PHOTOS: @chinitaprincess
Wala raw pinagsisihan ang actress-TV host na si Kim Chiu sa naging relasyon nila ng aktor na si Xian Lim.
Inilahad n’ya ’yan sa recent one-on-one interview sa kanya ni Dra. Vicki Belo sa vlog entry nito na in-upload sa YouTube.
Kinumusta kasi ng celebrity doctor ang status ng kanyang puso few months after ng hiwalayan nila ni Xian Lim.
“Ang puso? It’s a little empty. Empty!?” natatawang sagot ni Kim.
Pero tanggap na raw n’ya ang nangyari na sadyang parte daw ng buhay.
“Okey naman. It’s ano naman, part of life and part of growing up,” she shared.
Natanong din s’ya kung ano ang pinakadahilan ng breakup nila pero tumanggi si Kim na idetalye ito. Sa halip, sinabi n’yang mutual decision nila ni Xian na tapusin ang kanilang 11-year relationship.
“Wala naman. Baka magalit s’ya. Ano lang, common understanding namin, mutual decision to end things and to move on with our lives,” saad n’ya.
Aminado ang aktres na hindi rin naging madali sa kanya ang mga nangyari pero tinanggap na n’ya ito, eventually.
“Medyo mahirap s’ya. You just have to accept siguro ’yong mga bagay na wala kang control and you cannot push yourself sa isang bagay,” pagpapakatotoo n’ya.
Tila nakulangan naman si Dra. Vicki kung kaya’t diretsahan n’yang tinanong si Kim kung may kinalaman ba sa breakup nila ang usapin ng kasal.
Ito kasi ang naging haka-haka ng netizens, na hindi pa umano ready mag-settle down ang aktor kahit na more than 10 years na silang magkasintahan ni Kim.
Ayon sa It’s Showtime co-host, never daw n’yang tinanong si Xian tungkol sa bagay na ito. Pero sumagi rin umano ito sa isip n’ya.
“Iniiisip ko. It’s one of the reasons of so many reasons. Hindi naman s’ya big factor. Pero s’yempre, as we grow old, iisipin mo rin ’yon,” pag-amin ng Kapamilya actress.
Hindi man direkta, nausisa rin s’ya ni Dra. Vicki kung nararamdaman ba n’ya kapag nawalan ng interest sa kanya ang “isang guy?”
“Parang…yes,” sagot ni Kim.
Pero sinikap naman daw niyang gawin ang kanyang part para maisaayos ang kanilang relasyon.
“Ganu’n naman, ’di ba, Doc? Parang kailangan i-work on mo pa hanggang sa… Ako talaga, I’m the type of person na I want to do all out so that wala akong regrets,” pagbabahagi n’ya.
At sa pagkakakilala umano ng aktres sa kanyang sarili, mahaba raw ang kanyang pasenya.
“Ako, ang haba ng pasensya ko. And I give my 100 percent para in the end wala akong pagsisihan…wala akong regrets, just lesson learned,” saad n’ya.
Samantala, wala raw s’yang clue na nali-link na umano ngayon si Xian sa iba. Na-open kasi ni Dra. Vicki ang tungkol dito, na napapabalitang may iba nang idini-date ang ex-boyfriend n’ya.
“Hala, hindi ko alam, Doc. Wala akong idea,” ani Kim.
Dahil sa kanyang pinagdaanan, mas gusto na lang daw n’ya mag-enjoy na lang sa buhay at hindi na muna mag-e-expect sa kung ano pa man.
“Ako kasi, ayoko na ng too much expectations on what will happen sa buhay ko in the next six months or in the next years to come. Gusto ko na lang mag-enjoy,” lahad ni Kim.
Naniniwala raw kasi s’ya na naiplano na ng Itaas ang lahat nang mangyayari sa buhay n’ya.
“Sa buhay natin, naplano na itong lahat ni God, e. Parang everything doesn’t happen by chance. Parang it was written already before we were born,” aniya.
“Di ba, parang ganu’n s’ya, ganu’n ang paniniwala ko na ‘Ah, hindi pa siguro s’ya time for me. Hindi pa siguro s’ya ’yong para sa akin,’” she added.
At nang matanong naman s’ya kung single ba ngayon ang katambal n’yang si Paulo Avelino ay napangiti na lang ang tinguriang Chinita Princess.
“Hindi ko din alam,” natatawang sagot n’ya.
Pahabol pa ng aktres, “Watch na lang sila ng What’s Wrong With Secretary Kim?”
News
Breaking News: Marian Rivera Reveals ‘MARRIAGE CONTRACT’ with Husband Dingdong Dantes for the First Time… Some Clauses Leave Netizens SHOCKING
The most beautiful woman in the Philippines has not signed a prenuptial agreement yet. Marian Rivera and fiancé Dingdong Dantes share important information before their wedding day. Immediately after Marian Rivera accepted her boyfriend Dingdong Dantes’ proposal, the press hounded…
Kaya Pala, Paulo Avelino Naghahabol Kay Kim Chiu
Si Paulo Avelino ay hindi nagpahuli sa kanyang rumored na kasintahan, ang Kapamilya actress na si Kim Chiu, kahit na abala ang kanyang schedule. Isang patunay ng kanyang dedikasyon sa kanilang relasyon ay ang kanyang pagsisikap na maglaan ng…
‘It’s Showtime’: Tearful wedding proposal has profound impact on Ruffa Gutierrez
Vice Ganda and Ruffa Gutierrez react to a wedding proposal during the ‘Reina ng Tahanan’ segment seen in the Monday episode of ‘It’s Showtime.’ ABS-CBN Ruffa Gutierrez was in tears in the Monday episode of “It’s Showtime,” as she witnessed a…
VIDEO: The Entire Internet Is Tripping Out Over Viral Video Of Dallas Stars Fan Catching A Beatdown After Saying The N-Word
Dallas Stars fans (Photos via Twitter) Saying the N-word when you are not a Black person can be dangerous to your health, and one fan of the Dallas Stars found that out the hard way. One social media video is…
Alden Richards opens up about ‘deep connection’ with Kathryn Bernardo amid dating rumors
Alden Richards has finally addressed the question on whether he is romantically pursuing Kathryn Bernardo. During a behind-the-scenes exclusive of Fast Talk hosted by Boy Abunda, the King of Talk directly asked Alden if there was truth to the rumors….
Abogado Ni Jojo Nones at Richard Cruz, Iginiit Na Walang Basehan Ang Pagsasampa Ng Kaso Sa Kanyang Mga Kliyente
Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, abogado ng mga independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, walang sapat na batayan ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) laban sa kanyang mga kliyente. Binanggit ni Atty. Garduque na ang…
End of content
No more pages to load