HOT: Nagulat ang fans nang humingi ng permiso kay Luis si Jessy Mendiola na gumawa ng mga emosyonal na eksena kasama si Gerald…

Jessy Mendiola asked Luis if she can do romantic scenes with Gerald

Jessy says Luis and mother-in-law Vilma are excited with her showbiz comeback.
Jessy Mendiola and Gerald Anderson in NobodyJessy Mendiola (left) on her conversation with Luis Manzano about her upcoming teamup with Gerald Anderson (right) “Sabi ko, ‘Love, okay lang ba na may mga romantic scenes? Howhow siyempre hindi naman natural yun kung hindi kayo sweet sa isa’t isa, di ba?’ Sabi niya, ‘Ano ka ba, Love? Wala sa akin yun. Sanay na sanay nga ako kay Momski.'”

Hindi pa nagsisimula si Jessy Mendiola mag-taping ng Nobody, ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Binubuo pa raw ang cast pati na ang mismong kuwento nito.

August 24, 2024 nang unang inanunsiyo ng ABS-CBN ang tungkol sa serye.

July 2, 2024 nang pumirma si Jessy ng bagong kontrata sa ABS-CBN at Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Channel.

Nitong Nobyembre inanunsiyo na si Jessy ang leading lady ni Gerald sa show.

Lahad ni Jessy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): “Preparations pa lang. Look test. Yung pitching, of course, nauna yun. Tapos nag-uusap pa rin kami.

“Marami pang changes sa story, e, saka sa roles. Nagdadagdag sila ng casting. Kumbaga, inaayos pa.

“So, ang sure pa lang talaga ngayon is kami ni Gerald.”

Ito ang hudyat ng pagbabalik-teleserye ni Jessy na limang taong hindi aktibo sa showbiz.

Aniya, “Mother role siya, e. ‘Tsaka, may asawa, e. Similar sa totoong buhay ko.

“And sana mabigyang justice ko yung role kasi ang tagal ko’ng hinintay ‘to.”

Aprubado raw ni Luis na gumanap si Jessy na misis ni Gerald.

Paalam ni Jessy kay Luis, “Love, okay lang ba na may mga romantic scenes? Howhow, siyempre hindi naman natural yun kung hindi kayo sweet sa isa’t isa, di ba?”

Howhow ang term of endearment ni Jessy kay Luis.

Sagot daw ni Luis kay Jessy, “Ano ka ba, Love? Wala sa akin yun. Sanay na sanay nga ako kay Momski.”

Ang tinutukoy ni Luis na “Momski” ay ang ina nitong si Vilma Santos.

Paliwanag ni Jessy, “Kasi, di ba, si Momski din nung dating panahon, nung bagets pa si Luis? Alam na niya yun.

“Sabi niya, ‘Naiintindihan ko yan. It’s part of our job.’ Ayun.”

Supportive husband daw si Luis.

“Yes, ganoon naman talaga, di ba?” napangiting saad ni Jessy.

“It works both ways. It takes two to tango, di ba, sabi nila?

“So, for me, I’m grateful that he’s also very supportive sa akin.”

JESSY MENDIOLA ON MANAGING HER SCHEDULE

Bukod kay Luis, nagpaalam din si Jessy sa anak na si Rosie nang magdesisyon siyang mag-showbiz ulit.

“Well, wala pa siya sa ganoon na naiintindihan niya yung daily yung work.

“Ang naiintindihan lang niya pag day-to-day basis. Like, kunwari, lalabas ako ng house, nagpapaalam ako sa kanya.

“Sasabihin ko sa kanya, ‘Mama’s gonna go out for a while. I’ll be back, okay? I’ll read you books later. I’ll put you to sleep.’ So, ‘Okay, Mama.’ May ganoon na siya ngayon.”

Nakakaintindi na raw si Rosie kapag kailangan niyang maiwan ito sa bahay.

