Shock: Kathryn Bernardo Caught in Rumors of Tensions with Alden Richards and Jericho Rosales – Behind the Scenes Explodes/hi


Kathryn Bernardo, nililigawan na raw ni Alden Richards at Jericho Rosales?

Kinumpirma na ng ating mima na si Ogie Diaz ang usap-usapang panliligaw nina Alden Richards at Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo!

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, na-share niya ang scoop na ito na galing daw sa kampo ni Kathryn. Sinabi ni Ogie na makikita naman daw sa galawan ni Alden na nanliligaw na ito kay Kathryn. Kumbaga, “What you see is what you get,” sabi ni Ogie.

Dagdag pa niya, nagugustuhan daw ng pamilya ni Kathryn si Alden dahil lahat daw ng gusto nila sa isang lalaki ay pino-possess niya.

“Si Alden ay isang negosyante, financially stable, responsable, kaya natutuwa kay Alden ang pamilya ni Kathryn,” pagsasaad ni Ogie sa kanyang vlog. Nakakakilig, YesPren!

Naichika rin ni Ogie na nanliligaw rin daw ang isa pang beteranong aktor, ang ating Asian Drama King na si Jericho Rosales! Grabe ka na, Kathryn! Magtali ka nga ng buhok, naaapakan na namin dito sa Pasay sa sobrang haba! HAHAHA!

Kayo ba, YesPren? Kung nasa sapatos kayo ni Kathryn, sinong pipiliin niyo? Ang hirap, ‘di ba? HAHAHA! P’wede bang both? EMIH! HAHAHA!

Kathryn Bernardo, nililigawan na raw ni Alden Richards at Jericho Rosales?

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News