Andi Eigenmann cryptic message after unfollowing Philmar Alipayo
Andi Eigenmann: “I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
Netizens stalk Andi Eigenmann and Philmar Alipayo’s Instagram accounts after noticing that the couple have unfollowed each other on Instagram.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang tila pag-unfollow nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa isa’t isa sa Instagram.
Sa account ni Andi, hindi na makikita sa following niya o mga taong pina-follow niya ang account na “chepoxz,” ang username ni Philmar sa IG.
Sa IG account naman ni Philmar, hindi na rin makita sa kanyang following ang username na “andieigengirl,” na handlename ni Andi.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
ANDI EIGENMANN’S CRYPTIC POST
Sa kanyang Instagram Story, may ilang cryptic posts si Andi.
Una na rito ang art card ng taong 2025 kung saan halata ang guhit na ahas.
Kasunod nito ang kaparehong larawan, pero may inilagay na maliliit na caption dito si Andi.
Nakasaad dito, “I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
Sa bandang ibaba, meron ding napakaliit na sulat: “ZODIAC: THE SNAKE”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
NETIZEN: “O BAT KA NANDITO?
Dahil dito, maraming netizens ang nakiusyoso sa bagong posts nina Andi at Philmar.
Nakiki-Marites ang mga ito kung may pinagdadaanan ba ang relasyon ng dalawa.
Sa post ni Philmar, nagbiruan ang ilang netizens.
Sabi ng isa, “O bat ka nandito?”
Tawang-tawa naman ang ibang nagsasabing makikitsismis lamang sila:
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Puro biruan din ang iba pa:
Komento ng iba, “Attendance check bago madisable ang comments” at “hoooyyy waiiit, hmmm what happened?”
Bito pa ng isa, “Andito ka because?”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Sa Instagram naman ni Andi, may nagsabing nag-unfollow-han nga ang dalawa.
Aniya, “Andi and husband no longer follows each other, plus andi’s intriguing stories”
Wala pang pahayag o bagong post ang dalawa ukol sa isyu.