Christopher de Leon reveals shocking truth about how he turned his back on addiction: ‘How God left me?’/hi

Christopher de Leon on how he turned his back on his addiction

Christopher de Leon: “Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin.”
Christopher de LeonChristopher de Leon on how he almost lost everything because of addiction: “Sandy left me with the kids. I was crying with my face to the floor… I had to give up. I had to say, ‘God save mePuno ng pagpapakumbabang inalala ng beteranong aktor na si Christopher de Leon, 65, ang madilim na bahagi ng kanyang buhay.

Ito ay ang panahong nalulong siya sa masamang bisyo.

Una raw niya iyong naranasan noong napabarkada siya bago pa sumabak ng showbiz, at naulit nang magtamasa siya ng tagumpay at maalwang buhay bilang movie star.

Kuwento ng Lolong star sa YouTube vlog ni Amy Austria: “Naging too confident ako with myself. I started enjoying and being happy where I was.

“Nalululong ako sa masamang bisyo. I was taking all the drugs.

“Because of the fame, success, you have all the money…

“Susuweldo ka today, call up the boys, call up the gang, ‘Let’s paint the town red!’ Excessive ako sa ganun.”

Tingin niya ay yumabang daw siya.

“Nawala na ako. Kasi nawala na ang Diyos sa akin.

“Naniniwala ako na gagawin ko ‘to para magawa ko ‘yan. Gagawin ko ‘to, gagawin ko ‘yan para makarating ako dito.

“But nothing ever prospered during that time. Mangyayari pero it will fall in the end.”

Diin pa ni Christopher, “I crossed the line. Unfortunately, nalito na ako sa takbo ng buhay.”

THE TURNING POINT

Noong panahong iyon ay mag-asawa na sila ni Sandy Andolong, at dalawa pa lamang ang anak nila.

Ayon kay Christopher, mula sa pagiging “on top of the world” ay bumagsak siya nang makitang apektado pati ang kanyang pamilya.

Kuwento pa niya kay Amy: “Sandy left me with the kids. I was crying with my face to the floor.

I had to give up. I had to say, ‘God save me.’

“I was kneeling down. ‘God, help me. I want to stop. I can’t get out of this addiction.'”

Ayaw na raw niyang maulit ang nangyari sa kanyang first marriage na nauwi sa hiwalayan.

Ani Christopher: “God is an answering God. Pag galing talaga sa puso mo, pakikinggan ka.

“He’s a merciful God. He gives you all the chances in life. Not only second chance, but third or fourth chance.

“His faithfulness is new every morning. His mercies never end.”

Sandy Andolong and Christopher de Leon

CHRISTOPHER’S ANSWERED PRAYER

Ang pagbabalik-loob sa Diyos ni Christopher ang naging daan para makawala siya sa addiction at magkaayos silang mag-asawa.

“Bumalik na si Sandy. Sandy went to convent to pray not only for me, but to pray for what she is going through.

“Nothing is impossible with God,” saad pa ng beteranong aktor.

Sumailalim ang kanyang buong pamilya sa isang retreat, at naging hudyat daw iyon upang mas lumalim ang pananampalataya nila sa Diyos.

Sabi rin ni Christopher, ang pagbabasa ng Bibliya, na may gabay ng Holy Spirit, ang talagang nagpabago sa buhay niya.

Sina Christopher at Sandy ay may limang anak —sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.

Anak ni Christopher sa ex-wife na si Nora Aunor si Ian de Leon. Ang adopted kids nina Nora at Christopher ay sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News