Hot News: Ian de Leon Opens Up About Shocking Drama with Mom Nora Aunor at the Airport; Calls ‘Sa Ngalan ng Ina’ a ‘Godsend’—What Really Happened?” /dn

Hot News: Ian de Leon Opens Up About Shocking Drama with Mom Nora Aunor at the Airport; Calls ‘Sa Ngalan ng Ina’ a ‘Godsend’—What Really Happened?”

Ian de Leon recounts real-life drama with mom Nora Aunor at the airport; believes Sa Ngalan ng Ina is “Godsend” for his family

Ian says he is in good terms with his mom’s rumored partner, John Rendez.

 

“Papasok na ako, siyempre hindi naman siya puwedeng pumasok. Doon siya bumigay. Talagang bumigay na rin ako. Ayaw niyang umalis. Tapos hinatid pa niya ako hanggang doon sa loob ng airport,” says Ian de Leon on how he and mom Nora Aunor parted sadly before.

Hindi na big deal kay Ian de Leon kahit second choice lang siya sa role niya bilang Zaldy sa upcoming mini-series ng TV5, ang Sa Ngalan ng Ina. Makakasama niya rito ang kanyang mga magulang na sina Superstar Nora Aunor at Drama King Christopher de Leon.

Ang importante raw ay nagkaroon sila ng pagkakataon na magkasama-sama ulit sa isang proyekto bilang isang pamilya.

Originally kasi ay kay Ryan Agoncillo dapat ang role na napunta kay Ian. Pero dahil sa sobrang busy ng schedule ni Ryan ay hindi na niya natanggap pa ang mini-series na ito.

Kaya naman in a way ay nagpapasalamat din si Ian kay Ryan na hindi nito tinanggap ang role.

“Thankful na rin siguro ako. At saka second choice, third choice, last choice [man ako], ang mahalaga may trabaho ako.

“Ang pinakaimportante pa rito ay nakasama ko pa ang parents ko. Kay Ryan, thank you so much,” sabi ni Ian.

Isa lamang ito sa mga intrigang sinagot ni Ian sa kanyang live guesting kahapon, August 21, sa Presscon Express segment ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed.

Matapang din niyang hinarap ang iba pang tanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press.

FAMILY REUNION. Matagal na panahon na rin no’ng huling magsama sa isang pelikula sina Ian, Ate Guy, at Boyet. Sampung taon gulang pa si Ian nang gawin nila ang I Love You Mama, I Love You Papa.

Sa nakaraang story conference nga ng Sa Ngalan ng Ina last week sila nagkita ulit tatlo. Paano niya ilalarawan ang kanilang muling pagkikita?

“Well, noong una ngang nagsama-sama ulit kami last Tuesday [August 16], unang feeling ko excited ako, e.

“Alam mo yung parang eclipse na once in a blue moon lang nangyayari?” ani Ian.

Kumusta naman ang mama at papa niya?

“Okay naman, nag-uusap naman sila. Ang usapan nila parang bumubulong. Parang gusto kong gumanun, e [makinig sa usapan nila].

“Pero nung makita ko yung moment na yun, wow, what a sight to behold talaga! Nung huli kong makita yun [bulungan], maliit pa ako.”

NEGATIVE ISSUES AND JOHN RENDEZ. Ano ang masasabi niya sa mga negative na intriga kay Ate Guy, partikular sa pagdating sa bansa ng rumored partner nitong si John Rendez?

“Well, unang-una, sa mga negative na intrigue sa kanya [Nora], lumaki na kami na puro negative na yung mga intriga sa kanya.

“Sanay na kami. Pero hanggang ngayon, nandiyan pa rin si Mommy. Parang may armor na siyang ganun, e.

“Parang, yung mga negative rumors keep away. Parang hindi na siya tinatablan.

“Yung question about John, well, hindi natin maiwasan na ganun ang mangyari dahil unang-una, siyempre nasa limelight ang mommy ko, di ba?

“Basta sa akin, kung saan masaya ang mom ko, masaya na rin ako for her.

“Sa mga negative [issues], we don’t have time for that anymore, e. All we want to happen right now is for us to be a family.

CONTINUE READING BELOW ↓

WATCH: DEJA now on PEP Live!

“Besides dun sa career, sa profession, hindi na namin [pinapansin]. Wala na kaming panahon para sa mga ganyan.”

In good terms ba sila ni John Rendez?

“Yes naman,” sagot ni Ian.

“Kasi nung last time na nandun kami sa States, which was I think 2006. I did a show with my mom and Kiko [brother of Ian].

“We got to hangout naman. Maayos naman. Yung mga problema in the past, just leave it in the past.”

SHOOTING ISSUE. Ilang araw ngang nagkasakit si Ate Guy at hindi siya nakapag-shooting ng pelikulang ginagawa niya with ER Ejercito, ang El Presidente.

Kumusta na si Ate Guy ngayon at ano ba talaga ang naging sakit nito?

Ani Ian, “Right now, alam ko may shooting siya right now. Whatever lost time na nangyari, she promised to make up for it.

“Lately kasi inuubo siya, e dahil sa weather. Kasi nagpupunta siya sa presscon, malamig.

