SHOCK: Netizens are surprised by the amount of money Karla Estrada owes Kathryn's family... - News

SHOCK: Netizens are surprised by the amount of mon...

SHOCK: Netizens are surprised by the amount of money Karla Estrada owes Kathryn’s family…

Karla Estrada, may utang sa pamilya ni Kathryn?

Tila lumalawak pa nang lumalawak ang mga umano’y kuwento matapos ang paghihiwalay nina Kapamilya stars Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Karla Estrada, may malaking utang diumano sa pamilya ni Kathryn Bernardo -  Daily Chismis : u/dailychismisdotcom

Matatandaang tuluyan nang binasag nina Kapamilya stars Kathryn at Daniel ang umugong na balita tungkol sa kanilang hiwalayan matapos nila itong kumpirmahin sa pamamagitan ng post sa kani-kanilang Instagram account.

 

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Biyernes, Disyembre 8, ibinahagi ni showbiz columnist Cristy Fermin ang pinagpipiyestahan daw ngayon ang kuwento tungkol kay Karla Estrada at sa pamilya ni Kathryn.

 

“May lumutang na kuwento na diumano may utang itong si Karla Estrada sa pamilya ni Kathryn Bernado,” ani Cristy.

 

Tila hindi naman makapaniwala ang co-host niyang si Wendell Alvarez sa isiniwalat niyang ito tungkol kay Karla.

 

“Diyos ko, bakit naman uutangan niya ang pamilya ni Kathryn…’di pa naman magkasama sa isang bahay,” saad ni Wendell.

 

Dagdag pa ng showbiz columnist: “Lumaki nang lumaki ang mga kuwento. Hanggang sa kumakalat na rin ngayon na diumano may mga inuutangang kaibigan si Karla Estrada. 2 milyon, 3 milyon. Kaya sabi ng iba, ‘ay, kaya siguro nangungutang ‘to sa iba parab pambayad sa pamilya ni Kathryn’.”

 

Kataka-taka rin umano na sa kabila raw ng malaking kinikita ni Daniel sa showbiz industry ay nagagawa pa ring umutang ni Karla.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon si Karla hinggil dito.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…