Kim Chiu on ‘sampal’ scene with Maricel Soriano in ‘Linlang’: “Bucket list, check!”

Kim on the Diamond Star: “Ang galing katrabaho ang isang Maricel Soriano!”

Kim Chiu
Maricel Sori
Kim Chiu (right) ticks off one item from her bucket list as she finally fulfills her very memorable ‘sampal’ scene with Linlang co-star Maricel Soriano (left): “Yun ang abangan ninyo, isa yun sa mga eksenang dapat niyong panoorin.”

Kasama sa ABS-CBN teleserye na Linlang ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, at panay ang papuri ni Kim Chiu sa husay at galing makisama ng beteranang aktres.

Pagmamalaki niya, “Very generous si Inay, dami niyang binibigay sa amin lalo na ako kasi magkapaa kami, so ang daming sapatos na mamahalin na galing kay Inay.

“Tapos, ang dami niyang pagkain sa kuwarto niya, so pupunta lang kami dun tapos magkukuwentuhan lang kami and chikahan, ganun. Pero pag eksena na, yun na yun.

“Kinakabahan na ako, ninenerbiyos ako kapag magkaeksena na kami ni Inay. Siyempre ang dami nang nagawang mga projects at kaeksena si Inay, baka yung sampal niya hardcore.

“Actually, nangyari na, yung pangarap kong masampal niya. Bucket list, check!

“Yun ang abangan ninyo, isa yun sa mga eksenang dapat niyong panoorin. Pero sobra akong nagpapasalamat na nakatrabaho ko si Inay, habang ginagawa ko yung eksena na yun kinakabahan ako, pero sa eksena na yun mas kinabahan ako para sa role ni Juliana.

“Ang galing, ang galing katrabaho ang isang Maricel Soriano! Ang tagal-tagal na niya sa industriya pero napaka-down to earth, very accommodating to help yung mga artistang katulad namin.”

KIM SHARES LOVE ADVICE

Naniniwala si Kim Chiu na lahat ng tao ay naranasan na kung paano malinlang lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig.

Ayon nga sa Kapamilya actress, lahat ng nagmamahal ay minsang nagiging bulag at nakakalimot kung ano ang tama at mali.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa nakaraang media conference cum special screening ng Linlang na ginanap sa Cinema 76 sa T. Morato Ave. noong nakaraang October 2.

“Alam niyo, pag nagmahal naman kayo, di niyo alam yun kung tama o mali, pag puso ang pinaiiral niyo, di naman siya magsasabi sa inyo na tama yan, mali yan.

“Hangga’t nararamdaman mo na di ka na nirerespeto, ibig sabihin gamitin mo na ang isip mo.

“Dapat alam mo yung self-worth mo. Lahat tayo nalilinlang. Imposibleng may isa sa inyo na di nalinlang. Baunin na lang natin yun na aral sa buhay natin.

“Nangyayari naman talaga sa buhay yan. Lahat naman ng nangyari sa buhay natin di naman basta nangyari na lang. It happened with a purpose.

“As long as you learned your lesson or you learned something from that experience, magiging matagumpay ka na and ikaw ang winner when you are the bigger person.”

KIM SHARES HER TAKEAWAY FROM LINLANG ROLE

Tinanong namin si Kim tungkol sa pagganap niya sa naturang role niya bilang si Juliana sa 14-episode na serye. Mas naiintindihan na ba niya ang mga babaeng nanloko o nangaliwa sa isang relasyon dahil ditto?

“Ang babae naman, ang gusto lang niya sa buhay ay atensyon, pagmamahal, oras, and security.

“Yun lang naman ang importante na maramdaman ng isang partner, ng isang wife. Pag nagkulang, maaaring makagawa siya ng mga bagay na di niya gusto, pero puwedeng mahanap niya ang kaligayahan niya sa ibang bagay. It’s just a matter of choice and decision.