Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?
There’s life after, or even before, MMFF 2023.
Among the films submitted to MMFF 2023 are (clockwise) ‘In His Mother’s Eyes’ starring Maricel Soriano and Roderick Paulate, ‘GG’ starring Donny Pangilinan, ‘Nokturno’ starring Nadine Lustre, and ‘Pieta’ starring Nora Aunor and Alfred VargasRecord-setting ang 30 finished films na isinumite para sa second batch ng official entries sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF).
“Iyan po ang pinakamarami so far sa finished films,” sabi ni Atty. Romando Artes, Overall Chairman ng MMFF 2023 ExeComm, noong Oktubre 17, 2023, Martes, sa bagong gusali ng MMDA sa Doña Julia Vargas Ave., Pasig City.
“Kahit noong wala pang division between script and finished film, ito po yung pinakamarami and masasabi ko na star-studded po.
“Halos lahat ng entries ay malalaking artista ang sumali, mga A-lister po talaga.
“Unfortunately, anim lang po talaga yung puwedeng piliin out of the 30 na nag-submit. In fact, dapat nga po, apat lang. So, tingnan po natin if it would work.”
Bale sampu lahat ang entries ng MMFF 2023.
Ang First 4 na napili base sa script ay Penduko ni Matteo Guidicelli, (K)ampon nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez, Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at Family of Two (Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Ang Final 6 ay When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, Becky & Badette nina Pokwang at Eugene Domingo, Mallari ni Piolo Pascual, Firefly ni Alessandra de Rossi, Broken Hearts’ Trip ni Christian Bables, at GomburZa nina Dante Rivero, Enchong Dee at Cedrick Juan.
Sinigurado ni Atty. Artes na walang magpi-first day, last day sa mga ito. Meron bang target na kikitain sa MMFF 2023?
“Well, sa gross po natin, nag-P500M+ po tayo noong nakaraan with 600 theaters,” pahayag ni Atty. Artes.
“This year po, since guaranteed tayo ng 800+ cinemas, so we presume na mas malaki po kesa sa P500M, pero no definite amount.”
Sa umpisa ng filmfest, magkakasindami ba ng sinehan ang sampung official entries?
“Yes, yes, definitely. May equal number of theaters po sila, kasi nira-raffle naman po yun,” sey ni Atty. Artes.
“We make sure na equal po yung mga sinehan nitong mga ilalabas natin.”
Hindi nakapasok sa Final 6 ng MMFF 2023 ang Nokturno ni Nadine Lustre, Shake, Rattle & Roll Extreme ni Iza Calzado, Pieta ni Nora Aunor, In His Mother’s Eyes nina Maricel Soriano, GG ni Donny Pangilinan, at Hiwaga ni Nick Banayo.
Ligwak din ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin ni Claudine Barretto, Selda Tres ni Cesar Montano, Lola Magdalena ni Gloria Diaz, Ang Ina Mo nina Lotlot de Leon at Charlie Dizon, Songs of the Fireflies ni Morisette, at iba pa.
Ano ang nangyari?
“Well, may criteria naman po tayong sinusunod sa pagpili,” malumanay na sambit ni Atty. Artes.
“So, hindi ko po alam kung… May mga members po tayo ng Selection Committee na nag-score.
“So, hindi po sila nabigyan ng enough grades to qualify for the Final 6. Hindi ko po alam kung ano ang options nila, nasa producers na ho siguro iyon.”
May criteria sa pagpili ng Final 6 sa MMFF — Artistic Excellence (40%), Commercial Appeal (40%), Filipino Cultural Value (10%) at Global Appeal (10%).
Nasa alituntunin na sa bawat genre ay hanggang dalawang pelikula lang ang puwede. Sa kabila niyon ay ngawngaw nang ngawngaw ang ibang supporters ng naligwak ng entries. Kung anu-ano ang hanash.
(From left) MMFF Selection Committee Chairman Jesse Ejercito, Overall MMFF 2023 ExeComm Chairman Atty. Romando Artes, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, and MMFF spokesperson Noel Ferrer
Pahayag ni Atty. Artes, “As I’ve said kanina, maraming haka-haka. Maraming suhestiyon. Maraming accusations regarding itong Final 4 na naging Final 6.
“Pero at the end of the day, meron po tayong Selection Committee na itinalaga even before ma-submit itong mga pelikulang ito.
“May criteria po tayong sinusunod sa pagdya-judge, na na-brief naman po yung ating Selection Committee.
“Nandito po ang pinuno ng Selection Committee, si Mr. Jesse Ejercito. And I think the entries na napili… speaks for itself.
“Ang pelikula naman po, kanya-kanyang opinyon yon. Walang makakapagsabi na lahat ay mapi-please ng bawat pelikula.
“May kanya-kanya po tayong preference. Ang masasabi ko lamang po ay pinili itong mga pelikulang ito base dun sa criteria na ating inilatag.
“At fair po yung judging nito. Yun lang po yung puwede kong sabihin sa inyo.
“Even kami, yung MMDA itself, ay wala pong hand diyan. May isa lang po kaming representative out of eight. Ang the rest po ay taga-industriya.
“So in terms of influence or anything, wala po kaming ganunan dito. So, yun nga rin po pala.
“Marami pong nagsasabi na bakit MMDA ang nagho-hold ng Metro Manila Film Festival? Bakit daw po hindi ipaubaya sa mga taga-industriya ang pamamahala nito?
“Unang-una po, may batas na nagma-mandate sa amin, ang mag-hold ng MMFF.
“Pangalawa po, siguro kami po yung may resources to hold yung MMFF dahil unang-una, yung pag-waive ng amusement fees ng LGUs. Iyan po, ibinibigay dahil sa MMDA.
“Pangatlo po, yung mga tauhan na nag-aasikaso at nagho-hold like sa Parade of Stars, yung security enforcers, mga tauhan po ng MMDA ang namamahala niyan at nagtatrabaho.
“Pero ang message na lang po siguro, ang MMFF po ay pinapatakbo ng isang Executive Committee.
“At ang Executive Committee po, I can say na 80 percent po ng membership niyan ay taga-industriya ng pelikula.
“So, ang pagpapatakbo po ng MMFF ay wala po sa MMDA, kundi nasa ExeComm ng MMFF na binubuo ng mga taga-industriya ng pelikulang Pilipino.”
NOEL FERRER
Exciting talaga ang MMFF line up this year compared to last year. At masaya rin kami sa MMFF ExeComm dahil mas maraming sinehan ang magbubukas nationwide.
Sana, ma-maximize natin ang pagpanood ng lahat ng pelikulang lahok.
At sa mga hindi naman nakapasok sa listahan, nakikita ko na ang iba na may mga playdates na before Christmas. Samantalang yung iba ay puwedeng hintayin ang summer kung magkaroon man ng ikalawang Summer MMFF.
Basta, sama-sama tayong suportahan at pasiglahin pa ang industriya ng pelikula Pilipino!!!