Lahad ni Jessy: “Kasi dati tumatakas kami. Kapag nakikita niya kami palabas ng door? Hay, nagwawala. Talagang umiiyak talaga.

“So, sabi ko, kailangan talaga kausapin nang mabuti para mas magkaintindihan.

And I think it helps doon sa progress nung bata when you talk to them. You get their attention.

“Hindi naman yung kakausapin na parang matanda na sila. Pero mas nagiging developed sila kapag kinakausap mo sila with purpose and intention.”

Sa oras na magsimulang mag-taping si Jessy, aminado siyang mas matagal siyang mahihiwalay sa anak.

“Actually, hindi pa nga ako ready hanggang ngayon. Parang ngayon na siya nagkakamalay. Alam mo yun? Yung sumasagot na siya ngayon.”

May kasunduan naman daw si Jessy sa ABS-CBN pagdating sa kanyang schedule sa trabaho.

“Yun nga, e, yung sobrang thankful ako sa ABS, sa Star Magic family ko. Kasi sobrang understanding nila, patient sila pagdating sa akin, sa schedule ko.

“Tapos sinasabi ko, ‘Naku, hindi ko talaga kaya yun.’ Kasi, di ba, usually ang ginagawa nila magkasabay ang movie and teleserye? Muntik nang mangyari yun.

“Pero sinabi ko na, ‘Hindi ko po talaga kaya yung sabay.’ Kasi it means every day ka magtatrabaho. Wala ka talagang time in between.

“So, sabi ko, ‘I have to be there for my daughter, also of course, for Luis.’ Tapos sabi ko, time management talaga.

“So sabi nila, ‘Oo, sige, sige. Ayusin natin yan.’ So now, talagang inayos na nila ang schedule for the soap and yung sa personal schedule ko rin.”

Ngayong may asawa at anak na siya, bahagi na raw iyon ng kunsiderasyon niya sa pagpili ng proyekto.

“Actually, yes. Even when it comes to clothes, I’m used to wearing sexier na clothes. But now, mas nag-tone down na coz I know naman din I’m a mom now.

“So, nandun na rin yung and clothes and change when it comes to shows and roles. Actually, mas gusto kong mas mature na rin.”

Gusto raw ni Jessy mag-level up pagdating sa pag-arte.

Kuwento niya tungkol sa pag-uusap nila ng manager niya na si Allan Real ng Star Magic: “And sabi ko nga sa manager ko, si Kuya A sa Star Magic, I’m okay to do out-of-the-box roles. Yung mga hindi ko pa nagagawa before.

“Kumbaga, wala na tayo doon sa kailangan ko pang makisabay sa mga… Ako naman, hindi ko nakita ang sarili ko as superstar, di ba? Hindi ko naman nakita ang sarili ko na ganoon.

“Pero, parang ngayon, gusto kong mag-try ng different roles. Daring in the sense na yung personality hindi siya close.

“More on, like, yung palaban na mommy, ganyan. Kasi napansin ko nung nanganak ako, mas naging palaban ako, e.

“Pag nagkakaanak ka na talaga na parang may umapi-api sa anak ko, aawayin ko talaga yan. Wala akong sasantuhin, ganoon.

“Basta yung mga ganoong role sana. Yung very different from what I’ve done before.”

Nagpapasalamat daw talaga si Jessy sa oportunidad na ipinagkakatiwala uli sa kanya ng home network.

“And napagdaanan ko na rin yung paulit-ulit na akong binigyan ng chance ng ABS-CBN, di ba, maging leading lady.

“So, bow that they’re giving me new projects, leading lady pa rin, actually. Sabi ko, ‘Sure po ba talaga kayo?’ ‘Oo, kaya mo. Kaya mo yan.’ Ayun.”

ON GETTING ADVICE FROM VILMA SANTOS

Hindi ba siya humingi ng tips sa kanyang mother-in-law na si Vilma Santos?

“Humihingi ako ng tips, ha,” sweet na sagot ni Jessy.

