Leyna Bloom (L) finds herself pitted against Pia Wurtzbach after her post claiming to be the first Filipino to walk in the L’Oréal Paris Fashion Week show.
PHOTO/S: @leynabloom and @piawurtzbach
Sino nga ba ang unang Pilipinong rumampa sa L’Oreal Paris fashion week?
Naging topic ito ng mga netizens matapos mag-post ang Filipino-American transgender model na si Leyna Bloom tungkol sa pagiging “first Filipino” na nakagawa nito sa taunang fashion event sa France.
Dahil dito, kinastigo ng netizens si Pia Wurtzbach.
Bago kasi siya rumampa sa L’Oreal Paris’ annual fashion show na ginanap sa Place de l’Opéra nitong September 23, 2024, nag-post siya sa Instagram ng: “Excited to make history as the first Filipina walking the L’Oréal catwalk for Le Défilé!”
LEYNA’S POST ABOUT BEING FIRST FILIPINO to walk L’OREAL PARIS FASHION SHOW runway
Ayon kay Leyna, rumampa siya sa L’Oreal show para sa Paris Fashion Week Womenswear Spring/Summer 2022 sa Paris, France, noong October 03, 2021.
Narito ang simula ng kanyang post na may petsang September 27, 2024: “Three years have passed since I made history as the first #Filipino and #BlaanTribe woman to walk the prestigious L’Oréal Paris runway, right in front of the iconic Eiffel Tower.”
Kalakip nito ang highlights ng kanyang pagrampa.
Ang kuwento ni Leyna (published as is), “I’m incredibly grateful to @lorealparis for inviting me to be part of such a powerful and inspiring show.
“Reflecting on this journey, it feels surreal that nearly three years have passed since I made history as the first #Filipino and #BlaanTribe woman to walk the prestigious L’Oréal Paris runway, right in front of the iconic Eiffel Tower.
“That moment, shared with @katgraham, is etched in my heart as a powerful reminder of how far we’ve come. We absolutely owned that runway!”
Binanggit din ni Leyna na markado iyon dahil isa siya sa unang trans women na naglakad sa tanyag na fashion event.
Ibinida rin niyang siya ang first trans woman sa U.S. na three years naging brand ambassador ng French multinational personal care company.
Tinapos niya ang post sa pamamagitan ng pagbati sa kanyang “Filipino sisters” na sina Pia at Stephanie Valentine, na parte rin ng L’Oreal fashion show ngayong taon.
Ani Leyna, “Huge congratulations to my Filipino sisters, @glamzilla & @piawurtzbach, for walking the runway this year—you both looked absolutely stunning and represented us beautifully.”
Si Leyna ay anak ng isang Pilipinang mula sa Blaan Tribe sa Southern Mindanao. Ang kanyang ama ay isang African-American.
Fil-Am model Leyna Bloom walked at the L’Oreal Paris fashion event last 2021, while Pia graced the L’Oreal Paris catwalk last September 2024.
Photo/s: @leynabloom and @piawurtzbach
LEYNA ADDRESSES ISSUE
Kabuntot ng post ni Leyna ang pagbatikos ng mga bashers sa Miss Universe 2015 beauty queen dahil sa “incorrect at irresponsible information” nito.
Naka-tag din si Pia sa comments nila.
Dahil sa tinamong bashing ni Pia, nagkomento si Leyna tungkol sa “toxic behavior” ng netizens.
Parte ng post niya, “I choose to rise above toxic behavior, as there is no competition; the struggles of others do not define my journey.”
Aniya, mas importante sa kanyang magkaisa ang “global community to believe in themselves.”
Proud din siya sa kanyang heritage.
“While we may debate who comes first and who comes second, the truth remains: a little black Filipino girl from the south side of Chicago, who is also a first-generation #Blaan Indigenous child from General Santos, Mindanao had the incredible opportunity to walk in a fashion show in Paris twice, representing both of her cultures.”
In fact, hindi raw niya kinailangang banggitin ang “title of first” noong una siyang rumampa sa fashion show.
Pero hindi na siya nagpaliwanag kung bakit niya ito binanggit sa recent post.
Pagpapatuloy ni Leyna, “I have always been a winner in my own right, and no trophy or accolade can diminish that truth.”
Bilang panghuli, nag-iwan pa siya ng mensahe para kay Pia: “Happy birthday, @piawurtzbach! I hope you cherished your moment, and I can’t wait to see yu on the runway again next year.”
Naka-tag din si Pia sa message ni Leyna.
News
HOT VIDEO; Kim Chiu seductively dances to ‘Despacito’, gets called by Justin Bieber on Instagram Live Video, making fans excited (SKDA)
Kim Chiu Dances the ‘Despacito,’ Gets Noticed by Justin Bieber on Instagram Live Video Kim Chiu and Kakai Bautista danced the “Despacito” and uploaded the video on Instagram Story. And then while watching Justin Bieber’s live Instagram video, Kim posted…
Ang Nanay ni Justin Bieber ay Opisyal na ‘Nagdagdag ng Gatong sa Apoy’ Kasama si Diddy, Naglabas ng Nakakagulat na VIDEO Tungkol sa Ginawa ni Diddy at Usher Sa Kanyang Anak Noong Siya ay 15 (SKDA)
Sa wakas ay nagbukas na ang ina ni Justin Bieber tungkol sa diumano’y pag-aayos ng kanyang anak ng mga higante sa industriya na sina Usher at Diddy. Ikinuwento ni Patty Mallette ang nakakabagbag-damdaming kwento ng mga pinagdaanan ni Justin noong…
HOT: Kathryn Bernardo responded to Daniel Padilla’s post immediately after it went viral… (uyen)
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng ilang mga netizens ang social media post ni Daniel Padilla kung saan tila kinumpara niya si Kathryn Bernardo sa isang basura. Sa isang Instagram stories ni Daniel Padilla Hindi matanggap ng maraming mga…
HOT NEWS: Nabigla sa malaki at nakagugulat na desisyon ni Kim Chiu, binigay ni Kim Chiu ang lahat ng kanyang asset para gumawa ng kakaibang bagay na ikinagulat ng buong mundo. (uyen)
Kim Chiu and Paulo Avelino have officially started filming their highly anticipated first movie project together, Star Cinema announced on Monday. In an Instagram post, Star Cinema uploaded a photo of a movie clapperboard for the film “My Love Will…
حققت الفنانة المثيرة للجدل هيفا وهبي 2 مليون مشاهدة على اليوتيوب (SKDA)
‘ جدل حاد حول فستان المطربة الصادم تلك المطربة هيفاء وهبي، قامت بأداء أغنية في برنامج تلفزيون الواقع عرب ستار أكاديمي. هذا البرنامج يبحث عن المواهب الموسيقية. بعد العرض، ظهرت عدة مقاطع فيديو على موقع يوتيوب جذبت أكثر…
والدة جاستن بيبر تشعل النار رسميًا مع ديدي، وتنشر فيديو صادمًا عن ما فعله ديدي وأشر بابنها عندما كان في الخامسة عشرة من عمره (SKDA)
والدة جاستن بيبر تكشف أخيرًا عن تحرش عمالقة الصناعة مثل آشر وديدي بابنها. تحكي باتي ماليت القصة المؤلمة لما مر به جاستن عندما كان طفلاً في عالم الترفيه. تحقيق في الجانب المظلم لصناعة الترفيه، حيث غالبًا ما تأتي الشهرة والثروة…
End of content
No more pages to load