“Tapos pupunta sa shooting, ang init. Babalik sa ano, pawis na pawis.

“Sorry, Ma, pero sa edad na rin. I love you, Ma,” biro pa ni Ian.

MOTHER AND SON BONDING. May plano ba silang magkakapatid na mag-out-of-town buong pamilya kasama si Ate Guy?

“Maganda out-of-the-country para masaya, di ba? Like sa Japan, Europe, ganun.”

May time naman kaya ang mommy niya?

“Ewan ko lang. Hindi ko alam.

“Siguro kung hindi man darating sa ganun, siguro simple dinner with the family would do.

“Or buong araw, sana mai-dedicate sa amin, na walang camera, o coverage.”

Emotional ba sila ni Ate Guy sa tuwing nagkikita?

“Well, siguro kung kami na lang. Kung may occasions na.

“Well, syempre heart to heart. We always makeup for lost time pag nagkikita kami.

“There are moments na mag-uusap kami. Kulitan, ganyan-ganyan, tapos it goes deep, e. Suddenly, it goes deep, e.”

Nagsusumbong pa rin ba siya sa mommy niya?

“Hindi, kasi alam naman niya lahat, e. Nagkukuwentuhan kami. Wala naman kaming itinatago sa isa’t isa, e.”

AIRPORT INCIDENT. Ano ang pinakaimportanteng bagay, o moment na pinagsaluhan nilang mag-ina?

“Siguro nung nagkita kami sa States before. There was this one moment na bago ako bumalik dito [sa Pilipinas].

“Kasi ano yun, e, two weeks. And I have to go back here for taping. Bitin yung oras.

“Nag-lunch kami noon. Tapos, ‘Kumusta anak?’ Gumanun lang siya. Isang simpleng question. Tapos ayun, tuluy-tuloy na yun.

“Simula nung nag-graduate ako, bumalik lahat. Tapos hindi na halos ako humihinga, dire-diretso, umiiyak, tumatawa [ako].

“Tapos, eto yung pinaka-solid na ano, e… Nakikinig lang siya, pero alam ko na nata-touch siya. Tapos hino-hold lang niya yung shoulders ko.

“Tapos eto na, airport. Pagdating sa airport, ‘Anak, okay ka lang?’ Unti-unti na, nakakaramdam na ako ng parang [malungkot].

“‘Anak, ingat ka, ha. Huwag mong kakalimutan yung T-shirt mo. Kumpleto ba lahat ng gamit mo?’ Ako naman, ‘Ma, don’t worry.’

“Papasok na ako, siyempre hindi naman siya puwedeng pumasok. Doon siya bumigay. Talagang bumigay na rin ako.

“Ayaw niyang umalis. Tapos hinatid pa niya ako hanggang doon sa loob ng airport. Tapos, di ba may mga pila doon?

“Check-in na. Hanggang to the point na umabot na ako doon sa parang metal detector ba yun? Hanggang doon na lang siya.

“Tapos nung papalayo na ako, tiningnan ko siya. Gumaganun siya [naiiyak]. Tapos kinu-comfort siya,” pagbabalik-tanaw ni Ian.

Sa huling bahagi ng interview, may mensahe rin si Ian sa fans ng mga magulang niya.

“Wala pa po kaming airing date kasi magsisimula pa lang po kami ng taping bukas [August 22].

“Sa mga fans po ng mom ko, sa mga fans po ng dad ko, sa mga sumusuporta sa kanila, huwag n’yo pong kakalimutan na sundan sila sa mga gagawin nilang projects.

“And sa mga intriga, wala na yun, tapos na yun.”

HAPPY FAMILY. Pagkatapos ng guesting ni Ian ay nagkaroon pa ng pagkakataon ang PEP na makausap siya sandali para sa ilan pang katanungan.

May kontrata na ba siya sa TV5?

“Para dito lang sa Sa Ngalan ng Ina. Pero sana magtuluy-tuloy, di ba? Freelancer ako now, e,” sabi niya.

Bukod sa TV series, posible rin ba silang magkasama ni Ate Guy sa pelikula?

“Sana, gusto ko yun. Hindi naman malayong mangyari.”

Paglilinaw pa ni Ian, ilan araw pa lang pagkadating ng mommy niya ay nagkasama-sama na raw silang buong pamilya. Baka raw kasi isipin ng ibang tao na hindi sumasama sa kanila ang Ate Lotlot niya.

“Actually, nag-dinner na kami lahat. Kasama si Ate, sina Matet, Kiko, Kenneth, pati mga pamangkin.

“Nung nasa Shangri-La siya, nung kakauwi lang niya, pinuntahan namin siya sa hotel tapos doon kami nag-dinner.

“Doon kami nagkuwentuhan. Kumpleto kaming lahat. Masaya ang family namin.”

Pakiramdam niya ba para sa kanilang tatlo talaga ang Sa Ngalan ng Ina?

“Oo, kasi alam mo matagal ko nang pinagpe-pray at wini-wish yung ganitong opportunity.

“And finally natupad ngayon. Godsend talaga itong project na ito. This is a big blessing sa family namin.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News