Annabelle Rama at Cristy Fermin, nagkaayos na; “This time lumambot ang puso ko sa kanya.”

Para kay Annabelle Rama, naunawaan daw ni Cristy Fermin ang pagtatanggol niya sa anak na si Richard Guttierez dahil isa rin itong ina. Kaya naman na-appreciate niya raw ang pagtatanggol naman nito sa kanya laban sa kanyang bashers.

PHOTOS: @annabelle.rama.90260 on Facebook & @showbiznowna7298 on YouTube

Para kay Annabelle Rama, naunawaan daw ni Cristy Fermin ang pagtatanggol niya sa anak na si Richard Guttierez dahil isa rin itong ina. Kaya naman na-appreciate niya raw ang pagtatanggol naman nito sa kanya laban sa kanyang bashers.

Pakiramdam ni Annabelle Rama, hindi pa rin siya pinababayaan ng langit ngayong naayos ang gusot sa pagitan nila ng nakaalitan niya noon na si Cristy Fermin.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkabati raw sila dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.

Iyan ang naging laman ng mahabang Facebook post niya kahapon, December 13, matapos ang umano’y pag-uusap nila ng veteran showbiz writer/host and insider sa phone.

“Mabait talaga sa akin ang Sto. Nino. Sa mga nangyari sa amin  na intriga ngayon pinili kong manahimik na lang at  pina ubaya ko na lang kay Sto. Nino ang lahat,” panimulang lahad ng Gutierrez matriarch sa kanyang post.

Dinagsa raw siya ng messages mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan para ibalita ang ginawang pagtatanggol sa kanyang ng taong nakaalitan niya before.

“Pag gising ko kaninang umaga maraming text ako natanggap at mga missed calls from my friends na tunay na nakaka kilala at nag mamahal sa akin. At sabi nila ay may maganda  daw silang nabasa sa facebook na sinulat  ng  number one kong kalaban at  pinagtatanggol ako this time,” kuwento ni Annabelle.

Ayaw nga raw niya maniwala noong una dahil baka fake news na naman umano iyon.

“Di ako naniwala at baka kako fake news na naman at ginamit lang ang pangalan niya,” sabi pa niya.

Binigyang pansin na lang umano niya ito nang ang anak na raw niya mismo ang nagsabi sa kanya.

“Nang kumakain na kami, sinabi ng anak ko, na maganda raw ang sinulat ng nasabing reporter at ipinagtanggol ako, kako baka fake, kaya pina check ko sa PR ng Gutierrez family at na confirmed nga niya na legit iyon account at siya nga mismo ang sumulat,” pagpapatuloy ni Annabelle.

Kasi naman, nakaaway daw niya ito more than two decades ago nang ipagtanggol niya ang anak niyang si Ruffa Gutierrez. Umabot pa nga raw sila sa demandahan.

“Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil  naman sa pag tatanggol  ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita,” pagbabahagi niya.

“Last year, tine text ko sya ng ilang beses kasi ang mag asawa naman ni Manny at Jink[ee] Pacquiao ang kanyang inaaway at di maganda ang mga sinasabi niya. Pinagtatanggol ko naman ang mag asawa. Di nya ako sinagot sa mga  text ko, kaya di ko na siya kinulit,” she went on.

However, natunaw daw ang galit n’ya rito nang ipagtanggol niya nito sa mga bashers ngayong siya ang pinalalabas na kontrabida sa sinasabing hiwalayan nina Richard Guttierez at Sarah Lahbati.

Ipinagtanggol niya kasi sa isang interview si Richard kaya naman agad na ipinalabas ng kanyang mga kritiko na mahadera siyang mother-in-law.

Iyon daw ang naunawaan ng tinutukoy niyang reporter dahil isa rin itong ina.

“This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan,” lahad ni Annabelle.

Kasunod nito ay ang paghingi niya ng tawad sa mga nasabi niya rito noon.

“I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo,” pahayag niya.

Sa ngayon ay nagkausap na raw sila sa phone.

“At tinawagan ko  sya at nag kausap kami at nag pasalamat ako. At sabi pa nga nya regards kay tito Eddie [Gutierrez]. Tamang tama na magkatabi kami ni Eddie sa upuan, at ipinasa ko kay Eddie ang telepono at nag usap sila,” salaysay pa niya.

However, muli raw niya itong natalakan nang very light dahil sa inakala nitong may sakit ang kanyang mister.

“Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya, ‘Tito Eddie, mag pa galing ka.’ [I]nagaw ko ang telepono at sabi ko , ‘[M]alakas na malakas ang asawa ko. Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah. That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking , he is enjoying the company of his grandchildren,'” pagtutuwid umano niya rito.

Pagre-reveal pa niya, “Ang tinutukoy ko ay ang isang Cristy Fermin.”

Nag-iwan din siya ng pasasalamat dito.

“Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin. Merry Christmas and Peace Be With You. [Three red heart emojis],” pagtatapos ni Annabelle.