Nag-react ang aktres na si Lotlot de Leon kaugnay sa isyung nakita umanong naghahalikan ang anak niyang si Janine Gutierrez at co-star nitong si Jericho Rosales.
“Hindi naman totoo ‘yon, nando’n tayong lahat, it was all fun,” saad ni Lotlot sa pep.ph.
“Nakakatawa. Hindi ko alam kung saan nila… na-shock ako,” dagdag niya.
“Kasi nando’n ako the whole time, so wala naman akong nakita na kissing or anything na ganyan, and you know Janine is… hindi, eh, hindi siya gano’n,” patuloy niya.
Samantala, wala naman daw masama kung nagdi-date na ang dalawa dahil pareho namang single ang mga ito.
“There’s nothing wrong with that, they’re both single, they’re both adults, they’re both mature individuals, so yeah, there’s really nothing wrong with it,” aniya. (IS)
KW: Lotlot de Leon Janine Gutierrez Jericho Rosales
SEO: Lotlot na-shock sa ‘tukaan’ nina Janine, Jericho