Aktor, dinala sa bahay at ipinakilala na… PAULO, OKS NA RAW SA PAMILYA NI  KIM

Mukhang pasado na si Paulo Avelino sa pamilya ni Kim Chiu.

Kumalat na dumalaw na ang aktor sa bahay ng Chinita Princess at naipakilala na ni Kim sa kanyang magulang at mga kapatid.

Maayos nilang tinanggap si Paulo at walang kumontra sa kanyang panunuyo kay Kim. Hindi na rin sila magtataka kung mauuwi sa magandang relasyon ang lahat.

Pero, may ilang grupo ng mga fans ni Kim Chiu ang hindi pa rin kumbinsido sa ipinapakitang kabaitan ni Paulo Avelino sa kanya. Duda sila kung seryoso ba ang aktor sa panliligaw kay Kim. Hindi kaya sinasamantala lang niya ang pagiging brokenhearted ng Chinita Princess? 

Kabe-break lang din ni Paulo kay Janine Gutierrez. Bakit kailangang manligaw siya agad kay Kim, gayung hindi pa nakaka-move on ang aktres sa paghihiwalay nila ni Xian Lim? 

Sara man lang ay pinalipas muna ni Paulo ang ilang buwan hanggang sa emotionally ready na uli si Kim upang magmahal.

Mas maganda kung manatili muna silang magkaibigan ni Kim upang hindi pagdudahan ang kanyang tunay na intensiyon..