Ai-Ai delas Alas reveals sightings of “cheater” and “mistress”
Is Ai-Ai delas Alas alluding to estranged husband Gerald Sibayan?
Ai-Ai delas Alas hints at dates and locations when estranged husband and his “Pilipina mistress” were spotted in California: “MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater (wow sweet), JUNE 2024 … malapit sa jollibee (malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress (wow sweet ulitIpinahiwatig ni Ai-Ai delas Alas na may third party sa hiwalayan nila ng estranged husband na si Gerald Sibayan at ang third party ay isa ring Pilipina.
Sa kanyang verified Facebook at Instagram account ngayong hapon ng Martes, January 21, 2025, nag-post si Ai-Ai ng isang makahulugang quote tugkol sa “cheater.”
Nakalagay dito: “NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT”
Sa caption, binanggit ni Ai-Ai ang mga petsa at lugar sa Amerika kung saan namataan umano ang “cheater” at ang “mistress” nitong “Pilipina.”
Ayon pa kay Ai-Ai, “puro filipino establishments” sa California ang mga lugar kung saan spotted ang mga hindi niya tinukoy na mga tao.
Sabi ng komedyana sa caption (published as is): “Hahaha ang Balita nga naman kahit akoy nana himik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA
“MARCH 2024 …. Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater ( wow sweet )
“JUNE 2024 … malapit sa jollibee ( malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress ( wow sweet ulit)
“Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT!( greatest of all time )”
Ang “Fremont” ay isang siyudad sa San Francisco, California.
AI-AI DELAS ALAS ANSWERS NETIZENS’ COMMENTS
Sa Instagram, paisa-isang sinagot ni Ai-Ai ang ilang komento ng netizens.
Wala ring pangalang binanggit ang netizens na nagkomento, ngunit mahihinuha, base sa clues na ibinigay nila, na ang tinutukoy nilang lahat ay ang estranged husband ni Ai-Ai na si Gerald Sibayan.
Ayon sa isa, dapat daw bawiin na ni Ai-Ai ang green card (GC) ng “cheater” para bumalik na ito sa Pilipinas.
Komento ng netizen (published as is): “pabalikin mo ng Pinas at bawiin ang GC tignan ntin kakapit pa ba c mistress kay cheater.. kakapal mglandi sa jumerika kala nmn walang mga Pinoy doon na din nkakakilala..”

Sa interview ni Ai-Ai sa Fast Talk With Boy Abunda noong November 11, 2024, mahinuhang kalmado ang komedyante at walang mga pagbabanta.
Klarong sinabi pa ng comedienne na hindi niya babawiin ang petisyon ni Gerald para magkaroon ito ng green card at maging legal ang paninirahan nito sa Amerika.Sabi naman ng isa pang netizen: “Next post yung screenshots naman, abangers kaming mga suporters mong marites”
Tugon ni Ai-Ai: “cute natawa ako .. abang abang lang tayo hehe”

Komento ng isa: “palakpakan bigyan nga jaket yarn”
Biro ni Ai-Ai: “hahahaha madaming jacket!!!”

Ayon naman sa isa pa: “Tagal k n p Ing niloloko ng mga hayop n yan.”
Sagot ni Ai-Ai: “kaya nga hero.. shook ako@”

AI-AI DELAS ALAS-GERALD SIBAYAN BREAKUP
Sa mismong ika-60 kaarawan ni Ai-Ai, November 11, 2024, kinumpirma ng Comedy Queen ang masalimuot na kinahantungan ng sampung taon nilang relasyon ni Gerald.
Nangyari ito nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda.
Ayon kay Ai-Ai, nakipaghiwalay sa kanya si Gerald via text message habang ito ay nasa Amerika at siya naman ay nasa Pilipinas.
Katuwiran umano ni Gerald, gusto niyang magkaroon ng anak at hindi na siya masaya sa piling ni Ai-Ai.
Mula noon, hindi na sila nagkita o nagkausap nang personal.
Nang matanong si Ai-Ai kung may third party, saad niya, “Aahhh, bilang asawa, di ba ang mga asawa malalakas ang [pakiramdam]? Ako, ramdam ko meron. Ramdam ko. Gut feel.
“Pero it doesn’t matter kung meron o wala. Kasi nung sinabi niya na firm na siya sa decision, wala na naman akong ilalaban, di ba?
“Kapag lumaban pa kasi ako, kunyari nag-stay ako, alam ko naman ang magiging ending. Yung dignity at self-worth ko, mawawala na yon.
“Nagtira naman ako kasi alam ko na mangyayari uli yon. Kasi nung 2019, nag-cheat na rin siya noon.”
Dagdag ni Ai-Ai, “So, parang may trust issues na ako. At siguro, isa yon sa minsan hindi ko alam na pagtalak ko sa kanya.
“O minsan, yung hindi naman mahigpit, pero yung tanong na, ‘Nasaan ka na? Sabi mo, 12 midnight nandito ka na.’”
Noong November 13, 2024, nagpasalamat si Ai-Ai sa suporta sa kanya ng mga netizens sa gitna ng kanyang pag-aming hiwalay na sila ni Gerald.
Sa pamamagitan ng Facebook, nag-thank you siya sa mga taong nagmamalasakit at nangangumusta sa kanya, kabilang na rito ang ilan sa malalapit na kaibigan at masusugid na tagahanga.
Ani Ai-Ai, malaking bagay sa kanyang pagmu-move on ang natatanggap niyang pagmamahal mula sa mga ito.
Mensahe niya, “Thanks to all of you who supported me. My friends and my fans are the real heroes of this story. I appreciate every one of you. Been reading all your posts and messages.”
Para hindi na mag-alala pa ang mga ito ay siniguro rin ng aktres na nasa mabuti siyang kalagayan, at naniniwala raw siyang kaya niyang malagpasan ang sakit at pangungulila na kanyang pinagdaraanan.
Saad ni Ai-Ai (published as is): “i will be fine. All these shall pass… God bless us all!”
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load