Showtime host na sina Jackie Gonzaga at Kim Chiu nitong Lunes, July 22.

Sa patok na segment “EXpecially For You,” naging usapan kasi nila ang tungkol sa mga ex at mga what if scenario.

Unang tinanong ni Vice Ganda si Jackie kung ipakikita niya ba ang kaniyang bagong boyfriend kapag nakasalubong nila ang kaniyang ex.

Masayang nag-oo ang Ate Girl dahil dapat talaga ipagmalaki raw ang kaniyang bagong kasintahan.

“Siguro ako kung ganoon na ‘yung mindset ko na, ‘Kung makita mo, makita mo,’ siguro wala na akong paki sa mararamdaman mo. Hindi ko na iniisipin. Basta ako ito. Ito meron ako ngayon. Proud ako dito,” sagot niya.

Pero nang tinanong ni Vice kung ano ang magiging epekto sa kaniya kapag nakita niya naman ang kaniyang ex na may kasamang iba mamaya, emosyonal niyang sinagot ito.

“Iiwas ako. ‘Tapos, iyak na lang ako pag-uwi,” paluhang sinabi ni Jackie.

Habang nag-uusap sila Vice, hindi rin mapigilan ang emosyon ni Kim at nakitang nagpipigil ito ng luha.

WATCH: Kim Chiu, Jackie Gonzaga, cry on 'Showtime' | ABS-CBN News

Nang nakita nila ang aktres, ipinasa kaagad ni Vice ang tanong kay Kim. Pabiro rin binigay ni Jhong Hilario ang tissue packet kay Vhong Navarro para raw sa katabing si Kim.

Marami naman ang nagulat sa biglaang hot-seat question ni Jackie kay Kim, “Siyempre, ikaw ay isa sa mga babaeng nilo-look up ko, e. Talagang gusto ko marinig ito sa iyo, Ate Kim. Ano ba dapat gawin kung makikita mo siya, estado ng pagkatao mo ngayon, makikita mo siya, nakasalubong sa hallway kasama na niya ‘yung bago niya?”

Sa pressure, nagbiro na lang si Kim kung ano ang hotline number ang pwede niyang tawagan at kumuha ng tissue kay Vhong.

Pagkatapos ng tawanan, sinagot niya ang tanong ngunit hindi rin niya napigilang maging emosyonal.

“Haharap, siyempre… Hindi, ganu’n talaga. Hindi ka dapat tumatalikod sa mga bagay na magpapalakas sa iyo,” paluhang sinagot niya.

Sa huli nagyakapan ang dalawang host habang pinupunas nila ang kanilang luha.

Pabirong sinabi ni Vice, “Kim Chiu meet Jackie.”

Dagdag din ni Vice, “Diyan ako proud sa dalawang iyan. Masakit man, hinaharap nila. Kayang harapin, kahit hindi masyado sila komportable, hindi nag aano back-out, hindi iyan tumatalikod. Harapin natin ito. Kaya mga strong women iyang dalawang iyan.”

Subaybayan ang It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, tingnan ang mga artistahing ‘EXpecially For You’ guest sa gallery na ito: