BREAKING NEWS: Matet de Leon responds to her critics after venting her anger on her mother Nora Aunor over this one thing..

Matet de Leon sinagot ang mga bashers matapos magbuhos ng sama ng loob laban sa inang si Nora Aunor

Palaban pa rin ang mensahe ni Matet de Leon laban sa kaniyang mga basher. Ito ay matapos punahin niya ang sariling ina na si Nora Aunor dahil sa bago nitong gourmet tuyo business. Basahin ang buong kuwento DITO.

Buong sigaw na ipinagmalalaki ng versatile actress na si Matet de Leon na isa siyang ampon sa post niya sa social media.

Inulan ng batikos ang Bunsong Kerubin star, matapos siyang maglabas ng sama ng loob tungkol sa kaniyang ina na si Superstar Nora Aunor. Nalaman kasi ng aktres na ang kaniyang ina ay maglalabas ng mga produkto na kapareho ng mga produkto ng kaniyang food busiesss na Casita Estrada.

Sa Instagram post ni Matet nitong December 7, sinabi nito na ngayon lang siya nagkaroon ng mga haters sa social media.

“Napapanahong advice para sa lahat.. Nababasa ko mga messages of concern ninyo at gusto ko mag thank you!!!”

“Ngayon lang ako nagka-haters ng may social media na hahaha Nakakadagdag lang ‘yun sa sakit at di ko bet na nawawala ‘yung punto ko dahil sa kabulagan ng marami.

“Marami pa kayong hindi alam.. But anyway, wala naman akong pake. So paki intindi na lang mga gusto ko talagang sabihin dito sa video na to. Have a nice day yall!”

Matet

Source: misismatet (IG)

Matet de Leon

Matet’s name will always be connected with ex-couple Christopher de Leon and Nora Aunor, who adopted her

Sa sumunod naman niyang post sa Instagram Story, Biyernes (December 9), sinabi ni Matet na mula ngayon magfo-focus na lamang muna siya sa kaniyang pamilya at negosyo.

“Starting today, I will be focusing on my family, my business and the people who deserve my love and friendship. Again, thank you for all your love and support.

Pahabol pa niyang hirit, “Itaas ang bandera ng mga ampon! LABAAAAAAAAN!”

Adopted child ng seasoned actors na sina Nora at Christopher “Boyet” de Leon si Matet, pati rin ang mga anak nilang sina Lotlot de Leon, Kenneth, at Kiko.

Meron din biological son ang dating mag-asawa na si Ian de Leon.

Ikinasal sina Nora at Boyet taong 1975 at na-annul ang kanilang marriage noong 1996.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News