Fajardo inspirado kay Patnongon (NG)

Hindi maipagkakaila na maganda ang naging laro ni June Mar Fajardo Biyernes ng gabi sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Chinese-Taipei na pinagwagian ng Nationals 93-71.

Rumehistro ng 22 na puntos at apat na rebounds si ‘The Kraken’ sa halos 23 minutong paglalaro.

Halatang inspiradong maglaro si Fajardo dahil na rin sa pagpunta at panunuod ng kanyang girlfriend na si Aerieal Patnongon.

Ayon kay Patnongon, huling minuto na nang magpasya itong lumipad patungong Taiwan para manood sa laro ng kasintahan.

“Last minute na ako nag-decide na pumunta nung nalaman ko na matagal pa next game namin after our Thursday game,” ani Patnongon.

Si Patnongon ay kasalukuyang bahagi ng Cocolife Asset Managers na naglalaro ngayon sa Chooks-to-Go – Philippine Superliga (PSL).

Masaya rin si Patnongon na nabigyan niya ng inspirasyon at napataas niya ang kumpiyansa ng kanyang boyfriend habang naglalaro ito.

“Masaya ako na na-pull off ko yung surprise kay June Mar, pero mas masaya ako na maganda ang nilaro niya at nanalo yung team,” dagdag nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News