How much cash do Paris Olympics 2024 gold medalists get?
Some gold medalists are going to be multi-millionaires.
Carlos Yulo, who won two gold medals for the Philippines at the 2024 Paris Olympics, will receive a total of USD 449,100 or PHP 26,000,000 in cash. This amount includes three million pesos from the House of Representatives and three million pesos from the real estate company Megaworld. The other figures reflect the top countries with the highest cash incentives
Instant multi-millionaire ang atletang si Carlos Yulo, matapos niyang mapanalunan ang dalawang gold medals sa Paris Olympics 2024.
Bukod kasi sa milyun-milyong papremyo mula sa gobyerno ay makakamit din ng Pinoy gymnast ang ilan sa mga naglalakihang regalo mula sa iba’t ibang kumpanya sa bansa.
PHOTO/S: ONE SPORTS (YOUTUBE)
CARLOS YULO’S REWARDS FROM THE GOVERNMENT
Una ay ang reward mula sa pamahalaan.
Ayon sa Republic Act 10699 na naging batas noong 2015, mabibigyan ng 10 million pesos na incentive mula sa Philippine Sports Commission (PSC) ang sinumang atleta na makakapag-uuwi ng gold medal mula sa Olympics. Five million pesos naman ang makukuha ng silver medalist, at two million pesos para sa bronze medalist.
Ngayong weekend lamang napanalunan ni Carlos ang kanyang mga gintong medalya sa artistic gymnastics competition. Una, para sa men’s floor exercise event noong Sabado, August 3. Pangalawa naman ang ginto mula sa vault event noong Linggo, August 4.
Dahil nga sa dalawang gold medals, inaasahang mabibiyayaan si Carlos ng 20 million pesos.
Ito na ang magiging pinakalamaking cash reward na makukuha ng isang Olympic athlete mula sa PSC.
Matatandaang nabiyayaan si Hidilyn Diaz ng PHP15 million noong 2021 matapos maging kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist
Bakit PHP5 million? Dahil bukod sa automatic na PHP10 million ay dinagdagan ng PSC ng PHP5 million ang reward ng Filipina weightlifter.
Posible kayang mas higit pa sa 20 million pesos ang matanggap ni Carlos mula sa PSC? Abangan.
Bukod sa millions from PSC ay nag-pledge na rin ang House of Representatives ng three million pesos para sa Pinoy gymnast.
Pero dahil dalawang gold medals ang iuuwi niya, dinoble ang kanyang cash incentive at naging six million pesos.
Expected din na magbigay ng house and lot ang Philippine Olympic Committee.
CARLOS YULO’S REWARDS FROM COMPANIES
Sa private sector naman, nauna nang nag-announce ang real-estate company na Megaworld magbibigay ito ng isang fully-furnished three-bedroom condo unit worth 32 million pesos. May kasama itong six million pesos cash bonus.
May house and lot din na worth six million mula sa Century Group Properties.
Nag-pledge din ang isang roasted chicken brand ng 3 million pesos in cash para sa 24-year-old athlete.
Marami ring mga maliliit na rewards, tulad ng lifetime free meals sa mga restaurants, free stay sa mga hotels, spa and medical treatments, free gifts ,like eyewear and furniture, at marami pang iba.
Biro naman ni Vice Ganda, free entrance na si Carlos sa kanyang comedy club.
“May kasama pang nachos at bottomless iced tea,” sabi ng It’s Showtime host.
CASH REWARDS FOR MEDALISTS IN OTHER COUNTRIES
Kung tutuusin, malaki-laki talaga ang 10 million pesos reward ng isang gold medalist sa Pilipinas, lalo na kung ihahambing ito sa reward sa ibang mga bansa.
In today’s peso-to-dollar conversion rate, ito ay mahigit $173,000.
At press time, ito ay pang-top 10 sa mga pinakamalaking monetary rewards na natatanggap ng mga gold medalist mula sa kani-kanilang mga bansa for the Paris Olympics.
HONG KONG
Top 1 ang $768,000 (o PHP44,437,632 in Philippine pesos) na papremyo ng Hong Kong para sa dalawa nilang atleta na nanalo ng gold sa fencing at swimming.
TAIWAN
Top 2 naman ang tig-$610,000 (o PHP35,295,515 in Philippine pesos) na ibibigay ng Taiwan sa members ng Taiwanese team na nanalo ng gold sa men’s doubles badminton.
GEORGIA
Top 3 naman ang $323,000 (o PHP18,269,264) na ibabahagi ng Georgia sa gold medalist nito sa judo.
ISRAEL
Top 4 naman ang $275,000 (o PHP15,911,912) matatanggap ng Israeli windsurfers na sina Tom Reuveny at Sharon Kantor.
KAZAKHSTAN
Top 5 ang $250,000 (o PHP14,465,375) ng Kazakhstan.
AZERBAIJIAN
Top 6 ang $235,000(o PHP13,597,452) ng Azerbaijan.
SOUTH AFRICA
Top 7 ang $215,690 (o PHP12,440,222) ng South Africa.
UZBEKISTAN
Top 8 ang $200,000 (o PHP11,572,300) ng Uzbekistan.
ITALY
Top 9 and $196,000 (o PHP11,340,854) ng Italy.
FIRST-WORLD COUNTRIES
Narito naman ang gold medal rewards ng mga mayayamang bansa na sumasali sa Olympics:
$37,500 sa United States
$13,000 sa Australia
$22,000 sa Germany
$32,000 sa Japan
$43,000 sa South Korea
$44,000 sa Switzerland
$86,000 sa France
Wala namang binibigay na cash prize sa mga atletang mag-uuwi ng gold sa mga bansang Great Britain, New Zealand, Sweden, at Norway.
Samantala, hindi nagbigay ng impormasyon ang China kung magkano ang ibibigay nito sa 19 gold medalists ng giant country.
Mayroon ding mga bansa na malalaki ang cash prizes na ibibigay, ngunit wala pang nanalo ng gold medal sa Paris Olympics 2024.
Isa rito ang Singapore ng $737,000 (o PHP42,643,925), pero wala pang gold medalist ang Southeast Asian country at press time.
Kasama rin sa listahang ito ang Indonesia ($300,000), Malaysia ($216,000) at India ($210,000).
MORE GOLD FOR PHILIPPINES?
Sa ngayon, umaasa pa ang Filipino sports fans na hindi lang si Carlos ang makakapag-uwi ng gold sa 2024 Olympics.
Inaabangan kung makakasungkit ng ginto ang pole vaulter na si EJ Obiena.
Hinihintay na rin kung makakakuha ng ginto ang mga female boxers na sina Aira Villegas at Nesthy Petecio.