Kristoffer Martin, gustong makatrabahong muli si Kathryn Bernardo; “Sayang ’yong Endless Love, oh. Ituloy natin.”
PHOTOS: @gmanetwork on FB & YouTube; @misskathrynbernardo on FB
Isa pala sa mga hiling ngayon ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang muling makatrabaho ang Kapamilya actress ko na si Kathryn Bernardo.
Sinabi n’ya ito nang mag-guest s’ya kahapon, February 7, sa Fast Talk With Boy Abunda kasama ang kanyang Makiling co-actors na sina Royce Cabrera at Teejay Marquez.
Doon ay gumanap ang dalawa bilang young Dingdong Dantes at young Marian Rivera.
Dahil dito ay natanong ng King of Talk ang aktor kung in touch pa in ba sila ni Kathryn.
“Hindi, Tito Boy. But nagkikita kami, Tito Boy, sa event. Nagha-hi, hello-an. Pero ’yong personal na nagme-message-an hindi po,” sagot ni Kristoffer.
Nang humirit naman ang TV host na baka mapanood ni Kath ang interview nilang iyon ay hindi na nag-aksaya pa ng chance si Kristoffer para magbigay ng mensahe sa aktres.
Inaya n’ya ito na magsama silang muli sa isang project.
“Kath, baka naman, ’di ba? Work tayo, oh. Sayang ’yong [nasimulan sa] Endless Love, oh. Ituloy natin,” paanyaya n’ya.
Natanong din s’ya sa show kung ano ang hiling n’ya ngayon para sa Kapamilya star na nanggaling sa breakup.
“Peace sa heart n’ya, Tito Boy, kasi deserve n’ya ’yon, e. Importante ’yong peace,” pagtatapos ni Kristoffer.
Napapanood si Kristoffer kasama sina Teejay at Royce sa revenge-drama series na Makiling sa GMA Afternoon Prime.