Nagbigay ng maikling pahayag ang aktor na si John Estrada ukol sa viral video niya kasama ang isang mystery woman.

Kumalat ang nasabing video sa Facebook kahapon, November 1, 2024.

Kaagad itong pinagpasa-pasahan at samu’t saring komento mula sa netizens ang kaagad ay naglitawan.

May mga agad-agad na nag-isip na may bagong babae sa buhay ni John, lalo pa’t nasabi ng aktor sa isang statement noong July 2024 na nagkasundo sila ng asawang si Priscilla Meirelles “to take a break” sa kanilang marriage.

Makikita sa video na masaya ang aktor at nakaakbay siya sa hindi pa rin nakikilalang babae.

John Estrada with unidentified woman at a bar 2

JOHN ESTRADA: “I have every right to befriend who I like to be friends with.”

Sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, pinadalhan ng mensahe ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) executive editor Karen AP Caliwara si John pagkalabas ng article.

Ito ay para makuha ang reaksiyon niya sa nag-viral ng video.

Sumagot kaagad ang aktor.

Ayon sa kanya, hindi niya kailangang magpaliwag pa tungkol dito.

Katulad ng normal na tao, may karapatan din siyang makipagkaibigan sa mga taong gusto niyang kaibiganin, mapa-lalake man o babae.

Ang pagkakaiba nga lang, isa siyang public figure kaya laging napag-uusapan ang mga larawang lumalabas tungkol sa kanya lalo na at babae ang kanyang kasama.

Buong pahayag ni John, “Honestly, I don’t owe anyone an explanation.

“But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female.

“Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure.”John Estrada statement sent to PEP.ph

Tila nakaabang ngayon ang mga showbiz fans sa bawat galaw nina John at Priscilla.

Kaya asahan na kapag may sighting o update tungkol sa estado ng relasyon nila—whether individually or as a couple—hindi mapipigilang magkainteres ang publiko.