KathDen sipag-sipagan, may pressure na lampasan ang HLG

KathDen sipag-sipagan, may pressure na lampasan ang HLG

Napakasipag ngayon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pagpu-promote ng kanilang reunion movie, ang Hello, Love, Again na muling pinamahalaan ni Cathy Garcia-Sampana at joint production ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures.

Ang pelikula ay showing na simula sa November 13, 2024.

?Ongoing ang mga mall shows ng dalawa hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga out of town including Mandaue and Cebu City, General Santos City, Iloilo at iba pang lugar.

?Tiyak na may halong pressure ang balik-tambalan nina Kathryn at Alden  sa kanilang dalawa dahil sa tagumpay ng kanilang 2019 monster hit movie na Hello, Love, Goodbye na siyang may hawak ng top-grossing Filipino film of all time hanggang ito’y ma-dislodged ng Metro Manilla Film Festival movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Rewind na produced din ng Star Cinema katuwang ang Agosto Dos Productions ni Dingdong.

?Nagtataka naman ang maraming fans ng KathDen kung bakit hindi isinali sa MMFF ang Hello, Love, Again dahil tiyak daw na kaya nitong pantayan o di kaya lagpasan ang record ng Rewind nung nakaraang MMFF.

Pero sa simula pa lamang ng announcement ng balik-tambalan ng KathDen ay in-announce rin ang November 13, 2024 playdate ng pelikula.

?Sabagay, hindi rin naman filmfest movie ang Hello, Love, Goodbye nung 2019 pero tumabo pa rin ang pelikula hindi lamang sa Pilipinas kundi ma­ging sa ibang bansa.

?Ayaw naman daw magpa-pressure nina Kathryn at Alden na nagsabing sobra umano nilang in-enjoy ang shooting ng pelikula sa Canada at tiyak daw na maiibigan ng mga manonood ang kanilang movie.