Hot News: Wowie De Guzman and Judy Ann Santos went their separate ways—what if the real reason is a scandal we haven’t heard yet?
Remember when Wowie de Guzman parted ways with Judy Ann Santos?
Take a look back at how Juday and Wowie became a popular love team in the 90s.
In the ’90s, one of the most popular love teams was the pairing of Wowie de Guzman and Judy Ann Santos. Let’s take a look down memory lane and see how their tandem came to be.
PHOTO/S: ABS-CBN / Instagram (Gladys Reyes)
Walang duda na isa sa mga lubos na tiniliang tambalan noong dekada ’90 ay ang love team nina Judy Ann Santos, 42, at Wowie de Guzman, 43.
Nang magsimula silang ipareha, household name na noon si Judy Ann dahil sa ABS-CBN teleserye na Mara Clara.
Ginampanan ni Juday—ang nakagawiang tawag kay Judy Ann—ang papel na Mara, habang si Gladys Reyes naman ang gumanap bilang Clara.
Dalawang dekada ring itinuring na longest-running local teleserye ang Mara Clara.
Umere ito ng four years and six months, mula Agosto 1992 hanggang Pebrero 1997, hanggang nalagpasan ito ng teleseryeng Ang Probinsyano, na four years at ten months na at hindi pa natatapos.
Taong 1990 naman nang magsimula ang Universal Motion Dancers (UMD) na kinabibilangan ni Wowie.
Ani Wowie, ang unang-unang entablado na kanilang sinampahan ay sa Eat Bulaga!, noong umeere pa ito sa ABS-CBN.
Ang iba pang miyembo ng UMD ay sina Jim at James Salas, Brian Furlow, Miggy Tanchanco, Marco McKinley, Norman Santos, Gerry Oliva, at ang namayapang si Gerard Faisan.
Sa pagsikat ng UMD, nangunguna si Wowie sa mga miyembrong lubos na nakilala at tinilian.
Ito ang naging ticket niya para mag-cross over mula dancing to acting.
“Simula kaming magka-love team ‘94 yata,” pag-aalaala ni Wowie sa interview niya sa OneMusicPH YouTube video na in-upload noong June 21, 2020.
“Pinapunta nila ako sa Mara Clara para maging isang love interest ni Judy Ann.
“Iyon na. Iyon na iyong nag-jumpstart ng career ko as an actor.”
SHE SAYS, HE SAYS ON THEIR TEAM UP
Noong February 2014, sa entertainment talk show na Biyaheng Retro, binalikan ni Juday kung paano ipinareha sa kanya si Wowie.
Sabi ng aktres, hindi pa ganoon kaselan ang paghahanap ng katambal ng isang artista.
“Before kasi, hindi pa naman uso iyong ipe-pair kayo, mag-o-audition kayo, magwo-workshop muna kayo… walang gano’n.
Read more about
Wowie de Guzman
Judy Ann Santos
“At that time, si Wowie was chosen to be Christian, kasi sobrang sikat na sikat iyong [Universal] Motion Dancers.”
Christian ang pangalan ng ginampanang role ni Wowie sa Mara Clara.
Ani Juday: “Si Wowie iyong talagang sobrang tinitilian ng mga babae noon.
“E, kami iyong magka-age, ‘tapos parang naisip ni Direk Emil na, ‘Oo nga, nagdadalaga na si Mara. ‘Tapos may extra conflict pa with Clara, kailangan tayong magpasok ng ibang layer ng Mara Clara.”
Ang tinutukoy na Emil ni Judy Ann ay ang direktor ng kanilang teleserye, si Emil Cruz, Jr.
Samantala, sa kuwento ni Wowie sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong January 2020, hindi talaga siya ang first choice bilang love interest ni Judy Ann.
Sabi ng dancer-actor, hindi planado ang team-up nila ni Juday.
Pero natataon daw na laging hindi natutuloy ang mga ipinapareha kay Juday.
Kaya sa huli ay sa kanya napunta ang role ni Christian.
Mainit na tinanggap ang tandem ng dalawa, at nasundan pa ito ng isang patok na teleserye at sunud-sunod na mga pelikula.