SHOCK: Nag-post si Annabelle Rama ng ‘Evil Woman’ bilang pagtukoy kay Sarah Lahbati/th

Annabelle Rama’s ‘Devil Woman’ Allusion

Annabelle Rama: “Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kong babae na DEVIL WOMAN.”

Annabelle Rama new cryptic post about "devil woman"

Annabelle Rama takes a swipe at unnamed person: “Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN.”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

May bagong pasaring na naman si Annabelle Rama laban sa hindi niya pinangangalanang “devil woman.”

Para raw mahulaan ng mga “marites” (mga tsismosa) kung sino ang tinutukoy niya, nirerekomenda nitong panoorin ang Hollywood movie na Gone Girl, tampok sina Ben Affleck at Rosamund Pike, para mahulaan kung sino ang tinutukoy nitong “devil woman.”

Ang Gone Girl ay tungkol sa isang misis na pineke ang kanyang murder at nag-scheme para mapagbintangan ang mister niya sa krimen.

Buong post ni Annabelle: “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR.

“Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck. I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang December 8, may pasaring ang ama ni Sarah Lahbati sa isang taong hindi rin nito pinangalanan.

Sabi ni Abdel Lahbati: “Enjoying every moment with family.
The convoy keeps going and don’t mind dogs barking [flexed biceps emoji]”

Hula ng netizens, si Annabelle ang kanyang pinatatamaan.

Si Annabelle ang tila mismong nagkumpirma sa isang interview na may pinagdaraanan ngayon ang pagsasama ng anak na si Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah.

Pero karugtong nito, may pasaring pa ang celebrity mom na panay ang waldas ni Sarah ng pera habang ang anak niyang si Richard ay kayod nang kayod.

Sinabi rin ni Annabelle sa isang social media post na ayaw niyang maghiwalay ang dalawa dahil mahal niya ang kanyang mga apo.

Wala pang direktang sagot si Sarah dito.

Umiwas ring sumagot si Sarah sa tricky questions ng showbiz press noong story conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa, na ginanap noong Sabado, Disyembre 9, 2023.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News