Chito Miranda strongly defends wife Neri Naig against any accusations of wrongdoings: “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito… kawawa naman yung asawa ko. Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Dinepensahan ni Chito Miranda ang asawang si Neri Naig laban sa mga ibinabatong akusasyon dito.
Ito ay sa gitna ng balitang inaresto ang dating aktres dahil sa patung-patong na kaso: 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.
Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Miyerkules ng gabi, November 27, 2024, ipinagtanggol ni Chito si Neri.
Nanindigan ang singer na walang nilokong tao ang kanyang asawa. Ang tanging kasalanan lamang daw nito ay ang pagiging matulungin.
Saad ni Chito: “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko
“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.
“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.
“Alam ng lahat yan.
“Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.”
Dagdag niya, “Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.
“Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.
“Pinapa sa Diyos nya na lang.”
CHITO HINTS AT REASON FOR NERI’S ARREST
Nagpahiwatig si Chito na ang mga kasong kinahaharap ni Neri ay may kinalaman sa pagiging endorser nito ng isang produkto.
Direktang pinangalanan ng singer ang produkto, kumpanya, at taong nanggamit diumano kay Neri.
Ayon pa kay Chito, wala silang natanggap na anumang abiso at subpoena para sa kinahaharap na mga kaso ni Neri. Bigla na lamang daw inaresto ang kanyang misis.
Katuwiran niya: “Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.
“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.
“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)
“Anyway, dinampot na lang sya bigla.
“(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)
“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.”
Himutok pa ni Chito, “Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
Kalakip ng post ni Chito ang larawan ni Neri na namamahagi ng food packs sa ilang kabataan.
Photo/s: Courtesy: Facebook
CHITO’S POST CONFIRMS ARREST OF WIFE NERI NAIG
Sa post ni Chito, kinumpirma nitong nakakulong ngayon si Neri.
Tugma ito sa anunsiyo ng Southern Police District (SPD) na naglabas na ang Pasay Regional Trial Court ng commitment order laban sa inaresto nilang aktres at negosyante na pinangalanan nilang “alias Erin.”
Ayon sa post ng pulisya, nangyari ang pag-aresto kay “alias Erin” sa basement ng isang convention center sa Pasay City noong Sabado, November 23.
Kabilang sa mga kinakaharap na kaso ng naaresto ay 14 counts of violation of Securities Regulation Code, hiwalay na kasong estafa, at syndicated estafa.
Umabot sa P1.7-M ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa at estafa.
Bago pa siya tawaging “alias Erin”, tinawag muna siyang “alias Neri.”
Ngayong Miyerkules, November 27, inilabas din ng SPD ang actual video ng pag-aresto kay “alias Erin” kung saan makikitang binasahan ang akusado ng kanyang Miranda Rights doctrine.
Nagbahagi naman ang ilang netizens ng kanilang kuru-kuro kung akma pa bang tawaging “Wais na Misis” si Neri matapos itong maaresto.