Many celebrities send messages of support for Chito Miranda and wife Neri Naig Miranda after news broke out that the former actress was arrested and jailed.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Bumuhos ang suporta ng maraming celebrities kina Chito Miranda at Neri Naig Miranda matapos mag-post ang Parokya Ni Edgar singer tungkol sa pag-aresto sa kanyang asawa.
Inaresto ng Southern Police District (SPD) operatives si Neri habang dumadalo sa isang convention sa Pasay City noong November 23, 2024.
Kabilang sa mga isinampang kaso kay Neri ay 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.
Umabot sa PHP1.7-M ang buong piyansa para sa 14 counts of security regulations violation at non-bailable naman ang syndicated estafa at estafa.
CELEBS show SUPPORT FOR CHITO MIRANDA AND NERI NAIG
Matapos ang ilang araw na usap-usapan, binasag ni Chito ang kanyang katahimikan tungkol sa pagkaaresto sa asawa.
Sa pamamagitan ng Facebook at Instagram kahapon, November 27, 2024, ibinahagi ni Chito ang kanilang panig.
Sa kabuuan, sinabi ni Chito na biktima lamang si Neri dahil sa inendorso nitong beauty product na may problema sa investors.
Bahagi ng pahayag ng singer (published as is): “Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.
“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.
“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.
“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.”
Bigla na lamang daw dinampot si Neri at ngayon ay nakakulong na sa Pasay City Jail Female Dormitory.
Saad ni Chito, “Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.
“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”
Sa post ni Chito sa Instagram, kaagad nagpaabot ng suporta ang maraming celebrities.
Una sa nagkomento ay ang Hello, Love, Again actor na si Joross Gamboa.
Saad nito, “Malalagpasan ninyo ang pagsubok na eto in Jesus Name”
Mensahe ni Rita Avila, “Alam naming mabuting tao si Neri.”
Post ni Donnalyn Bartolome, “praying with you Kuya. This is so heartbreaking.”
Ayon naman kay Marissa Sanchez, “Grabe nmn!!! Praying for u Neng @mrsnerimiranda everyone knows ur heart! This too shall pass.”
Praying hands emojis naman ang komento ni Ogie Alcasid.
Gayundin ng iba pang celebrities na nakakakilala sa mag-asawa: