Hindi matapos-tapos at hindi mawala-wala ang espekulasyon ng mga netizen sa tunay na lagay ng relasyon ngayon ng mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce, na ilang linggo na ring pinag-iisipang “on the rocks” na raw dahil sa matagal na pananahimik ng tinaguriang “real-life Darna” sa social media.
Marami rin ang naghanap kay Angel sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa noong Oktubre, lalo’t kilalang mabilis at umaaksiyon kaagad ang aktres sa paghahatid ng tulong sa mga biktima.
Sa isang panayam, sinabi ni Dimples Romana na isa sa malalapit na kaibigan ni Angel na deserved naman ng kaibigan ang kaniyang pananahimik o hiatus sa social media. Ayon pa sa aktres, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel at mister na si Neil, at maayos naman daw ang relasyon ng dalawa.

“Pero alam mo naman tayong mga tao, of course we have moments na you know, we want to… paano ba, ako kasi mayroon akong mga moments na ganiyan eh. Sa pamilya ko parang I just want to focus on my family first, on my loved ones and I think Gel super earned that kind of kasi we’ve seen her and she has not stop working ever since,” paliwanag ni Dimples sa sa press conference ng “The Iron Heart” noong Nobyembre 5, 2022, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez, na dating katambal ni Angel noong nasa GMA Network pa sila.
Nagkita sila ni Angel ilang buwan na ang nakalilipas dahil malapit umano sa area ng bahay nina Angel ang paaralang pinapasukan ng anak niyang si Alonso.
“Ibigay na natin yung privacy na iyon,” giit pa ni Dimples.
Samantala, sinagot na rin ng showbiz columnist-showbiz vlogger na si Ogie Diaz ang tungkol dito sa kaniyang “Ogie Diaz Showbiz Update” noong Nobyembre 5.
Iginiit ni Ogie na pinili na muna ni Angel na manahimik sa social media at magpokus sa kaniyang pamilya, lalo’t inaalagaan din nito ang amang si Angel Colmenares na 94 taong gulang na.
Hindi rin umano totoo ang tsikang hiwalay na sila ni Neil, na buntis na ito, at lulundag na sa ibang TV network.

Nitong Nobyembre 16, muli na namang nakalkal ang isyung ito nang kumalat ang mga blind item sa isang aktres na umano’y nakabuntis ang mister ng ibang babae.
Umigting pa ito sa blind item ng tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites” na si Xian Gaza. Binigyan niya ng inisyal na “A.L.” ang kaniyang blind item, bagama’t wala naman siyang tinukoy kung celebrity ba ito o kung saang larangan ito nabibilang. Naging mabilis naman ang mga netizen sa panghuhula at name dropping na baka ang tinutukoy umano ni Gaza ay si Angel Locsin.
Lalo pang “namula ang hasang” ng mga Marites nang ibahagi ng social media personality ang litrato ng mag-asawa, at ng aktres na si Maxene Magalona.
Kani-kaniyang hula tuloy ang mga netizen kung bakit ginawa ito ni Gaza.
As of today, Nobyembre 17, burado na ang blind item at cryptic post ni Gaza tungkol dito.
Sa November 16 episode naman ng “Cristy Ferminute” ay natalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang kumakalat na tsismis patungkol kina Angel, Neil, at Maxene.
“Ito na po ‘yung isang isyu na nagsimula lamang sa pagiging tahimik,” ani Cristy, na ang tinutukoy ay ang showbiz at social media hiatus ni Angel.

“Opo, Nanay. Ang nakakapagtaka, lumalabas pa ‘yung mga picture nila dati, ni Maxene at saka ni Neil kaya parang ano ba ‘to? Bakit kinakailangang humalukay ng mga kuwentong nagdaan na, na inilalagay sa ngayong mga kuwento,” segunda naman ni Romel Chika.
“Pero tama ka, hinahalukay pati ‘yung nakaraan. Pati ‘yung diumano ay nagdalantao si Maxene, di ba?”
“Hay naku, hindi po natin alam ‘yung mga vlogs na naglalabas ngayon ng ganitong mga balita. Hintayin po muna natin na magsalita ang mag-asawa para magkaroon po ng saysay at linaw ang kuwentong ito,” nasabi na lamang ng showbiz columnist.
Hanggang ngayon, hindi pa rin binabasag nina Angel, Neil, at Maxene ang kani-kanilang katahimikan tungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita Online sa kanilang panig.
News
Lawyers claim Duterte’s side bullied witnesses at ICC into recanting… WHAT IS THE TRUTH? (an)
Lawyers claim Duterte’s side bullied witnesses at ICC into recanting… WHAT IS THE TRUTH? Attorneys say tactic from former Philippine president’s supporters will backfire Lawyers representing potential witnesses in the International Criminal Court case against former Philippine President Rodrigo Duterte…
Napaluha si BIMBY sa harap ng press! malakas na pagbubunyag tungkol kay KRIS AQUINO, nakakagulat na netizens… (an)
Napaluha si BIMBY sa harap ng press! malakas na pagbubunyag tungkol kay KRIS AQUINO, nakakagulat na netizens… Kris Aquino’s only son, Bimby, shocked the public when he suddenly appeared before the media and shared about his mother’s health condition. Over…
Val Sotto’s 80th Birthday Surprise: A Celebration of Family, Love, and Legacy (an)
Val Sotto, the esteemed patriarch of the Sotto family, recently celebrated an incredible milestone: his 80th birthday. This heartwarming occasion was made even more special by a surprise gathering organized by his children – Vic Sotto, Maru Sotto, and Tito…
Dina Bonnevie WILL NOT LET THE FRAUD DONE BY Kristine Hermosa, her son Oyo Boy! (an)
In a shocking and dramatic turn of events, actress Dina Bonnevie has publicly stated that she will not allow Kristine Hermosa’s son, Oyo Boy, to get away with the alleged deceitful actions that have recently surfaced. The tension between Dina…
Coco Martin Speaks Out About Julia Montes’ Pregnancy: The Full Story Revealed (an)
In an unexpected and highly anticipated turn of events, actor Coco Martin has finally addressed the rumors surrounding his rumored partner Julia Montes’ pregnancy. The news, which has been circulating for weeks, took the public by storm, especially since the…
Dina Bonnevie Will Not Let Kristine Hermosa’s Son Oyo Boy Get Away with Deception! (an)
In a shocking and dramatic turn of events, actress Dina Bonnevie has publicly stated that she will not allow Kristine Hermosa’s son, Oyo Boy, to get away with the alleged deceitful actions that have recently surfaced. The tension between Dina…
End of content
No more pages to load