“Sabi ko pangmalakasan talaga, dapat may tips kay Momski.”

Suportado raw ng mother-in-law ni Jessy ang kanyang showbiz comeback.

“Yes naman. A few weeks ago, we were walking around the garden tapos we were talking about her movie.

“Tapos pinag-uusapan naming parehas, kasi parehas kaming may project ngayon.

“Sabi ko, ‘O, Momski, kumusta ka na po doon sa movie mo? I know how tired you are. Are you having fun?’ Sabi niya, ‘I’m having so much fun. Na-miss ko talaga yung ganito.'”

Ang tinutukoy ni Jessy na proyekto ni Vilma ay ang 2024 Metro Manila Film Festival entry na Uninvited, kunsaan kasama ni Vilma sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.

“Sobrang iba ang role niya, kaya I think super excited siya, and halata naman.

“Kasi pag may shoot siya, tatawag talaga siya sa akin. Magbi-video call sila ni Rosie. Talagang, ‘Hi! I’m here! I’m on the set,’ ganoon.

“So, makikita mo talaga na she’s happy with what she’s doing.”

Kinukumusta rin daw siya ni Vilma sa kanyang trabaho.

Patuloy ni Jessy: “Tapos siya naman sa akin, ‘O kumusta ka na sa soap mo? Tingin nga nung look test niyo.’

“Tapos tiningnan niya yung mga pictures. Tapos sabi niya, ‘Ang bata mo tingnan dito, ha. Kailangan mo pang magpa-mature nang konti.’

“Kasi mother role. Sabi ko, ‘Oo nga po, Momski, e. I think it’s the hair.’ May mga ganoon kaming usapan.”

Sa tingin ni Jessy, kinalawang ang acting skills niya sa five years na hindi siya umarte sa harap ng kamera?

Pag-amin ni Jessy, “Hay naku! Hanggang ngayon feeling ko nangangalawang pa rin ako.

“Sabi ko, mas tuod pa ako sa kahoy umarte, e. Pero natutuwa sila sa akin. Kasi alam nila na kinakabahan ako.

“And sabi nila, ‘That’s a good sign kasi it means na hindi ka kampante. You are on your toes and you are willing to learn and to improve. And to relearn a few things.’

“So, yes. Exciting naman siya. And, nakakatawa.”

Extra effort daw si Jessy para pag-aralan ang kanyang role.

“Talagang magbabasa ako nang paulit-ulit ng script. Kasi kapag nanganak ka, ang dami mong nalilimutan. Nag-vitamins ba ako kaninang umaga? Uulitin ko na naman sa gabi.”

Masasabi kaya niya that she’s a better actress now?

“Parang sana naman walang pressure na ganoon!” natatawa sabay takip sa mukha niya ng hawak na red handbag.

“Pero I will try my best, para siguro kasi iba na rin ngayon. May mga hugot. Sana, sana ma-deliver ko ng maayos yun.”

ON HER ENDORSEMENT

Nakausap ng PEP si Jessy sa birthday celebration ng beauty expert na si Cathy Valencia, na ginanap sa Manila Polo Club sa Makati City noong November 16.

Thankful si Jessy kay Cathy Valencia sa pagkuha sa kanya bilang celebrity endorser ng Cathy Valencia Advanced Skin Clinic.

“Sobrang happy ako kasi talagang ang tagal ko na sa Cathy Valencia Advanced Skin Clinic.

“And si Ms. Cathy throughout the years nakilala ko na, and she’s so humble.

“Of course, she’s gorgeous alam naman nating lahat yun.”

Dagdag ni Jessy, “Ako, kapag kasama ko siya sobrang positive niya na tao.

“Inaalagaan ko ang sarili ko kasi tinuturuan din niya ako. Para ko na siyang Ate.

“Love na love ko si Ms Cathy. Four years na ako sa kanya,” pagtatapos ni Jessy

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News