‘I thought I’m done’: Kim Chiu turns emotional over recent career success
Emotional ang TV personality na si Kim Chiu nang mapag-usapan ang kanyang natatamasang success sa showbiz career.
Sa isang exclusive interview ng ABS-CBN, sinabi ni Kim na happy umano siya sa tagumpay ng kanilang newly-released series ni Paulo Avelino na “What’s Wrong with Secretary Kim.”
“Sobrang na-happy talaga ako. […] Sobrang happy talaga. Like… ang haba namin siyang prinomote and sobra kaming kinakabahan, and hindi namin maipaliwanag yung nararamdaman namin during that time,” pahayag niya.
“And papunta na ng 12 midnight, sobrang nagti-text kami ni Paulo, ‘Kinakabahan ako, nilalamig ako.’ […] So, parang we’re very happy sa naging outcome ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim,’ sana tuloy-tuloy,” dagdag pa nito.
Just got a call from VIU staff. Kahit ako diko ma view ang mga episodes. Di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access at the same time ng 12midnight. ? Nakakaiyak sa tuwa po.?? ? refresh daw po ng refresh lalabas din daw po yan. thank you sa support for…
Matatandaan na nag-premiere sa streaming platform na Viu ang naturang serye nito lamang March 18.
Kasabay nito, dahil sa sunod sunod na success ng kanyang mga shows ay binansagan naman ng mga netizens si Kim bilang “Queen of Digital Streaming.”
Pag-amin pa ni Kim, inakala niya umanong tapos na ang kanyang career after ng “bawal lumabas” controversy.
“I’m gonna cry… Masaya, syempre. ‘Di ko in-expect. I thought I’m done… Gulat ako with everything. Kaya masaya ako,” wika niya.
“Of course, after ‘bawal lumabas.’ So, parang feeling ko, kaya sobrang nafa-fragile ako lately… ‘Fit Check,’ ‘Linlang,’ and ‘Showtime,’ and ito nga, ‘What’s Wrong With Secretary Kim.’ So thankful talaga ko,” saad niya.
Kwento pa niya, masaya siya sa tagumpay ng kanyang mga shows at in-acknowledge din niya ang suporta ng kanyang mga fans.
“[…] Walang paglagyan yung puso ko sa sobrang saya. Gusto ko lang mag-work nang mag-work, and dahil sa mga taong sumusuporta din, and sa mga taong naniniwala, and sa mga taong curious din, so sobrang akong nagpapasalamat,” pahayag niya.
“Kasi kung ako lang naman ito, or the platform itself, hindi naman namin alam kung magiging number one siya. Dahil ‘to sa mga taong nandyan para sumuporta, and manood, and tumatangkilik sa mga palabas namin,” pagpapatuloy pa niya.