Janice de Belen on being slapped by Maricel Soriano
Janice on being slapped by Maricel: “May pula talaga sa mukha.”
Janice de Belen (right) says Maricel Soriano (left) does not fake slapping scenes. Janice recounts that she was really hurt when she and Maricel starred in the 1988 movie, “Babaeng Hampaslupa” (insert).
PHOTO/S: YouTube (Maricel Soriano, Just Gelli)
Pinatotohanan ni Janice de Belen na walang daya at masakit manampal si Maricel Soriano pagdating sa eksena.
Nagbahagi si Janice ng kanyang karanasan kasama ang Diamond Star nang magkasama sila sa 1988 movie, Babaeng Hampaslupa.
Bumida rito sina Maricel, Janice, Rowell Santiango, at Richard Gomez.
“Nasubukan niyo na bang masampal ni Maricel Soriano?” sabi ng natatawang si Maricel sa Wala Pa Kaming Title vlog noong November 9, 2022.
Gumanap na magkapatid sina Maricel at Janice. Sa isang eksena, sinugod ni Maricel si Janice nang mabuntis siya ng character ni Rowell, na dating karelasyon ni Maricel.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“May eksena kami sa Babaeng Hampaslupa. Kami ni Rowell Santiago, galit siya [Maricel].
“So talagang, alam mo yung dalawa kayong nasampal sa isang sampal?” pagbabalik-tanaw ni Janice.
Sobrang nadala raw si Maricel sa eksena na ang sampal niya kay Janice ay umabot kay Rowell.
“Kasi galit na galit siya! Kapag sumampal pa naman si Maria… kasi kahit maliit siya, she’s very strong,” ani Janice.
“E, yung eksena niya galit na galit siya. So up na up yung energy niya.”
Hirit pa ni Janice, dalang-dala si Maricel sa eksena dahil nasaktan siya.
“Pero in fairness, wala kaming problema sa pag-iyak after noon kasi ang sakit.
“Pero may pula talaga sa mukha,” sundot ni Janice.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
NO TO FAKE SAMPALAN
Sa kabilang banda, ibinahagi rin ni Janice na hindi niya kayang dayain ang pagsampal sa mga eksena.
“Hindi ako marunong mandaya ng sampal, hindi talaga, promise,” kuwento ni Janice.
“Pag nananampal ako, ang unang-unang requirement ko, tinatanong ko muna. Di ko pala tinatanong, sinasabi ko, ‘Hindi ako marunong mandaya, tatamaan ka dito, okey ka ba?’”
Inuunahan na nga raw niya ang mag-sorry sa kaeksena bago pa sila mag-take.
“Lagi akong may, ‘Sorry na. Sorry kasi hindi ko alam kung anong klaseng sampal ang dadapo sa iyo.’
“Because of emotion, di ba? Hindi ko alam kung hindi masakit, kung masakit…”
Pag-amin ni Janice, “Marami na akong nasampal. Masakit akong manampal, apparently.”