Searcher Christine cries in a video – It’s Showtime Vice Ganda allegedly made her look like a liar. (ch)

Photos: It’s Showtime

Christine na naging searcher ng Expecially For You umalma kay Vice Ganda
Ayon kay Christine pinagmukha umano siyang sinungaling kaya naman siya na ang binabatikos ngayon ng netizens

Viral ngayon ang video kung saan makikitang umiiyak ang searcher na si Christine habang may kausap sa cellphone ang hinihinalang staff ng “It’s Showtime.”

Maririnig sa video ang paghagulgol ni Christine habang kausap ang nasa cellphone.

Ayon sa kausap nito sa telepono, “Yung dalawang video na binura mo. Diba nung una sabi mo hindi ka na off?”

“Hindi po kasi inexplain ko naman lahat nakatatlong video nga po ako eh,” sagot ni Christine habang umiiyak.

“Kaya nga, nakatatlong video ka na paiba-iba yung statement mo,” sambit naman ng nasa kabilang linya.

“Hindi po iba-iba, paulit-ulit po. Ineexaggerate ko na nga po mam, mga tao nirereplyan ko na po sila kasi hindi po nila niintindihan yung point ko,” sagot ulit ni Christine habang umiiyak.

“Hindi talaga nila magegets yung point mo kasi ang trabaho kasi nila ay magbash,” sagot muli ng nasa kabilang linya.

“Maam kasi mas lalo n’yo po silang binigyan ng dahilan para ibash ako. Pinagmukha niyo akong sinungaling. Pano naman po ako? ” rekkamo ni Christine.

Hindi nga po kaya ng konsensya ko ang magsinungaling pero yung napanood ko (Pagbawi ni Vice ng apology) Isipin nyo naman po yung sitwasyon ko mam (umiiyak),” pahagugol na sagot ni Christine.

Ang usapang ito sa pagitan ni Christine ng hinihinalang staff ng It’s Showtime ay naganap matapos ng pag-anunsyo ni Vice hinggil sa pagbawi sa sinabing apology na ihahayag sana sa show para sa searchee na si Axe.

Ipinaliwanag ni Vice na hindi niya kailangang maglabas ng apology para kay Axel dahil ang totoo na-offend umano si Christine sa ginawa nitong pagbeso na walang paalam.

Nakatanggap ng marmaing pambabatikos si Christine mula sa mga netizens dahil sa pahayag na ito ni Vice. Tila ang lumalabas. nagsinungaling sa Christine sa una nitong pahayag na ‘hindi siya na-off sa ginawa ni Axel.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News