Nagsimula sa isang blind item na biglang ikinonek sa mag-asawang sina Erwan Heussaff at Anne Curtis ang diumano’y hiwalayan ng isang celebrity couple.
Naging curious tuloy ang netizens at siniyasat ang social media accounts nina Erwan at Anne.
Dito ay napansin nilang hindi madalas nagpu-post sina Erwan at Anne ng larawang magkasama sila.
Kaya naman, lalong naging mainit ang usapin na baka sila ang tinutukoy sa naturang blind item.
Na kaagad namang pinalagan ni Erwan sa isang komentong sagot nito sa isang netizen.
Saad ng netizen (published as is), “He is no longer wearing the wedding ring [crying emojis].”
Napansin ni Erwan ang komento ng netizen at agad nag-reply para itanggi ang kumakalat na balitang hiwalay na sila ni Anne.
Ani Erwan, “Lol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook.”
Depensa naman ng netizen, hindi siya masisisi ni Erwan dahil sanay itong makita ang mister ni Anne na laging suot-suot ang kanyang wedding ring.
Aniya, “@erwan sorry po, nasanay lang siguro ako na all vids mo you always wear it.”
Hindi na sumagot si Erwan.
Sa Instagram kahapon, September 8, 2024, nag-post si Erwan ng larawan nila ng asawang si Anne na kumakain sa Keng Eng Kee Seafood Retaurant sa Singapore.
Simpleng caption niya, “Marked safe.”
Sa comments section, may paliwanag si Erwan tungkol sa dynamics nila ng asawang si Anne.
Ayon sa kanya, hindi sila ma-post na dalawa. Alam daw kasi nila ang kanilang relasyon.
Alam din daw nilang hindi sila dapat nagpapaniwala sa mga lumalabas online.
Buong sabi niya (published as is), “Anne and I have never really posted much about each other online, it’s just how we are. We don’t feel the need to prove anything to anyone.
“But everyone has to work on being less gullible online, information can be weaponised.
“This wasn’t a big deal, but imagine its something that has real word repercussions. Just because something has lots of views, doesn’t make it real. Take a Facebook detox [laughing emoji]”